Kabanata 7

6.5K 235 65
                                    

W/N : Naway mag init ang nanlalamig niyong pasko nyahaha.

Last night was unplanned. Hindi ko dapat hinayaan na magpadala sa kaniyang mga halik.  Because i know it will lit a fire, a desire, a lust in my whole being. She's so carefree everytime na makikita niya ako. And i don't like the idea of it.

Meron siyang katangian na akala mo ikaw lang ang tao sa paligid niya. And i don't like her to feel it that way. Dahil mali.

Then why are you responding to her kisses last night?

Bakit nga ba? Aminin ko man o hindi, tanging siya lang. Si Glaiza lang ang taong nagparealize sakin na hindi pala boring ang buhay ko. And when she whispered my name. Na dapat ikagalit ko dahil hindi ako nag papatawag sa first name basis. I can't get mad at her, instead i find it cute when she called me Denise.

Because she's your excemption. And your temptation as well.

Yes, i have to do something, this must be controlled or stop before anything more happened. I have a family and reputation to protect.

But are you happy?

Am i happy? Do i look like happy? Kelan ko ba huling naramdaman na masaya ako? Maybe last night. But i can't consider that happy. I look at the person who's sleeping peacefully at my bed. "What did you do to me Glaiza, to feel this way" bulong ko sa hangin. I only watch her sleeping for almost 10 minutes. Thinking of random things.

"Good Morning" bati ko sa kaniya habang iginagala niya ang paningin hanggang sa nagtama na ang aming mga mata. Nakaupo ako rito sa may right side sipping my coffee. I was only wearing a robe.

"G-good morning" pag iwas niya ng tingin.

"Would you like to have some breakfast?" I ask her while i walk near her and sit beside her.

"Ahm. H-hindi na siguro, baka hinahanap na ako ng kapatid ko." Sagot niya. I think this is the right time to talk about what happened last night and at the cave.

"Glaiza what happened last night was not right. It shouldn't happened. When we have our first encounter at the cave that should be the last. Hindi na dapat nasundan pa, but last night..it happened again" seryosong saad ko at kung kanina ay masayang mukha ang bumungad sakin, ngayon ay napalitan na pagiging seryoso.

"Ano ba dapat ang tama?" Malamlam niyang tanong habang nakatingin sa aking mga mata. She reach for my hands and caress it. "Anong magagawa ko kung sa tuwing malapit ka sakin, o makita palang kita ay nasasabik na ako. Denise.." she hold my face and caress it. "Gusto na kita. At kahit na alam kong sasabihin mong hindi dapat. Hindi ko na mababawi pa ang nararamdaman ko. Dahil puso ko na ang nag sabi noon." Inalis ko naman ang pagkakadampi ng palad niya sa mukha ko. Tumayo ako at sandaling tumalikod sa kaniya.

"I have a family to protect even my reputation." Saad ko habang nakatingin muli sa kaniya.

"Alam ko, at kung gaano mo inaalagaan ang reputasyon mo, ganon din ang pag iingat ko para sating dalawa." Sagot niya.

"There was never an us. Glaiza. I have a husband" argumento ko sa kaniya. But she only just smirk at me. Which is ngayon ko lang nakita sa mga reactions nya.

"A husband? ..but when i look at your eyes. Hindi ko makita ang saya when you're with him, kahit na dalawang beses ko palang kayong nakikitang magkasama. More like it lost its color. But last night. I knew there was  longing. I knew you were somehow....... happy." Nagiging transparent na ba ako? Dahil nagagawa na niyang basahin ang mga reaction ko. Hindi ko dapat hayaan na basahin ako ng ibang tao. Not even her.

"I don't know what your talking about. This conversation is over. I will tell Harvis to pick you at your house later" saad ko at naglakad na palabas ng kwarto. Hangga't maaari, kelangan ng iwasan kung ano man ang meron sa pagitan namin.

Remembering Mrs. Lewis Book 1 (Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon