Roxanne's POV
Tahimik akong pumasok sa classroom namin. Kahit may magtanong sa akin hindi ko sila iniintindi.
Inilagay ko na ang bag ko sa aking upuan saka lumabas. Umupo ako sa harap ng room namin. Ilang minuto na akong nakaupo doon pero hindi parin siya dumadaan. Ni anino niya hindi ko makita.
Hangang sa may biglang dumaan na lalaki na siyang nakakuha ng atensyon ko. Asang asa ako na siya iyon pero nabigo ako. Subalit may saya akong naramdaman sa pagtingin ko sa kanya. Hindi ko maintindihan kong bakit ganito ang nararamdaman ko.
Sinunda ko siya. Sinundan ko siya ng tingin at ng makarating na siya sa isang classroom nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita may hinalikan siyang babae. Hinalikan niya sa noo.
Omg sino kaya yon? Huh ano raw? Bakit ko tinatanong? Affected ba ako? No bakit naman ako affected. Pagmamay ari ko ba ang lalaking yon? Ano ko ba siya? Wala diba?
Biglang na baling ang atensyon ko sa classmate ko na nagtanong sa akin.
"Roxanne bakit ang tahimik mo ngayon?"
Nanatili lang akong tahimik at pinagtaasan siya ng kilay.
"Oo nga bes hindi kami sanay na tahimik ka. Alam mo na." Dagdag pa ng bruha.
Hindi ko na sila pinansin at binalik ko na lang ang atensyon ko kay Javier. Yes Javier Ruizan yong lalaki na may hinalilan na babae. Pagtingin ko sa room na pinuntahan niya wala na siya doon. Inilibot ko ang aking piningin at nang makarating ang tingin ko sa shed malapit sa classroom namin ay nagtama ang mga mata namin.
Mistulang tumigil ang ikot ng mundo. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Parang gusto kong tumalon at sumigaw. Ewan ko ba parang kinikilig ako at sa palagay ko namumula na yong pisngi ko.
My gosh malalaglag na ata yong undies ko. Ang gwapo niya. Ang hot pa!
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang humakbang ang mga paa ko at nagtungo sa direksyon niya. Pilit ko mang tumigil at hindi tumuloy pero parang may magnet na humihila sa akin papunta sa kanya.
Ilang centimeter na lang ang agwat namin sa isa't isa, 40 centimeter to be exact. Kakayanin ko kaya ito. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko siya.
Gusto ko siyang sabihin na hot siya. Shemene tutulo na ata ang laway ko.
Parang may pumipigil sa aking sarili at nagsasabing huwag kong gawin. Nakakahiya kaya.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil unti unti na siyang lumalapit sa akin. Halos magkalapit na ang mga mukha namin. Pumikit ako at eto na oh my gosh, kaya ko kaya ito?
"Aray!" Napasigaw na lamang ako ng biglang may tumamang bola sa likod ng ulo ko.
Sh*t ang sakit. Wal*anghiya ang gumawa nito. Humanda ang h*yop na 'yon. Kung sino man siya makakatikim ito ng suntok ng isang Ms. De Guzman.
Tumingin ako sa likuran at handa na ang mga kamao ko para sumuntok at mang black eye. Oo dalawang kamao ang isusuntok ko.
Pagsisisihan niya na ako pa ang napagtripan niya.
Itinaas ko na ang mga kamay ko ngunit napatigil ako nang makita ko na si Rylie yong nakapwesto sa likuran ko.
Naku! Wala na talagang ginawang matino tong kakambal ko.
Oo may kakambal ako. Kakambal na wala ng ginawa kundi asarin ako.
He is Rylie my twin brother and for the information of everybody gwapo siya. Kung gwapo siya meaning maganda ako. Diba? But unfortunately he is not straight he's a gay. Sayang lang yong kagwapuhan niya.
"What the F Rylie! Ano bang problema mo?"
"Eh pa'no tutok na tutok yang mga mata sa lalaking yon" sabay turo sa lalaking nakatayo malapit sa shed, si Javier. "At nakanguso ka pa, sobra ka na yatang nagpapantasya ah." dagdag niya.
"Huh!? Ano daw? Ako? Tinititigan si Javier? No! " ani ko at inirapan ko siya.
"Sige magdeny ka pa sis, kitang kita ko na nga. Parang hinuhubaran mo na nga" sabi nito.
Bastos 'tong kambal kong ito ah. Daming sinasabi. Kung makapagsalita wagas.
"Ikaw na bakla ka, kung ano ano ang pinagsasabi mo" pagtatanggol ko sa sarili ko at pinalo siya sa kamay.
"Whatever sis, nakita ko ang nakita ko"tumawa pa ito ng mahina. "Pwede ba pumunta na tayo sa line natin" dagdag pa niya.
Tinignan ko yong relo ko at 7:12 na at 3 minutes na lang magsisimula na ang flag ceremony namin.
Hinila na ako ng kambal ko at dinala sa linya namin. Kung makapanghila parang hindi ako tao. Hindi na naawa.
"Ang sakit Ry!"pagrereklamo ko kaya agad naman niyang binitawan ang kanan kung kamay.
Dumarami na ang tao sa field. Tumingin ako sa shed pero hindi ko siya mahanap kasi marami nang estudyante ang nagdaraan doon na pupunta dito sa field.
After 10 minutes natapos na ang flag ceremony. Nagtungo na kami sa classroom namin.
Halos mabingi na ako sa mga naririnig ko. Lahat ng tao sa classroom nag uusap. Nakagawian na kasi nila ang ganitong gawain.
Usap diyan usap doon. Usap kahit saang sulok ng room.
Lumabas na ako dahil walang makausap. Mayroon silang kanya kanyang mundo.
Habang hinihintay si sir in-open ko muna ang data ko at nag facebook.
"Nakakainis ang tagal magloading" bulong ko sa sarili.
Pagkatapos magloading umupo ako at binasa ko yong message na natanggap ko.
Nagtataka ako lung bakit sa ganitong oras may nagchat? Hindi kasi ako sanay.
Ganyan ang buhay ng mga single. Yes I'm single. To be honest no boyfriend since birth ako. Nakakapagtaka diba? Sa ganda kong ito wala pang naging boyfriend? Joke!
Pinindot ko yong chatheads. Hindi pa nagloading yong message pero nakita ko na yong name ng sender.
YOU ARE READING
Everything that Falls
Teen FictionIbat-ibang love story ng iba't-ibang tao. Nagmahal ng tao na hindi naman kayang magmahal pabalik. Magagawa pa kaya niyang magtiwala pagkatapos lahat ng kasawian na nangyari sa buhay niya. Siya si Roxanne De Guzman isang simpleng babae. Para sa kanya...