Chapter 17: I'm Sorry, Niccolo T^T

1.3K 33 0
                                    

*********************************************************

A/N:

Happy 5,899 Reads <3 Keep on reading, vote and leave a comment ^^

Xoxo,

Rain^^

*********************************************************************

<KAYCEE's POV>

Inabangan ko si Niccolo sa may hagdanan.

Nakayuko sya kaya hindi nya ko nakikita...

Kaya nang magkakasalubong na kami...

"Niccolo.."-sabi ko saka nag-aalangang humingi ng tawad

Kaya napaangat sya ng tingin sakin at hindi ako pinansin..

Nilagpasan nya lang ako at nagsimulang maglakad..

Sinundan ko sya saka nagsalita

"Sorry Niccolo!"-sigaw ko para marinig nya

Bahagya syang natigilan bago humarap sakin..

"Dahil ikaw naman ang sumulat ng love letter, siguradong okay lang sayo ang mapag-usapan. Pero para sakin, hindi okay yun"-seryosong sabi ni Niccolo sakin

Nagsimula syang humakbang ng dalawang hakabang tsaka humarap ulit sakin

"Pwede bang tigilan muna ang panggugulo sa buhay ko!"-matigas nyang sabi saka tuluyang umakyat na ng hagdanan

Para akong binuhusan ng malamig na tubig mula sa kinatatayuan ko.

Para bang kusa na lang napako ang mga paa ko..

Naiwan akong natigilan.. hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglandas ng luha ko sa pisngi ko..

Napahawak naman ako sa pisngi ko tsaka pinunasan ang mga luha ko..

"Hehe"-napangiti ako ng pakla

"B-bakit?? Bakit ako umiiyak??"-sabi ko sa sarili ko at patuloy sa pagpahid ng mga luha ko

********************************************

Gabi na nang nagpasya akong umuwi sa bahay na tinitirhan namin..

Habang nasa gitna ng daan, hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa sitwasyon ko..

'Tinanggihan na ko ni Niccolo noon... ang buong akala ko, hindi nako masasaktan sa masasakit na sasabihin nya ngayon. Pero.. Bakit ako umiiyak ngayon???'-tanong ko sa sarili ko

Napaangat ang tingin ko sa kalangitan.. hanggang sa mahagip ng paningin ko ang pagdaan ng shooting star

'Hindi pa rin nawawala ang feelings ko para kay Niccolo'

Mabilis na lumipas ang sandali, nakadating nako sa bahay nila Niccolo

Pagkapasok ko pa lang sa pintuan, sinalubong na kaagad ako ni Tita

"Kaycee, bakit ngayon ka lang?"-bungad nyang tanong

"Sorry po. Nakalimutan ko pong sabihin na malelate po ako. Sorry po"-sabi ko kay Tita tsaka malungkot na dumiretso sa kwarto ko

Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita ko ang sulat ko noon para kay Niccolo..

'Ang unang love letter na sinulat ko para kay Niccolo..

Ang love letter na hindi na kailanman mababasa nya'

"Ayoko"-Niccolo

Hinding-hindi ko makakalimutan nung nireject ako ni Niccolo nang ibigay ko sa kanya ang love letter ko.

Ni hindi man lang sya nag-abalang basahin iyon.

Alam kong wala syang gusto sakin.. pero mahal ko pa din sya..

***

<NICCOLO's POV>

*Tok *  *Tok *  *Tok *

"Hoy! Bakante na ang banyo!"-sigaw ko samay pintuan ng kwarto ni Kaycee dahil hindi man lang sya sumasagot

Naghintay ako ng ilang segundo, pero wala syang sagot..

"Papasok ako ah"-paalam ko kung saka-sakaling naririnig nya

Pinihit ko ang pintuan, at bukas naman iyon.

Tumuloy lang ako sa kwarto nya, at naabutan ko syang tulog na nakaupo habang nakapatong ang ulo nya sa dalawang kamay nya..

Napansin ko ang sulat na nasa tabi nya kaya kinuha ko iyon at binasa.

Dear Niccolo,

Ako si Kaycee Aihara ng Class F. Malamang di mo ko kilala, pero ako kilala kita.

Simula nung magspeech ka sa entrance 2 years ago, nainlove na ako sayo dahil cool ka at matalino.

Nung unang beses na makita kita, pakiramdam ko, para akong tinamaan ng Shooting Star.

At magmula nun, nagkaroon na ko ng special feelings para sayo..

Gusto kong malaman mong, 'MAHAL KITA'

**********************************************

Please Vote and Comment^^

Super THANK YOU :*

Visit my Accounts:

www.loraineaballa.weebly.com

facebook.com/loraine.aballa

twitter.com/loraineaballa

wattpad.com/user/loraineaballa

loraineaballa.tumblr.com

loraineaballa@gmail.com

********************************************

Mischievous Kiss Love in TokyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon