Roxanne's POV
And guess who, si JAVIER RUIZAN.
Hindi ko na mabitawan ang phone ko hanggang sa nabasa ko na yong message niya.
Javier: Hi ate.
Kinusot ko pa ang mga mata ko baka kasi malabo lang ang mata ko. Inilapit ko pa ang mukha ko sa screen ng napakaliit na cellphone kung samsung.
Omg! Totoo nga. Nagchat nga si Javier.
Hindi na ako makapagligil kaya naman nagsisisigaw ako sa saya.
"Ahhhhhhh"
Sigaw ko kaya naman napatingin lahat ng classmate ko na nasa loob. Yong mga mukha nila ang seryoso.
"Ano yan Roxanne!"
"Ay kabayong buntis!" nagulat ako sa narinig kong boses. Boses ng adviser namin.
Hala paano ko ba ito sasabibin. Sasabihin ko ba? Naloloka na ako.
"Roxanne!" sigaw niya sa pangalan ko.
"Ah - eh sir ....ano kasi uhm.... ano." nauutal ako sa pagsasalita.
"Oh anong ano Roxanne?"
"Pretty me sir" sagot ko na may halong tawa.
"In your dreams."mahinang sabi ni sir.
"Anong binubulong mo sir?"pag-uusisa ko.
"Ah wala, ang sabi ko mahangin dito sa labas. Ang lakas oh." Sagot ni sir at pumasok na sa room namin.
Aray ang sakit namang magsalita ni sir. Gwapo pa naman.
Iniinsulto ako ni sir. Palagi na lang niya ako pinagtritripan. Kung hindi lang siya gwapo tadtad ng salita sa akin yan.
Pumasok na rin ako sa loob ng classroom at umupo na sa harapan. Nilagay kasi ako ni sir sa front column.
Okay ang mapwesto sa harap kasi maiintindihan mo ang sinasabi ng teacher pero kung minamalas ka nga naman problema sa time ng recitation.
Yong wala kang isasagot kung bigla kang tawagin ng teacher dahil ikaw ang nasaharap kaya ikaw ang napagdiskitahan.
"Good morning 10- Athena" bati ni sir sa amin na may kasamang ngiti.
"Good morning Mr. Valdez it's nice to see you again sir" bati namin pabalik na parang bumabating elementary pupil.
"Take your sit" at agad naman kaming umupo.
Filipino ang ubang subject namin ngayon. Isa ito sa mga paborito kung subject.
Yes I'm already grade-10 dito sa Hemingwey Academy. Since grade 7 dito na ako nag-aral kaya naman minsan nagsasawa na rin ako sa aking mga nakikita.
Nagsimula ng mag discuss si sir. Woooh ang hot parin niya kahit medyo haggard na.
Nakafocus ako sa discussion hindi lang dahil sa gwapo ang teacher pero dahil interesado talaga ako sa subject. I love filipino subject.
Nakikinig ako ng may sumiko sa tagiliran ko. Ang babaeng ito parang manhid naman ako sa lakas ng pagsiko. Ano naman problema nito.
"What? Anong problema?"tanong ko saka ko inilapit ang tenga ko sa kanya.
"Taray mo teh! Anong meron?"ako pa ang tinanong e siya 'tong naniko sa akin.
"Anong pinagsasabi mo? Tumigil ka nga!"sabay taas ng kamay ko dahil biglang nagtanong si sir.
Ang taas na ng kamay ko pero hindi niya parin ako mapansin.
"Ibang kamay naman"si sir.
Ibang kamay daw naman. Kaya ibinaba ko yong kanan kong kamay pagkatapos ay itinaas ko naman ang kaliwa ko.
"Okay Ronnie" sabi ni sir.
Ano bayan ako na nga ang nasa harapan niya iba pa ang binigyang atensyon. Palagi na lang.
Sure na sure ako sa sagot ko pero hindi ako natawag at yong tinawag ni sir walang naisagot. Nganga!
Muling nag-question ai sir. Nag-aalanganin ako sa sagot ko kaya hindi na lang ako nagraise ng hand.
"Okay Ms. De Guzman anong sagot."sabay turo sa blackboard.
Tumayo na lang ako pero hindi ko alam ang isasagot. Paano na ito.
"Sir 'di ko pi alam."dahan dahan akong umupo at yumuko.
Nakakainis minsan ang mga teachers, kasi kung alam mo yong sagot at magtaas ka ng kamay iba ang tatawagin. Pagkatapos kung hindi mo na alam ang sagot tas hindi ka nagtaas ng kamay doon ka na tatawagin.
So anong trip nila? Bastusan? Nananadya ba sila?
.
.
.Natapos na ang first two subject namin at 9:30 na kaya nagrecess na kami. Kasabay ko na nagpunta sa canteen si Melissa.
Nahirapan kaming nakipagsiksikan sa dami ng tao. Pero sa wakas nakaraos din.
"Ma'am bayad po."at ipinakita ko ang hawak kung palabok on cup at barbeque ganon din si Melissa.
Naglakad na kami pabalik sa room. Tahimik kaming naglalakad ng nagtanong ang kasama ko.
"Bes anong meron?"tanong niya at tinignan ako sa mata.
"Ano na naman ba Lissa!?"tanong ko pabalik. Sakto naman na nakarating na kami sa room.
Kanina pa ang babaeng 'to, nakakainis na. Ano ba kasing problema niya? Ano raw ang meron?
Aba malay ko sa tanong niya. Hanggang sa napagtanto ko na hindi ko pa pala ako nagreply sa chat ni Javier.
Ibinaba ko ang mga pagkain ko sa arm chair at kinuha ang phone sabay bukas sa data nito.
Nagreply ako.
Me: Hello♥!
Hindi ko na hinintay ang reply niya kasi hindi siya online kaya kumain na ako.
Ah alam ko na ang ibig sabihin ni Lissa ito yon. Baka nagtataka siya kung bakit sumigaw ako kanina. Hmmm wala akong balak na sabihin sa kanya.
4:00 na kaya umuwi na ako. Wala rin lang naman kaming practice para dramatization.
Gusto ko nang umuwi para makapagpahinga ang katawan at utak ko kasi tatlong magkasunod na quiz ang naganap.
Pagdating ko sa bahay nag open na ako ng messenger then I saw that Javier is online.
Nagdadalawang isip pa ako kung magcha-chat ba ako sa kanya or hindi
Yes or no?
Yes!
Me: Hi
Javier: Hello ate.
Tawagan kita ate.Nagulat ako sa sunod niyang chat. What? Tatawag siya? Ano sasagutin ko kaya?
Itong batang 'to grade 9 palang ang harot na. Kelalaking tao.
Hinintay ko ang tawag niya.
Javier Ruizan
Calling...Decline Answer
Omg! Ano gagawin ko? Decline or answer? Red or green button?
YOU ARE READING
Everything that Falls
Teen FictionIbat-ibang love story ng iba't-ibang tao. Nagmahal ng tao na hindi naman kayang magmahal pabalik. Magagawa pa kaya niyang magtiwala pagkatapos lahat ng kasawian na nangyari sa buhay niya. Siya si Roxanne De Guzman isang simpleng babae. Para sa kanya...