Roxanne's POV
Dahan dahan kung pinindot yong green button pero matagal bago ako nagsalita.
Nanginginig ang kamay at katawan. Hindi ko alam kung dahil sa nerbyus o dahil sa kilig.
"Hello?"ani ni Javier sa kabilang linya.
"Ah uhm....bakit?"nilakasan ko na ang loob ko pero hininaan ko lang ang boses ko. Eh sa nahihiya nga ako.
"Ate nanenerbyus ka? Bakit ganyan ang boses mo?"tanong niya na parang natatawa.
"Ah hindi nuh"pagde-deny ko. "Bakit ka pala nagchat?"dugtong ko saka ako pumikit.
"Oh siya. Hindi na lang ako magchachat ate."sagot ni Javier na tila may halong tampo.
Bumukas ang mga mata ko halos tumayo na ako mula sa bed ko dahil sa narinig kong sagot niya.
Hindi ako mapakali. Nawawalan ko ng sasabihin. No... hindi, mali ang inaakala niya.
"Hala. Hello? Nandiyan ka pa ba? Uy joke lang yon. Mali ang pagkakaintindi mo. Hindi ganun yon sorry na please."tuloy-tuloy ang pagsasalita ko.
Feeling ko nga mapuputulan na ako ng hininga. Ito kasing si Javier. Paano na ito? Pa'no kung nagalit na iyon?
"Hahahahaha."may narinig akong malakas na tawa sa gitna ng paggugulo ko sa aking buhok. Hindi pa niya pinatay yong call.
"Anong nakakatawa?"sabay taas ng kilay kahit alam kumg hindi niya nakikita.
"Eh paano ate halos magwala ka na diyan"sagot niya at magpatuloy sa pagtawa.
"Ewan ko sayo!"pagtataray ko.
Naririnig ko mula sa kabilang linya na kumakanta siya. Sinasabayan niya yong kanta ni Ed Sheeran na Perfect.
Isa sa mga paborito kung song niya yan. Sarap pakinggan kahit basag ang boses ni Javier na kumakanta.
"Hoy!"bulyaw ko sabay halakhak.
Napatigil siya sa pagkanta at kaagad na sumagot.
"Sorry ate nadala lang sa kanta"siya.
"Taga saan ka pala?"
"Sa Golden Hills ate. Ikaw?"
"Wow malapit lang pala. Sa Greenfield ako."
"Bakit ate, pupuntahan mo ba ako dito sa bahay? Ate huwag bata pa ako. Magagalit nanay ko"sabi niya.
Palabiro rin ang batang 'to ah. Medyo oa nga lang.
"Sus asa ka. Kapal ng mukha mo. Oa ka rin eh noh."huminto ako at nagpatuloy. "Sa Western High Academy ka diba? Section mo?"usisa ko.
"Section Poseidon po ako ate"sagot niya.
Galing niya. Special class pala siya. Nahiya naman ang section ko. Section Athena, first section of the regular class.
"Oh sig...."hindi ko nagawang magpaalam kasi bumukas ang pinto ng room ko.
Kaagad kong inilapag ang phone ko sa kama at nagpiling inosente. Si Rylie ang pumasok.
Hindi ko maintindihan kung bakit palagi niya nalang sisira ang mga good moments.
Katulad ng kanina sa school pagkatapos ngayon dito sa kwarto ko habang kausap si Javier. Napupuno na ako.
"Hello my twin sister. I'm home!"sabi niya ng pasigaw.
"Nandiyan ka na pala, kanina ka pa?"
"Hindi naman. Narinig ko pa nga na may kausap ka."saka niya ako kiniliti.
YOU ARE READING
Everything that Falls
Fiksi RemajaIbat-ibang love story ng iba't-ibang tao. Nagmahal ng tao na hindi naman kayang magmahal pabalik. Magagawa pa kaya niyang magtiwala pagkatapos lahat ng kasawian na nangyari sa buhay niya. Siya si Roxanne De Guzman isang simpleng babae. Para sa kanya...