Chapter 14
Great pretender.Magkasalubong ang kilay nito nang buksan niya ang pinto at tumambad na naman sa kanya ang mukha ko. Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpabalik-balik dito 'ni hindi ko na rin mabilang kung ilang beses niya na akong pinagtabuyan. I lost counts, waiting for her to answer my questions.
"Makulit ka rin noh?!" Napikit ako sa pag sigaw niya, "Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa'yo na wala nga akong alam kung nasaan siya? 'Di ka ba talaga makaintindi?"
"Ronnie please--"
"'O shut up, Alessia. Hindi nga kita close tapos bigla-bigla ka na lang susulpot dito at makikiusap na para bang kaibigan kita?"
Pinakalma ko ang sarili ko nang magsimula na namang mamuo ang inis at pag kairita ko sa babae. Sa apat na araw na pabalik-balik ako rito, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang sumigaw. Nagtitimpi lang ako dahil may kailangan ako sa kanya. Konti na lang sasabog na ako, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tuluyan ko na siyang masaktan.
"Imposible namang hindi mo alam kung nasaan siya. You're his best friend--"
"I'm no longer his best friend.." She corrected me, "Matagal na, Alessia. Pinapili mo nga siya, d'ba?"
Pansin ko ang pagiging malapit nila sa isa't isa kahit andyan ako lagi sa tabi nila. Kahit saan sila pumunta, hindi sila mapaghiwalay. Hindi ko na lang 'yon pinapansin dahil ginagamit ko lang din naman si Khaled para pagselosin ang kambal niya. Wala namang kaso sa akin 'yon pero ewan ko ba, hindi ko napigilan ang hindi mag selos. No'ng dumating sa puntong iba na ang nararamdaman ko kay Khaled. I asked him to choose between me and Ronnie, selfish man sa paningin ng ibang tao. Iba ang pakiramdam ko sa best friend niya. I hate her so much. Ayoko sa kanya dahil nagseselos ako sa kanya.
Khaled chose me when I asked him to choose me. Nakakagago lang dahil iniwan ko lang siya matapos ng lahat. Kung kaya ko lang balikan at baguhin ang lahat, hindi ko sana ginawa 'yon.
"Ano bang kailangan mo sa kanya? Pagkatapos mo siyang iwan, babalik ka na lang bigla na para bang okay lang sa kanya ang lahat at hindi mo siya sinaktan?"
I was caught off guard. Hindi ko napaghandaan ang isasagot ko sa kanya dahil hindi ko naman alam na tatanungin niya ako ng ganon. Nawala sa loob kong paghandaan ang mga sagot sa maaari niyang itanong.
"What? Ba't hindi ka makasagot? It's just a simple question yet you can't find any words to answer it?"
Hindi ako makasabay sa pagtitig niya. Ako yung mali, aminado naman ako. Maling iniwan ko siya. Maling ginamit ko siya. Maling mali.
Kaya nga itatama ko na ang lahat.
"I-I just want to apologize for what I did, I mean, magsosorry lang ako sa ginawa ko para hindi na ako bulubugin ng konsensya ko. P-pag nasabi ko sa kanya lahat, things could be fixed and much better than before. Wala na rin akong iisipin iba kundi ang relasyon naming dalawa ni Kygo kung sakali mang mapatawad niya 'ko." Lies!
"G-ganon ba?" Bumaba ang tindig ng boses nito, halos pabulong lang niya itong nasabi.
"Kaya kung alam mo man kung asan s'ya, please tell me so I could apologize to him."
"Alessia.."
Kinakabahan ako sa bawat segundong nakatitig lang siya sa akin at hindi niya pagtugtong sa kanyang sinabi. Baka this time, may sabihin na siya sa akin. Baka ngayon, malaman ko na kung nasaan si Khaled.
Hindi ko mapigilan ang pagkabog ng dibdib ko sa isipang 'yon. Nilulukob na ako ng sobrang tuwa at hindi mapaliwanag na kaba. Kinakabahan ako na natutuwa. Hindi ko alam sa dalawang emosyon ang mas nangingibabaw. Para iyong nagtatalo at nagpapaligsahan kung anong mas naaayon sa sitwasyon, kung ano bang dapat kong maramdaman. Hindi ako natutuwa sa pakiramdamg iyon dahil sa mga oras na 'to, mas nangibabaw na ang kaba nang bitawan niya ang salitang iyon.
"I'm sorry." Fuck, sorry?
"H-ha?" Para akong nabingi sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang hindi madismaya. Umasa ako.
"Wala ka talagang makukuha sa aking sagot.."
"Pero Ronnie--"
"At kung may alam man ako, hinding hindi ko sasabihin sa'yo." Bago ko pa man siya mahabol at paki-usapan, sumampal na agad sa akin ang pagsarado niya ng pinto.
Ganon na lang 'yon?
Hindi ako nagpadala sa emosyon ko. Hindi ako umalis agad sa harap ng bahay niya at sinigaw ng ilang beses ang pangalan niya, baka sakaling maawa s'ya sa akin ng tuluyan at sabihin niya na ang totoo. May alam si Ronnie, pakiramdam kong alam niya kung nasaan si Khaled. Hindi ako pwedeng basta-basta na lang susuko.
Napagod ako at napaos ang lalamunan ko sa pagsigaw. Para akong nawalan ng tubig sa katawan dahil sa ginawa ko. Kahit isang pagsilip lang mula sa bintana ay hindi niya ginawa.
Inayos ko ang nagulo kong makapal na salamin at takip sa ulo bago bagsak ang balikat na bumalik sa kinaroroonan ng kotse ko. Fuck. Sumasakit na ulo ko dala na rin ng sobrang init.
Wala ako sa sarili habang nagmamaneho, tanging si Khaled lamang nasa isip ko. Hanggang kailan ba niya guguluhin ang isip ko? Hanggang kailan ko ba gagawin 'to? Kailan ba ako mapapagod at kusang susuko?
Kasi sa totoo lang, nagsasawa na ako. Nagsasawa na akong maghanap sa taong ayaw magpakita't magpahanap. Nakakasawa pero para sa kanya, kakayanin ko. Never pa akong gumawa ng bagay sa kanya. I've never sacrificed anything for him. Kahit ito lang. Babawi ako sa kanya.
Pinarada ko ang kotse ko sa tabi ng kulay pulang sasakyan. Tulala akong lumabas, dala-dala ang vs bag ko. Tahimik ang buong basement, tanging tunog lamang na nangagaling sa heels ko ang tangi kong naririnig. Pagod na ako pero kailangan ko pang magtrabaho. Ako na lang ang sumusustento sa amin dalawa ng kapatid ko. Wala na ang negosyo nila papa, napabayaan ko na at sinadya ko naman iyon. Simula ng ibaon si papa sa lupa, lahat ng alaala niya at ni mama ay isama ko na rin. Ayoko ng maalala ang babaeng 'yon. Hindi na dapat.
Napatigil ako nang akma kong pipindutin ang numerong pang sampung palapag. Nakalimutan kong ilock ang kotse.
I silently cursed myself. Ba't ba napakamalas ko ngayong araw? Hindi lang pala ngayong araw dahil buong buhay ko ay puro malas.
Napahinto ako nang makita ko siyang papalapit sa akin. Andito na naman siya.
"Sa'n ka galing? Tinawagan kita pero out of coverage phone mo. Alam mo bang may guesting tayo ngayon?"
Humugot ako ng malalim na hininga. Balik na naman sa realidad. Balik na naman sa pagiging girlfriend niya. Kung pwede ko lang takasan ang lahat, ginawa ko na. But I don't have enough strength to do so. I'm weak, I'm so fool, and so broken.
Binigyan ko siya ng halik ngunit umiwas lamang siya kaya't tumama ang labi ko sa gilid ng kanyang labi.
"Apat na araw ka ng ganyan, Alessia. Hindi rin kita mahanap dahil bigla-bigla ka na lang nawawala. Iniiwasan mo na naman ba ako?"
Humilig ako sa kanyang dibdib matapos kong ipulupot ang kamay ko sa baywang niya. May mga ilan taong dumating at tumingin sa kinaroroonan namin. Ayoko namang makita nilang nag-aaway kami, baka ma-issue pa.
"Hindi lang talaga maayos ang lagay ng katawan ko ngayon, hon." Maamong sabi ko. Sana maniwala siya.
Biglang lumambot ang mukha nito na kaninang nag-iigtim na ang bagang marahil ay dala ng inis.
Success.
"Okay, pero tawagan mo'ko para hindi ako nag-aalala sa'yo." Tumango ako.
Bumalik ako sa kotse ko at nilock iyon. Sabay kaming naglakad pabalik nang maramdaman ko ang pag lapat ng kamay niya sa likod ko at ginaya ako sa harap ng elevator. Nakahawak lang siya sa likod ko at minsan hinahagod ito habang hinihintay namin ang pagbukas nun.
"Hon, may sasabihin ako sa'yo.."
"Hmm?"
Bago man siya makasagot ay bumukas na ang elevator. Sumalubong sa amin ang mala tigreng mukha ng manager ko.
Shit. Anong sasabihin ko?
Unedited.
BINABASA MO ANG
Defying Fate
ChickLitHighest Rank: #77 in ChickLit They say, to love somebody is something that you will regret. Love hurts. Love can kills us. If that so, why can't love just kill me instead of letting me experience this kind of pain? Why do fate lead me in this way...