Chapter 2
Hidden feelings.Pinagkakatigan ko ng maigi ang larawan sa harapan ko. Sinusuri ang bawat detalyeng nakapaloob sa larawan naming dalawa.
Pigik akong ngumiti nang maalala ko siya. Sana napatawad niya na ako. Sana masaya na siya ngayon. Kahit masakit isiping masaya siya kasama kung sino man ang taong minamahal niya na ngayon, tatanggapin ko.
Binalik ko ulit sa loob ng kahon ang picture naming dalawa at tinago iyon sa loob ng tukador. Pagkatapos, agad akong bumaba papunta sa kusina upang mag-umagahan. Kumukulo na rin kasi ang tiya ko, kanina pa.
"Buti naman naisipin mo ng bumaba, bunso'y. Dadalhan na sana kita ng pagkain sa itaas."
Ngumiti ako at hinalikan si papa sa pisngi kapagkuwan ay humugot ako ng upuan sa tabi niya.
"Napasarap lang po ang tulog ko, pa."
Tumango na lamng siya at bumalik na sa pagkain. Sumandok naman ako ng kanin at ulam naming tocino at hinaluan iyon ng ketchup. Weird daw sabi ni Rich pero nang sinubukan niyang tikman, nagustuhan din namn niya ang lasa. Masarap naman kasi talaga.
"Pa, hindi ka umuwi kagabi." Pansamantala akong tumigil kumain para abangan ang isasagot niya sa akin.
Napatigil ito, nanatili pa rin ang tingin sa kanyang harapan, "Nagpakaproblema lang sa trabaho..."
"Pero napapadalas na ang pag-uwi niyo ng gabi."
Kinuha nito ang baso at iyon ay ininom. Tumikhim ito bago magsalita, "Absent ka daw nung Saturday dahil napuyat ka sa taping sabi ng pinsan mong si Sha?"
Tumango ako habang nanguya. Masama na talaga ang pakiramdam ko nun, naulanan pa ako kaya hindi na nakayanan ng katawan kong pumasok. Mabuti na nga lang at gumaling na ako at nakapunta ako sa taping kagabi. Sayang din ang pera.
"Kung hindi mo na kayang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral mo, mas mabuti sigurong iwanan mo na ang pag-aartista. Kaya ka naman naming buhayin ng mama mo, hindi mo na kailangan pang magtrabaho."
Hindi ko pala sinabi kay papa ang isa pang dahilan kung bakit ako sumabak sa ganitong klaseng trabaho. Ang sinabi ko lang sa kanya ay kailangan ko ng magtrabaho para makatulong ako sa kaniya. Alam ko naman kasing nahihirapan na siya. Sa una ay hindi siya pumayag pero sa huli ay napilitin siya ng magpumilit ako.
"Papa, ayoko lang kayong mahirapan ni mama."
Kahit alam ko namang ikaw lang ang nahihirapan sa inyong dalawa.
Biglang nag-iba ang emosyon sa mukha nito nang sabihin ko iyon, "Anak.."
"At saka nasa kolehiya na si kuya, dagdag pa ako na nasa kolehiyo na rin. Kahit hindi niyo po sabihin sa amin, alam kong nahihirapan na kayo."
Hindi kasi nakapagtapos ng pag-aaral sila mama at papa bunga nga ng maaga nilang pagdedesisyon na mag sama. They were still young when they had kuya Jag. Wala naman kaso sa akin iyon, sa katunayan nga niyan ay maswerte ako dahil naging magulang ko siya. Si papa lang.
"Gusto namin ng mama mo na magkaroon kayo ng magandang kinabukasan ng kuya mo. H'wag kayong tutulad sa amin. Mangako ka, anak."
Lumabi ako at tumayo upang yakapin siya, "Promise pa, kapag nakatapos ako ng pag-aaral susunduin natin si mama sa ibang bansa."
Tumawa siya ngunit hindi umabot sa tainga nito ang kanyany ngiti na kadalasan niyang ginagawa. Niyakap din niya ng mahigpit, "Ang swerte ko talaga sa inyo ng mama mo at kapatid mo."
Napangiti ako.
"'O s'ya-s'ya, kumain ka na para makapasok ka na. Ayokong nababalitang umabsent ka ulit dahil lang sa pagaartista mo."
"Opo, papa."
Nang matapos akong kumain, agad akong dumiretso sa ikalawang palapag ng bahay upang makaligo na at makapasok.
Hindi kasi ako sanay na maliligo muna bago kumain. Mas gusto kong fresh ako padgdating sa kung saan man ang pupuntahan ko. Kapag kasi nauna akong naligo, mas napapatagal ang paghahanda ko.
Mabilis lang ang ginawa kong pagligo gawa na rin na ayokong malate sa unang subject namin ngayong araw, mahirap na at terror pa naman ang prof namin sa literature. Tatlo lang naman ang schedule ko ngayong araw kaya ayos lang kung wala pa akong masyadong tulog dala nga ng taping kagabi.
Kapatid lang naman ako ng bida doon sa pelikula. Si Kygo yung bestfriend ko. Parang kami yung second loveteam sa istorya. Not the lead.
Nakakapagod pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral pero alam ko namang kakayanin ko, minsan lang talaga ay hindi ko lang maiwasang maisip ang sukuan ang isa sa dalawang bagay na 'yon.
Ayoko rin namang pumasok sa open university. Gusto ko pa rin namang makaranas ng normal na buhay tulad noon. At saka isa pa, magastos yun.
Agad akong humalik sa pisngi ni papa nang huminto na sa tapat ng university ang sasakyan.
"Sabihin mo ako kapag may problema sa school, 'nak, o kaya naman sa trabaho mo. Wag mong sosolohin ah?"
Tumango ako sa sinabi niya, "Kaya ko, pa. Ako pa ba?"
"Sige na, pumasok ka na at baka malate ka pa."
Nagmano muli ako at agad na lumabas mula sa sasakyan. Kumaway muna ako kanya bago ito umalis.
Sa isang pribadong school ako nag-aaral somewhere in Manila. I took BSBA MM before I switched to Mass Communication. I changed my course for some reason. Una, para makaiwas sa kanya. Pangalawa, para malimutan siya. Siguro ayon na lang ang nararapat ko ding gawin, ang iwasan siya para parehas na kaming makalaya sa isa't-isa. Ang balita ko ay nasa ibang bansa na siya ngayon. Ayoko namang tanungin kay Kygo kung kung saan dahil baka magduda pa siya at simulan pa ng away namin iyon. Nitong mga nagdaang araw kasi ay napapansin ko ang madalas naming pag-aaway. Dala na rin siguro ng pagod sa kanya-kanya naming pinagkakabalahan.
Nag-aaway kami dahil lang sa maliliit na bagay. Hindi na kami minsan magkaintindihan. Minsan nakakasakal na pero pilit ko siyang iniintindi. Para saan pa't sinakripsyo ko ang kasiyahan ko tapos iiwan ko lamang siya?
Iyong mga pagseselos at pagdududa niya ay wala na sa lugar. Lagi niyang pinag-iinitan si Rich, hindi ko naman masabi sa kanya na wala siyang dapat ikaselos dito dahil iba ang gusto nun at kapwa lalaki niya yun. Nangako ako kay Rich na hindi ko ipagsasabi sa kahit sino ang sikresto niya kaya hinayaan ko na lang si Kygo kung ano man ang gusto niyang isipin, wala rin naman akong ginagawang masama.
Kung malalaman lang niya ang tunay kong nararamdaman baka mas lalo siyang magalit sa akin. And the worst thing that can possibly happen is, he might dump me.
Mas mabuti ng wala siyang alam sa totoong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Defying Fate
ChickLitHighest Rank: #77 in ChickLit They say, to love somebody is something that you will regret. Love hurts. Love can kills us. If that so, why can't love just kill me instead of letting me experience this kind of pain? Why do fate lead me in this way...