Walang tigil ako sa pagtakbo papalayo sa kinaroroonan ng taong minahal ko pero niloko ako.Hindi ko inintindi ang pagod na aking nararamdaman. Ilang beses akong nadapa pero bumangom pa rin ako.
Oo masakit na ang buong katawan ko dahil sa pagtakbo pero mas masakit yong nakita kong pagtataksil ng kaisa- isang tao na minahal ko.
Magkasabay na tumutulo ang mga luha at pawis ko. Basang basang ng naghalong likido ang buong mukha ko.
Saglit akong huminto sa pagtakbo at umupo sa isang malaking bato para magpahinga sandali. Gulong gulong ang isip ko. I can't understand kung bakit nagawa niya akong saktan ng ganito.
Minahal ko siya ng higit pa sa sarili ko. Halos lahat binigay ko kulang na lang pati kaluluwa ko ay isuko.ko na sa kanya.
Ano ba ang mali at nagawa siya ang mga bagay na ito? Nagmahal na nga lang siya sa kaibigan ko pa. Anong pag iisip ang meron siya? Nagsawa na ba siya na mahalin ako o mas maiging itanong na minahal nya ba talaga ako?
Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan. Tila sasabog na ang utak ko sa mga tanong na naglalaro sa isip ko.
I love Zion but i think he does'nt love me anymore. I give everything but why?
Nang nakapagpahinga na ako ng kaunti tumuloy ako sa pagtakbo. Kasabay ng pagtakbo ng mga paa ko ay ang pagtakbo ng mga katanungan sa isip ko.
Mga katanungan na hindi ko alam kung saan makukuha ang sagot.
I look behind my back and I saw Zion. He's following me.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagtatalo ang isip at puso ko.
Isip: "Huwag mo na siyang hintayin pa roxanne. Sinaktan ka niya. Isipin mo ang sarili mo. You deserve to be happy. You deserve more Wag ka magpakamartir. Kung mahal ka niya hindi na sana siya nagtaksil.
Sang ayon ako sa sinasabi ng isip ko at tatakbo na sana ako ng may biglang,
Puso:"Roxanne hintayin mo siya. Hindi ba mahal mo siya? Kaya kung mahal mo bigyan mo ng pagkakataon. Kung hindi ka niya mahal e di sana hindi ka na niya pinagablahan pang sundan. Makinig ka sa tinitibok ng puso mo. Sayang siya gwapo pa naman.
Shems ang landi ng puso ko. Haha. Kahit kailan talaga pagmamahal parin ang nananaig sa puso.
Sino ang papakinggan ko si isip ba o si puso? Nagtatalo silang dalawa.
Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko upang magpatuloy sa pagtakbo, parang nananaig ang desisyon ng puso ko.
Hanggang sa unti unti ng lumalapit sa akin si Zion at laking gulat ko ng sumusunod naman si Xyrene sa likuran niya.
Biglang tumulo ang aking mga luha. Durog na talaga ang puso ko. Hindi ko mawari kung kanino ako magagalit. Sa taong mahal ko o sa kaibigan ko na umagaw sa mahal ko?
Nanlaki ang namumugto kung mga mata, sa hindi kalayuan nakita kung hinalikan ni Xyrene si Zion.
Unti unti silang lumapit na dalawa sa kinatatayuan ko. Hindi parin nagkakalayo ang mga labi nila.
Pagkalipas ng ilang segundo bumitaw si Zion mula sa pagkakahalik ng malanding babae na iyon sa kanya.
"Roxanne let me explain everything" lumuhod siya sa harapan ko. "Please babe forgive me " dagdag niya.
"Zion tumayo ka nga diyan" hinila ko ang kamay niya para patayuin siya.
Biglang may bakas ng ngiti sa kanyang mukha. Kaya naman ngumiti na rin ako.
Hinawakan ko ang mga kamay niya.I remove my necklace.
Ito yong necklace na binigay niya noong naging kami.Hindi ko na talaga kaya pagod na ako.
"Zion I think we must end it. Let's stop the relationship that we have. I'm so tired!"sabay bigay sa kanya ang kwintas.
"But rox........"
Hindi ko siya pinatapos na magsalita.
"No Zion. Ayoko ko na. Pagod na pagod na ako. Paulit-ulit na lang tayo. Paulit-ulit mo na akong niloloko at paulit-ulit parin kitang pinapatawad, pero Zion sobra na yata ito. Ang tanga tanga ko na." tumigil ako kunti sa pagsasalita para pahirin ang mga luha ko at nagpatuloy.
"Maybe this is the right time. Ito na ang tamang panahon at pagkakataon para mahalin ko naman ang sarili ko. Wala na yatang naiwan na pagmamahal sa aking sarili lahat binigay ko na sayo"
Walang kibo si Xyrene sa kinaroroon niya. Nakatingin lang siya sa akin.
Binitawan ko na ang mga kamay ni Zion Hinila pa niya ang mga kamay ko pero hinablot ko ito.
Bago ako umalis nilingon ko si Xyrene aka "aka malanding babae".
"Xyrene keep up the good work" nanlilisik pa ang mga mata nito sa sinabi ko" Mahalin mo siya huh. Sayong sayo na siya"
Umiiyak na rin si Zion pero hindi ko na siya inintindi. Isang salita lang ang nasabi ko bago ako umalis.
"Goodbye!"
Author's note: Please support my story.
YOU ARE READING
Everything that Falls
Novela JuvenilIbat-ibang love story ng iba't-ibang tao. Nagmahal ng tao na hindi naman kayang magmahal pabalik. Magagawa pa kaya niyang magtiwala pagkatapos lahat ng kasawian na nangyari sa buhay niya. Siya si Roxanne De Guzman isang simpleng babae. Para sa kanya...