Chapter 26: Summer Class >.<

1.1K 17 1
                                    

*************************************************

Previous Reads: 11,528

************************************************

<KAYCEE's POV>

Nasa loob ng room na kami.

Naghihintay na lang kami para magsimula na ang extra class namin..

"Hay! Taga Class F lang ang nandito!"-bagot na pagkasabi ni Sheryn

"Parang nasa regular class lang tayo!"-dagdag pa ni Jinky

"Listen, malapit na ang entrance examinations! Pero lahat kayo ay napakaimposible talagang makapasa sa exam na yun! At kahit na naka Top 100 si Kaycee Aihara ay hindi pa rin iyon exemptions! Kaya naman, gusto kong seryosohin nyo ang pag-aaral nyo sa extra class nyo! Pag gugulan nyo ng mabuti ang pag-aaral dito sa Tonan High School! Simulan na natin ang Summer Class!"-mahabang pahayag ni Sir

"Hay! Sayang! Summer Vacation pa naman ang pinakaimportante pagdating sa mg teenagers!"-malungkot na sabi ni Jinky

"Hindi na ako nag-eenjoy ngayong Summer! Mas maraming oras sa pag-aaral!"-segunda ni Sheryn

"Hi kumusta! Makakasama mo ko buong summer! Magandang memory yan! Diba, Kaycee?"-masiglang sabi ni Kaloy pagkadating na pagkadating nya

"Hindi mo ba nakikitang wala sya sa mood ngayon?"-sabi ni Jinky sa kanya

"Iba ang gusto nyang makasama! Hindi ikaw yun!"-dagdag pa ni Sheryn

"Ay! Pero imposibleng makasama nya ang gusto nya ngayon"-sabi ni Sheryn

"Ha? Parang nakita ko si Niccolo kanina ah!"-sabi ni Jojo

Nakita ko namang pinandilatan sya ni Kaloy

"Ha? Totoo? Si Niccolo? Nandito sya?"-gulat kong tanong

"Imposibleng mangyari yun! Tingnan natin ang School Yard!"-sabi ni Jinky

Kaya dali-dali kaming nagtungo sa bintana para masilip ang nasa School Yard..

At hindi nga ko nagkakamali! Nandun si NIccolo, at nagpapraktis ng Tennis^^

"Ha? Ahihi. Oo nga pala! Salim-pusa sya sa Tennis Club"-bigla kong naalala

"Anong Salim-Pusa"-takang tanong ni Jinky

"Ibig sabihin, hindi pa sya Official Member! Pero mas magaling pa sya kesa sa ibang Members! Sumasali sya sa mga tournaments!"-sagot ko

"Ahh~~ Ganun ba!"-sabay-sabay nilang sagot

"May High School Tennis Tournament ngayong katapusan, hindi ba?"-biglang tanong ni Sheryn

"Anong sabi mo?"-tanong ni Kaloy

"Akala ko.. ang mga Nerd.. walang talent sa kahit ano mang Sports!"-dagdag na sabi ni Kaloy

"Hindi man lang nya sinabi na pupunta sya sa School ngayon"-nakatungong sabi ko

"Kung hindi nya sinabi, malamang.. wala talaga syang pakialam sa feelings mo friend!"-malungkot na sabi ni Sheryn

"Okay lang yan! Ayos lang yun, diba?"-sabi ni Kaloy.. pampalubag-loob ("_  _)

Napatingin na lang ako sa may backyard..

Kung saan.. malaya kong makita si Niccolo habang naglalaro^^

**FLASHBACK**

"Nagbabago ang isip ng tao! Ang ayaw mo noon, pwede mo ng magustuhan ngayon.. hindi ba??"-Niccolo

**EndOfFlashback**

"Sus! Nakatitig ka na naman kay Niccolo!"-saway ni Jinky

"Ha? Hindi ah! Naiisip ko lang na.. Ang galing-galing nya.. kahit hindi naman sya nagpapraktis.. Unfair diba?"-pagpapalusot ko

**********************************************


Please Vote and Comment^^
Super THANK YOU :*


Visit my Accounts:

www.loraineaballa.weebly.com
facebook.com/loraine.aballa
twitter.com/loraineaballa
wattpad.com/user/loraineaballa
loraineaballa.tumblr.com
loraineaballa@gmail.com

********************************************

Mischievous Kiss Love in TokyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon