Chapter 8
Bleeding heart."Hindi ka ba muna kakain bago ka umalis?"
Walang gana ko siyang tinapunan ng tingin at agad din itong binawi. Hindi ko kayang tumingin sa kanya ng matagal. Naaawa ako sa kanya at pati na rin sa sarili ko.
Naaawa ako dahil naging ganito kami.
"Hindi na, mahuhuli pa ako sa klase ko."
"Maaga pa naman baka pwede mo 'kong sabayan sa pagkain?"
"Dadaanan ko pa si Rich. Doon na lang ako kakain sa kanila."
"Saluhan mo lang ako. Namimiss ko lang ang presensya ng mama mo."
Hindi na ako nakapagtimpi at padabog kong binitawan ang basong pinag-inuman ko. Nabasag ito at nahiwa ang kamay ko.
Fuck. Why am I so stupid?
Makirot ito pero ininda ko ang sakit. Imbis na bitawan ang basag na baso, mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak dito. Nagdidilim ang paningin ko sa galit.
"Ang tagal na rin kasi noong huli tayong kumain ng sabay. Naaala mo pa ba ang lasa ng luto ng mama mo?"
Gusto ko ng lumabas pero hindi ko magalaw ng mga paa ko. Nanghihina ako at para bang kinakapos ako sa paghinga.
"Napapansin kong madalas na ang pag-uwi mo ng gabi. Napapagod ka na ba sa trabaho? Tinatanghali ka kasi ng gising kaya hindi ka na nakakasabay sa akin sa pagkain. Madalas mo ring tangihan ang pagsabay sa aking kumain miski ang paghatid ko sa iyo sa eskwelahan. Ang lamig na rin ng pakikitungo mo sa akin.. May problema ba, anak?"
Mas lalo akong nanghina sa bawat linyang binitawan niya. Bumalik na naman ang sakit.
"A-alessia.."
Sa malakas na sigaw na umalingaw-ngaw, bigla akong bumalik sa aking katinuan. Wala sa sariling nabitawan ang basong hawak-hawak ko. Nagpalit-palit ang tingin niya sa akin at sa basong nababalutan ng dugo.
"Bakit ba hindi ka nag-iingat? Teka kukuha lang ako--"
"Paano mo nagagawang magkunwari na parang wala lang sa'yo ang lahat?"
"Anong pinagsasabi mo, Alessia? Kukuha lang ako--"
Nakakatanga nga talaga ang pag-ibig.
"Alam ko na ang totoo, pa. Iniwan na tayo ni mama. Alam kong may iba na siyang pamilya. Tanggap ko na nga 'e pero bakit hindi mo pa rin matanggap?"
Hindi siya nagsalita't nakatingin lang siya sa akin. Ito na naman siya, magkukunwaring walang alam o narinig.
"M-maawa ka naman sa sarili mo, pa."
"Ilan beses ko bang kailangan ulitin sa inyo na maraming ginagawa ang mama niyo kaya hindi na siya nakakatawag?!"
Gusto kong lumuhod at magmakaawa sa kanya na tumigil na siya. Nagmumukha na siyang kaawa-awa sa ginagawa niya.
"Papa naman.."
"Sa susunod na sasabihin mo yan, Alessia. Hindi ako magdadalawang isip na palayasin ka dito katulad ng ginagawa ko sa kuya mo."
BINABASA MO ANG
Defying Fate
ChickLitHighest Rank: #77 in ChickLit They say, to love somebody is something that you will regret. Love hurts. Love can kills us. If that so, why can't love just kill me instead of letting me experience this kind of pain? Why do fate lead me in this way...