Chapter 6
Mad love.Pinarada niya ang kanyang kotse sa tapat at naguguluhang tumingin sa akin.
"Bakit dito pa kita ibababa kung pwede namang idiretso ko na sa bahay niyo?"
Hindi ko rin alam. There's something in my mind and I can't figure it out. Iba yung nararamdaman ko. Iba ang kutob ko. I can't put it into words. Feeling ko may mangyayari na namang hindi maganda.
"Hindi na, kaya ko naman na ang sarili ko." Humalik ako sa kanyang pisngi at binuksan ang pinto, "Pakisabi na lang ulit kay tita na salamat."
"Naka-ilang thank you ka na kay nanay. Hindi mo naman na kailangan pang gawin 'yon. Anak na rin ang turing sayo nun, baks."
May inabot itong bag sa backseat at binigay yun sa akin.
"Kahit na ba, nakakahiya pa rin."
"Bumaba ka na para makaligo ka na. Hapon na't hindi ka pa rin naliligo. Dugyot mo, girl."
I almost rolled my eyes, "Kung hindi kita tinulungang ayusin ang report mo at hindi tayo napuyat, 'di sana nakaligo ako at naabutan ko pa ang klase ko."
"Whatever you say."
Tinanggal niya ang pagkakapulupot ng seatbelt sa katawan ko at marahan akong tinulak.
"Baba na babae. Tulak kita dyan, you want?"
Tumatawang bumaba ako sa huli niyang sinabi. Bago ito umalis, binaba niya na muna ang bintana at nag flying kiss pa ang bakla. Nakangiting tumugon ako sa ginawa niya.
Maya-maya pa ay napagdesisyon niya ng umalis, na siya namang dahilan para mag-umpisa na akong maglakad papasok sa village namin.
Hindi naman iyon kalakihan. Masasabi kong sapat na ito para sa tulad namin na nakakaahon naman kahit papaano. Nitong mga nagdaang buwan ay pansin ko ang pagtitipid ni papa sa gastusin. Ayoko naman siyang kwestunin sa lahat ng perang binibigay ko sa kanya. Mahal din naman kasi ang tuition naming dalawa ni kuya at binabayaran pa rin hanggang ngayon ang bahay.
Hindi rin naman kasi kalakihan ang nakukuhang kita sa bakery, sapat na siguro sa panggastos sa pang araw-araw. Hindi pa din ako ganon katagal sa pag-aartista kaya't wala pa akong masyadong project. Pa extra-extra lang sa pelikula. Minsan, swertehan na lang kung ang maibigay sa akin ay minor role.
"Saan ka galing?"
I heard someone said. That baritone and husky voice of him. Kilalang kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Hindi ko mapigilan ang pagtrambol ng puso ko sa isipang baka siya na nga iyon.
Ngunit nilukob lang ako ng kabiguan ng makita kong si Kygo lang pala 'yon.
Bakit ka boses niya si Khaled?
Hindi ko siya pinansin at diretso lamang na naglakad. Napailing ako sa naisip ko habang minumura ang sarili.
Magkaibang magkaiba ang boses nilang dalawa. Mula sa pananamit at paggalaw hanggang sa mga hilig nila ay magkaibang magkaiba sila. Si Kygo, he has that sexy tone of voice. Sa maikling panahon na nakasama ko si Khaled, napansin ko lahat sa kanya kahit pa'y maliliit na bagay. He do likes to wear white. Ayaw niyang magsuot ng ibang kulay dahil sa tingin niya ay mas malinis siyang tignan kapag nakaputi siya.
BINABASA MO ANG
Defying Fate
ChickLitHighest Rank: #77 in ChickLit They say, to love somebody is something that you will regret. Love hurts. Love can kills us. If that so, why can't love just kill me instead of letting me experience this kind of pain? Why do fate lead me in this way...