Love Will Lead Us Back

7.3K 282 96
                                    

Bituin" nakamasid na saad ni Denise sa kalangitan.

"Ikaw ang bituing nag bibigay liwanag sa madilim kong mundo. " saad ni Glaiza sa kaniya. " salamat sa pagiging bituin ko Denise. Salamat sa pagbibigay kulay sa madilim kong buhay."hinalikan niya ang noo ni Denise, ngumiti ito habang ginagawa ito sa kaniya.

"Hanggang sa muli nating pagkikita Glaiza, babaunin ko ang pagmamahal na iyong inialay sa akin. Mahal na mahal kita"

"Hindi man tayo itinakda sa mundong ating ginagalawan, baka sakaling sa kabila, tayo'y mapagbigyan ng Poong Lumikha, hanggang sa muli Denise, mahal na mahal kita. Magkikita pa rin tayo" mariing ipinikit ang dalawang pares ng mga matang saksi sa kanilang pagmamahalan.

Kasabay ng paglubog ng araw, pag ihip ng malamig na hangin. Pag hampas ng mga alon sa tabing dagat. Mababakas sa kanilang mga ngiti ang walang hanggang pagmamahalan. Baon nila sa kanilang paglisan ang kanilang nabuong pagmamahalan, pagkakataon nalang ang kanilang hihintayin upang silang dalawa'y muling magkapiling.

"Wakas" 

Humugot ng malalim na hininga ang batang katatapos lang magbasa ng kaniyang kwentong nagawa. Ang lahat ay nagpalakpakan sa kaniyang kwentong nilikha. Sari-saring emosyon ang naramdaman ng mga taga pakinig, guro man o mga mag aaral din. Ang iba ay umiiyak at napapatulala simula sa simula hanggang sa wakas ng kwento.

Kaya ang tanong. Ano ang naramdaman mo ng makita mong may kasunod pa palang kabanata ang akala mo'y wakas na? 😁😁

Lahat ng tagapakinig ay nasiyahan sa kwentong ibinahagi  ng isang grade six student, si Jaja. Isinagawa ito sa story writing competition na parte para sa selebrasyon ng Linggo ng Wika  ng paaralan  na kanilang pinapasukan.

".... for the  story  writing competition. First placer. Jamaica Santiago!" Nagsitayuan ang mga kaibigan at buong kaklase niya habang si Jaja ay sinasabitan ng medalya ng kaniyang guro. Si Rizie ang kumukuha ng picture sa kaniya habang si Mon ay kalapit ng kaniyang guro.

" wooohhhh galing galing ng bebegirl namin" mahigpit na niyakap ni Rizie at pinaghahalikan sa pisngi si Jaja.

" yuck tita Riz, bakit mo ko ginagawang baby?" Pinahid pa nito ang pisnging hinalikan ni Rizie

"Dahil bebe ka pa rin namin no" saad nito.

"Let's Go, imemeet nalang daw tayo sa restaurant. Marami pa daw bilin sa kaniya" saad ni Mon Mon habang hawak hawak ang bag ni Jaja, hindi pa rin inaalis ni Jaja ang medal na suot niya, natutuwa siya dahil panibagong achievement nanaman ang nakamit niya.

Pinili nilang kumain sa Japanese restaurant, wala pa roon ang taong iniintay nila.

"Nasan na kaya ang taong yun?" Napapakamot sa batok si Riz. " gutom na ako" saad nito.

"Lagi ka namang gutom, may bulate ka yata sa tyan" saad ni Mon-Mon.

Tahimik lang na nagtitingin tingin ng pangalan ng mga pagkain sa menu si Jaja.

"Ang tagal naman niya.." bulong nito.

Napansin nila ang pagkalungkot sa mga mata ng bata. Hindi kasi nakadalo sa palatuntunan sa kanilang paaralan ang pinaka importanteng tao sa buhay niya.

"Sorry i'm late" saad ng taong hinihingal pa. Kaya napatayo si Jaja at niyakap ito ng mahigpit.

"Gigi!!!" Masayang sigaw nito.

"Anak, sorry. sorry .sorry talaga, hindi ako nakadalo sa palatuntunan sa school niyo. Ang lola mo kasi, ang daming bilin. Hindi ako makasingit ng pagtakas. Nawala rin siguro sa isip niya na ngayon yung Linggo ng Wika nyo." Hinging despensa ni Glaiza sa kaniyang anak.

Remembering Mrs. Lewis Book 1 (Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon