CHAPTER 10

37 3 0
                                    

Chapter 10
The last suffer.

Hanggang ngayon ay gising na gising pa rin ang diwa ko. Masakit na sa balat ang tirik ng araw pero para akong namamahid dahil wala akong nararamdamn na kahit ano. Ilang araw na akong walang masyadong kain at tulog. Palaboy-laboy kung saan mang gustuhing pumunta. Manhid na ako. Wala na akong ibang nararamdaman maliban sa kirot banda sa kaliwang parte ng dibdib ko.

"Pasensya na, iha pero bawal kasing tumambay dito. Kung gusto mo ay tatawagan ko na lang ang mga magulang mo nang sa ganon ay masundo ka nila rito?"

Hindi ako kumibo, nanatiling nakatingin lang sa kawalan.

"Ineng, pamilyar ka sa akin. Ikaw ba'y nakita ko na dati? Artista ka d'ba? Napanood kita minsan nang minsang nanood ang apo ko ng pelikula na kinabibilangan mo... Teka.." Nanlaki ang mga mata niya, "I--Ikaw ba yung laging may kasamang matandang lalaki? Tatay mo ba iyon, iha?"

Lalong tumahik ang buong paligid. Napakurap-kurap ako ng ilang beses bago tuluyang tumingin sa kanya. Hindi ko alam ang dapat kong isagot sa tanong niya. Ano bang dapat?

"Wala po akong magulang."

"Kung ganon ay sino itong tinutukoy niya sa kanyang liham?"

Pinakita nito ang isang larawan ng isang babaeng tumutawa habang may hawak na mga bulaklak.

"Matagal ko na itong tinatago, iha. Hindi ko kasi alam kung kanino ko ibibigay dahil pangalan lamang ang nakalagay. Marahil ay importante ito dahil may liham pang nakadikit sa likod ng larawan. Kamukha mo ang babae na nasa picture, iha."

Nanubig ang makabilang sulok ng aking mata nang maiabot niya sa akin ang larawan at malapitan itong tinignan. Ako ito.

"Pasensya na, iha kung binasa ko yan. Nacurios ako kaya binasa ko ang sulat sa'yo ng tatay mo."

Debut ko nun, sumama ang loob ko dahil hindi umuwi si mama matapos niyang mangako na uuwi siya sa mahalagang araw ng buhay ko. Sa sobrang sama ng loob ko ay nagkulong ako sa kwarto at umiyak. Hindi pa sana ako titgil sa pag-iyak nang biglang kumatok si papa at inaya akong pumunta sa park. Hindi ko alam na may supresa pala siya sa akin.

Napakasaya ko ng araw na iyon. Naramdaman kong nabuo ang kulang sa pagkatao ko kahit na isang araw lang. Pinuno iyon ni papa ng pagmamahal niya. Buong buhay ko ay andyan siya para mahalin ako at alagaan. Kailanman ay hindi ko naramdamang hindi ako espesyal kay papa. Hindi siya nagkulang sa akin bilang ama. Wala siyang pagkukulang.

Ang dami niyang sakripsyong nagawa. Lahat ng sakit ng katawan ininda niya para lang makapag-aral kami. Kahit nananakit na ang kalamnam niya ay mas inuna niya pa rin kaming pakainin. Wala na akong hihilingan pa sa Diyos, sapat na sa akin si papa. Sapat na sa akin yung taong minahal ako ng buong buo kahit na wala ng natira sa kanya.

At kung hihiling man ako sa kanya ngayon, iyon ang ibalik niya sa amin si papa. Kahit si mama na lang ang kunin niya, huwag na ang papa ko. Ano bang nagawa sa akin ni mama? Ang gusto niya lang naman ay ang makita akong nagdudusa at nasasaktan. She won. Talong talo na ako.

Hindi dapat si papa ang namatay kundi siya.

Gusto kong makita si papa sa huling pagkakataon kaso natatakot ako. Paano ako uuwi kung hindi ko siya kayang harapin? Paano ko masisikmurang makitang nasa loob ng kabaong ang magulang ko? Paano ko makakayang harapin ang taong labis akong minahal pero pinagtabuyan ko lamang sa oras na kinailangan niya ako ng lubusan? Paano ko magagawang tanggapin na ang tatay ko ay patay na?

Ilang oras din akong nanatili sa loob ng sasakyan bago ko mapagdesisyonang pumunta sa sementeryong sinabi sa akin ni kuya kung saan ililibing si papa. Magpapakita ako pagkatapos ay maglalaho din.

Inihanda ko ang sarili ko bago magpakita sa kanila. Kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong ipakita sa kanila na matapang ako. Wala na akong ibang pagkakapitan kundi ang sarili ko. Wala na si papa at iyon ang totoo.

Pero akala ko kaya ko na. Akala ko sapat na ang apat na araw kong hindi pagpapakita sa kanila. Akala ko malakas na ako para harapin ang katotohanan pero hindi pa din pala. Ang sakit tanggapin ang katotohan kung iyon ang labis kong pinanghahawakan para magpatuloy sa buhay.

Agad akong niyakap ni kuya nang makita niya ako. Doon na lamang muli bumuhos ang luha ko. Mahina na naman ako.

Hinigpitan ko ang pagkakakapit ko sa kanya habang unti-unti niya akong dinala sa kinatatayuan ng kabaong ni papa. Halos mawasak ang buong pagkatao ko nang makita ko ang mukha ng tatay ko sa loob nito.

In just a split second of time, bigla akong nawalan ng rason para mabuhay. Para akong lantang gulay na naghihintay madiligan upang magkaroon ulit ng buhay.

Tulala lamang ako hanggang sa binaba na ang kabaong na naglalaman ng katawan ng papa.

Sabi niya, malakas siya. Kakayanin niya raw lahat para sa akin at kay kuya. Akala ko kaya niya pa pero sumuko na pala siya. Akala ko malakas siya pero bakit niya ako agad iniwan?

Kinausap ako kanina ng isa sa kamag-anak ko sa side ni papa. Sobra-sobra ang galit na nararamdaman nito kay mama. Kwinento niya sa akin lahat-lahat, dinetalye niya ang bawat katotohanan.

All this time ay nabuhay pala ako sa kasinungalingan. Lalong lumalalim ang galit ko sa nanay ko, kung matatawag ko pa rin ba siyang ina matapos lahat ng ginawa niya sa amin.

"Ayaw ipaalam ng tatay mo ito dahil baka magtanim ka daw ng galit sa mama mo. Sa kabila ng ginawa ng nanay mo ay ito pa rin talaga ang nasa isip niya."

Para akong tuluyang mababaliw matapos kong malaman ang lahat.

"Sia.."

Hindi ko na kailangan pang lingunin ang pinanggalingan ng boses. Bakit kailangan niya pang dumating? Wala siya sa panahong halos mabaliw na ako para lang matanggap ang katotohanan. Hindi niya ako dinamayan. Sinolo ko ang sakit. Hindi ko na siya kailangan.

Bigla niya akong hinagkan. Sa yakap niyang iyon ay nakaramdam ako ng seguridad. Na kahit anong mangyari ay andito lamang siya sa tabi ko at hindi ako papabayaan.

Puro kasinungalingan.

"Hindi kita iiwan, pangako."

Puro pangako.

I touched my papa's portrait and smiled painfully. Papa, are you happy now? You can now have a peace. Napakabilis ng mga pangyayari, sa isang iglap ay nawala na sa akin lahat.

Nasabi ko lang naman ang masasakit na salitang iyon dahil nasasaktan ako pero bakit naman sobra ang naging parusa? Hindi ko sinasadya, nagkamali lang ako dahil nasaktan ako ng sobra.

Oh God, ibalik niyo lang sa akin si papa. Gagawin ko ang lahat. I'll make things right. Ibalik niyo lang siya.

Defying FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon