Kabanata 12

4.1K 223 145
                                    

"Glen"

Sambit ko sa di makapaniwalang pangyayari. Hindi sya isang ilusyon. Totoong nandito siya sa harapan ko.

"Ako nga at wala ng iba" nakangiti niyang saad.  Isang dipa lang ang pagitan naming dalawa. Nananatili akong nakatayo sa aking pwesto.

"I thought you're dead" usal ko.

"Akala ko rin Rhian, pero heto. Buhay ako. May puti na nga lang sa buhok ko" biro niyang saad pero ako nanatili lang na nakatitig sa kaniya.

"Why now? After all this time ngayon ka lang nagpakita" malungkot kong tanong sa kaniya.

Dahil kung noon pa siya nagpakita, maaaring mabago ang takbo ng buhay ko.. maaaring hindi ko naging asawa si Rafael at maaaring hindi ko......Si Glaiza?! I forgot to contact her last night dahil sa pag uusap namin ni Sabrina.

"Masyado na bang matagal Rhi? Pasensya na kung tumagal ng ilang dekada. May mga kailangan lang akong ayusin sa buhay ko ng panahong iyon. Kailangan kong linisin ang records ko para hindi maituring na isa sa kidnapper mo" saad niya.

"Bakit hindi mo nalang ako hinanap? Ako ang makakapag patunay na hindi ka masama!"

"Hindi ganon kadali yon Rhi, hindi mo ako lubos na kilala" malungkot niyang saad.

Saglit na katahimikan ang pumagitna sa amin.

"Pero hindi ko ikakaila na masaya akong makita ka muli. Hindi rin halata sayo na tumatanda ka. At hindi rin halata na may mga anak ka na" ngiting saad niya. Habang ako ay nakatitig lang sa kaniya. Hindi alam ang sasabihin. " ehem.. ah kumusta kayo ng asawa mo?"

"We're getting a divorce" sagot ko. "Would you like to drink?"  Pag aaya ko ng inumin sa kaniya.

"Hindi na, aalis rin ako. Binisita ko lang naman ang prinsesa ko. Gusto ko lang tingnan kung ganon pa rin siya sa dati. Pero heto at sobrang ganda na niya. Hindi pa ito ang araw na laan para makapag usap tayo ng matagal."

"Ikaw? Kumusta ang buhay mo? Pagkaraan ng mahabang panahon" ako naman ang nagtanong at naglakad papunta sa harap ng table ko at doon ako sumandal.

"Masaya naman. Pero mas lalong sumaya ng makita ka." Saad niya. Pero kaalinsabay nito ay ang mabilis na pagtawid niya sa pagitan namin at maglapat ang mga labi namin. Hindi ako nakakibo sa pagkagulat na ginawa niya. Nanatili lang magkalapat ang mga labi namin pero ako agad ang kumawala.

"M-may problema ba?" May halong pag aalala niya at tumalikod lang ako sa kaniya, paharap sa glass window at tanaw ang matataas na building. "N-nakalimutan ko. May asawa ka nga pala." May himig dismayang saad niya.

"You can leave now" saad ko sa mababang tono.

"Sa susunod nalang ako babalik, hindi ko ihihingi ng tawad ang nagawa ko. " kalmado niyang sagot. Hindi nalang ako nagpakaimik imik pa sa halip ay inintay ko nalang na magbukas-sara ang pinto.

Sandali akong nakatitig sa kawalan. Kung ano-ano na rin ang pumapasok sa isip ko. Pero isa lang ang gusto kong mangyari, yun ay magkasama kaming dalawa.

 Pero isa lang ang gusto kong mangyari, yun ay magkasama kaming dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Remembering Mrs. Lewis Book 1 (Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon