Kinabukasan...
Agad ako bumaba at lumabas ng hotel para kumain ng agahan. 'Di ko type yung pagkain.
Pero type ko yung waitre- este Andrea.What the- ansabi ko? Andrea?
By the way (BTW) nandito na ako ngayon sa labas para kumain agad ako nag-order ng isang Tapsilog na unli rice HAHA kulang eh.
Habang ako'y kumakain ay napansin ko nanaman yung babaeng nakabanggaan ko. Kilala ko siya at Alam kong si Andrea yun.
Simula pa lang nung lakan ay Alam na Alam ko na.
Muling bumalik ang feelings ko sa kanya Simula nun. Kaya minsan nagiging panaginip at isip ko na siya lagi.
Minsan natutulala na lang ako dahil sa lawak ng imagination ko na maging kami pa. Baka may gusto na siyang iba. Pero Hindi eh parang ako pa rin.
Bahala na.
Nagpatugtog naman yung tindera ng radyo.
"Bakit kung sino pa,ang siyang marunong magmahal ay siyang madalas maiwan bang di Alam ang dahilan."
Natigilan ako ng makinig iyon at makita siyang lumalapit.
Agad na ako tumayo para magtago at pumunta na sa kuwarto.
'Di na niya ako nakita pa. Buti na lang.
Naisipan kong pumunta naman sa mall para mamili ng bagong damit atbp. (At iba pa)
Ako'y naglakad-lakad ng kauntian para makalayo sa kanya.
8:07 AM OCT 23, 2017
Sumakay na ako ng jeep para pumunta sa Mall.
Nakita ko naman siya sa isang kanto. Nagulat ako ng bigla siyang sumakay sa jeep kasama ang ibang kaibigan niya na kasama pa niya si Trisha.
Nasa bandang unahan ako sila naman ay nasa hulihan 4 lang naman sila.
Buti na lang at nasa gitna yung iba pang nakasakay.Naghanap ako ng panyo para gawin kong panakip sa mukha ko. Bago ko pa ilagay sa mukha ay naka-eye to eye ko pa si Trisha kaya nagmadali na akong nagtaklob at inabot ang bayad.
Nag abot rin sila ng bayad. Sa akin naman inaabot kaya pinansin ko na lang baka magalit pa eh.
"Bayad daw po!" Wika ko sa driver.
May nakikinig naman ako na galing sa mga babaeng iyon.
"Parang si ralph yun ah? Kinig mo yung boses?" Wika ni Trisha.
"Bayaan mo na baka di siya yun... Kaboses lang yata." Wika ni Andrea..
Nandito na kami este ako (walang kami) sa Mall. Pagkababa ko agad akong tumakbo.
Na muntik pang mabangga ng tricycle.
BINABASA MO ANG
Mutual Feelings [Book #2 of BCK]
Teen FictionMutual Feelings (COMPLETED) Book #2 of Bes,Crush Kita **** WARNING! BAWAL MONG BASAHIN PAG HINDI MO PA NABABASA ANG BOOK 1 NITO! DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names,Characters, Business, Songs,Places,Events And Incidents are either product...