" you didn't tell us na nag stay ka pala ng ilang araw sa Sta. Elena. Ganon ba kaimportante ang paglagi mo doon kesa sa makasama mo ang pamilya mo. Rhian?" Madiing sambit ni Mark sakin.
Three days had passed since we stay in Sta. Elena. At hindi ko maikakaila na nag enjoy naman ako sa pamamalagi ko doon ng mahigit dalawang araw. At sa loob ng mga panahong iyon ay hinarap namin ni Glaiza ang mga taong nag protesta.
Kalaunan ay humingi rin sila ng despensa sa kanilang pagkakamali at maluwag na tinanggap ang mga suggestion namin.
And now i'm here at my company. Signing those papers na nag pending dahil sa ilang araw akong wala at si Glaiza.
"So what's the matter? Mali bang mag stay ako doon?" Taas kilay kong tanong kay Mark habang nakaupo ako sa swivel chair at sya ay nakatayo sa harapan ko.
"All im saying is. Dapat pagkatapos mong makipag usap sa mga tao doon. Umuwi kana agad! Ang layo ng Sta. Elena. Ni text o tawag wala kang paramdam at isa pa. Bigla mo nalang kami iniwan ng mga anak mo sa resort! Mas inuna mo pang makahalubilo yung mga taong hindi mo naman kadugo!" Singga niya sakin. Dito na ako napatayo at nakipag sukatan ng tingin sa kaniya.
"Don't you raise your voice at me Mark! You're in my territory!. And besides who's fault is that? Ako ba ang nag simula kung bakit hindi tayo nagkalinawan? At nag paalam ako sa anak natin in case you don't know before i leave. Kung wala ka ng sasabihin lumabas kana. Marami pa akong gagawin" saad ko at naupo akong muli sa swivel chair. Pabagsak naman niyang isinara ang pintuan ng office ko kaya kinig na kinig ito ng mga karatig ko.
Napasandal ako sa aking upuan at mariing ipinikit ang mga mata. He knows that i spend my days with Glaiza's family. At hindi ko naman ikakaila sa kaniya iyon.
Tinawag ko mula sa intercom si Patricia at pinakisuyuang dalhan ako ng isang tsaa at paracetamol dahil sumakit bigla ang ulo ko. At hindi pa man nakakatagal ay may nagkatok na sa pintuan ng office ko.
"Come in" saad ko pero hindi ko tinitingnan kung sino ito dahil si Patricia lang naman ang inaasahan kong papasok.
"Okay ka lang ba?" Saad ng babaeng nagaalala. Kaya tiningnan ko na siya habang nakasandal parin dito sa upuan ko.
"No" saad ko at lumapit siya sakin.
"Heto na yung tsaa mo. Ako na ang nagdala dito kasi may gawa si Patricia. Here's your med" saka iniabot sakin. At saka ko naman ininom. At mariing ipinikit muli ang aking mata at sumandal muli sa sandalan ng upuan.
"Let me massage your temple" saad niya habang pumwesto siya sa likuran at maingat, dahan dahang hinihilot ang sentido ko.
"I didn't know you have a talent like this" ngiting sambit ko at napahagikgik siya.
"You have to take a deep breath. So inhale! Exhale!" Instruction niya sakin na ginawa ko naman. Pakiramdam ko nabawasan ang inis ko.
"Thanks" saad ko at bumalik na ulit siya sa harapan ko.
"Kung gusto mo ako na ang gagawa ng iba mong paper works. Ituro mo lang sakin kung ano ang mga gagawin" presenta niya.
"I thought you have a class today?"
"Wala na. Na advance na namin the last time we meet"ngiting saad niya. "Kaya akin na yung mga ipapagawa mo" saad niya.
May kinuha akong brown envelop dito sa drawer ko at ibinigay sa kaniya.
"This is what you're going to do..open it" saad ko at nakita ko namang natigilan siya na animo'y naging yelo. And after a while lumuluha na siya. I handed her my handkerchief dahil naubusan na ako ng tissue.
BINABASA MO ANG
Remembering Mrs. Lewis Book 1 (Rastro)
FanfictionPagmamahalan na hindi sagabal ang Edad at Kasarian Pagmamahalan nga bang matatawag o Tawag lang ng laman. -Remembering Mrs. Lewis-