Chapter IV: #ETFHe'sback

5 0 0
                                    


Roxanne's POV

Halos hindi kami nagdiscuss ng lesson sa buong umaga kasi nagre-ready na kami para sa contest mamayang hapon

Ang mga kaklase namin na hindi kasali o hindi magpe-perform ay siyang gumagawa ng props. Syempre tulong tulong para maganda. Kailangan bungga para manalo kami.

To be honest kinakabahan ako kasi naman special classes ang kalaban namin.

Dalawang grupo ang magre-represent ng section namin. Iyon kasi ang sabi ng teacher namin sa Ekonomiks. Ngunit parang nagkaroon na ng competition dahil sa dalawang group.

Basta gagawin namin ito para sa section namin at para na rin sa buong regular class.

Ang kabilang group ay handang-handa na. Parang wala na silang problema pa. Kabisado na nila lahat ng linya nila.

Samantalang kami heto natataranta. Hindi pa namin masyadong napraktis ang mga sasabihin namin.

"Ellyse pwede ba magpraktis na tayo hindi pa natin naayos at hindi mo pa alam ang part mo"sabi ni Cyrelle na nakapamaywang.

"Oo nga no Ellyse. Nagmamagaling ka na naman. Hindi ka naman pumunta noong practice natin."ipinatong ni Rylie ang kamay niya sa balikat ni Ellyse.

Tumayo si Ellyse pagkatapos ay itinulak ang upuan niya.

"Kung makapagsalita ka Ry parang ang galing mo na huh. E di magpraktis."padabog niyang sabi.

"Ikaw pa itong may ganang magalit cheater!"sigaw ng kambal ko pero parang hindi narinig ng classmate namin dahil bumaba na siya.

Yes she's a cheater. Honor siya pero nangongopya. Akala mo naman napakatalino niyang babae.

"Come on guys prarktis na tayo"pagyayaya ni Crizza.
.
.
.
.

"Oh guys okay na ba ang lahat? Yong props ayos na ba?"ani ni mother Cyrelle.

Oo mother Cyrelle ang tawag namin sa kanya eh pa'no naman kasi sobra maging maka-Diyos.

"Tapos na lahat"sabay-sabay ma sagot ng mga propsmen.

"Kung gayon maghanda na kayong mga performers"sabay tingin sa aming lahat. "Oh Crizza bakit hindi ka pa nakapagpalit ng damit?"dagdag pa niya.

"Ano ba mother may tao sa banyo"dahan dahan niyang sagot.

"K"saka nagtaas kilay.

May pagkasuplada rin naman minsan si mother.

Nilapitan ko si Ram. Isa sa nga performers.

"Ram ready ka na?"tanong ko.

"Ready na. Basta bahala na mamaya."sagot niya at ngumiti la siya.

"And duh anong bahala. Ayusin mo mamaya huh."hinagod ko ang buhok ko at nagsalita muli. "Alalahanin mo wala tayong script na ginawa kaya go with the flow na lang."pagpapa-alala ko na may halong tawa.

"Xannie behave."

Tinignan ko kung sino yong nagsalita si Rylie pala. Problema na naman neto?

"Anong pinagsasabi mo?"

"Ang lapit mo kasi,pwede distansya kaunti"biro niya.

Tumayo na lang ako at hinanap si Crizza.

"Ikaw na ang tumabi para wag kang magselos."

"Ako magseselos? No way!"tanggi niya.

Nagdeny pa ang kakambal ko. Halata naman na crush niya si Ram.

Everything that FallsWhere stories live. Discover now