Kabanata 1

11.1K 296 45
                                    

Huni ng ibon, tilaok ng manok, ugong ng mga sasakyang nagbubuga ng maruming usok, magtitindang sumisigaw ng taho, maagang pag mumurahan sa tambayan. Iyan ang gumigising sa akin tuwing sasapit ang umaga, nangangahulugan na oras na para bumangon at magsimula ng muli sa pag tatrabaho.

“Antonio magbihis ka na may pasok ka pa!” paninigaw ko sa kapatid ko. Mabagal kasi siyang kumilos.

“oo ate babangon na!” agad niyang sagot sakin. Naghanda na muna ako ng aming kakainin ngayong umaga at ng masiguro kong nakahanda na ang lahat saka ako mabilis na naligo.

Mariin akong napapikit habang dinadama ang tubig na lumalabas sa shower ng banyo ng aking inuupahan, may mga mababait pa pala talaga sa mundong ito na naawa saming magkapatid at pinatira kami sa isang kwarto sa halagang P1,500 kada buwan. Ngunit akala ko okay na ang lahat.

Walang araw na lumipas na hindi ako mag iisip kung paano na kami pagdating ng kinabukasan, mahirap palang mamuhay kung may mga taong sayo lang umaasa.Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, pumapasok sa imahinasyon ko na may maayos kaming buhay. Nasusustentuhan ko ang kapatid ko ng higit pa sa gusto nila. Hindi man marangya ngunit naroroon ang pag asenso sa buhay ang lagi kong iniisip. Na hindi ko na poproblemahin ang pag gising ng maaga para lang maghanap ng permanenteng trabaho at uuwi sa gabi na halos pagod kana at madadatnan mong tulog na ang mga kasama mo.

“Ate! Papasok na ako!” sigaw ni Anthony sa labas, mukhang napatagal ang pag iisip ko. Agad akong nagbihis sa loob ng banyo at lumabas na rin. Nagtutuyo ako ng aking buhok habang kaharap ko si Anthony na nakasuot nan g kaniyang lumang uniporme.

“Nakaayos na ba jan sa bag mo lahat ng gamit mo? Mga assignments mo?” Pag aalala ko sa kaniya.

“Mag iingat kaha, at umuwi ka kagad kapag wala ka ng gawa. Bantayan mo si Jaja”

“Sige ate pero itetext kita, mag tutor muna ako saglit kay Mike”

“tutor ba talaga o ipag gagawa mo lang ng assignments niya dahil tamad sya?” Taas kilay kong sabi.

“Tutor ate, oh sige na lalabas na ako, mag iingat ka ate ha I love you!” halik nito sa pisngi ko. At pinagmasdan siya habang papalabas ng bahay.

Hindi naman sa pagmamayabang pero, kaming magkapatid ay may angking katalinuhan na kapag nakapagtapos kami ng pag aaral ay mapapabilang kami sa mga “Laude” ng paaralan ngunit dahil sa kahirapan hindi ko na maitutuloy ang aking mga pangarap at naisin sa buhay. Tumigil ako ng tatlong taon sa aking kursong kinukuha. Isa na siguro akong Nurse ngayon kung sana lang ay nadagdagan ang sweldo na kinikita ko. Mahirap talaga pagsabayin ang pag aaral at pag tatrabaho halos wala ka ng pahinga kaya isang araw sa sobrang pagod bumigay na katawan ko hanggang sa tumigil na rin muna ako sa pag aaral at inuna ko ang magtrabaho total hindi ko na rin matutustusan pa ng sapat ang matrikula ko sa kolehiyo kaya pinili kong magtrabaho nalang. Ganito talaga kapag self-support. Aist.

Malapit na ring mag senior high ang kapatid ko kaya napilitan akong tumigil at ipinangako ko sa kaniya na susuportahan ko  nalang siya sa pag aaral niya. Kaya heto, matataas  naman ang nakukuha niyang grado at minsan naghahanap din ng pwedeng pagkakitaan para naman daw hindi na siya humingi ng pera sa akin.

“Gigi gising na ako” tawag sakin ng isang boses anghel. Agad akong nagtungo sa aming silid tulugan. Nakita ko ang aking munting prinsesa na nakaupo at tila may pinapakiramdaman.

“Andito na si Gigi!” masaya kong sabi sa kaniya habang siya ay aking binubuhat. Dinala kosiya sa aming hapagkainan at dahan dahang iniupo.

“Oh wag kang malikot ha, susubuan ka ni Gigi” agad akong  nag scoop ng pagkain at hinipan ko muna iyon saka isinubo kay jaja.
Pagkatapos kong mapakain si jaja ay pinaliguan ko na rin siya.

Remembering Mrs. Lewis Book 1 (Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon