I

33 4 0
                                    

"Ma, I'm sorry..." Humahagulhol na pagsabi ni Katarina.

"UMALIS KA NA!! KUNG AYAW MO NA PALA SA AMIN NOON PA! UMALIS KA NA!" Sinampal ni Mrs. Lara Manuel ang anak na si Katarina.

"LARA, TAMA NA!" Pagpigil ni Mr. Arthur Manuel.

"SIGE! KAMPIHAN MO PA ANG ANAK MO! HINDI KO MAWARI KUNG BAKIT! KUNG BAKIT LUMAKING GANYAN IYAN!"

"Ma... Pa... Sorry..." Lumuhod si Katarina sa harap ng kayang ina. Sasampalin pa sana siya nito ngunit pinigilan ito ni Mr. Arthur.

"TAMA NA SABI, LARA!"

Tumingin ng masama si Mrs. Lara kay Mr. Arthur saka ito pumiglas na naging dahilan upang mabitawan siya nito.

"Ganito? Ganito ba talaga ang gusto mong mangyari?! GANITO??!" Umiiyak na sigaw ni Mrs. Lara.

"Ma... I'm very sorry..." Patuloy sa pag-iyak si Katarina.

"Sige, kung ito talaga ang gusto mo.. Sige! Umalis ka! UMALIS KA NA DITO SA PAMAMAHAY KO! MULA NGAYON, WALA NA AKONG ANAK! HUWAG NA HUWAG KA NANG MAGPAPAKITA PA SA AKIN!" Pagtapos nitong sabihin ni Mrs. Lara ay dumiretso na siya sa kanilang silid ni Mr. Arthur.

"Pa... I'm very sorry..." Itinayo ni Mr. Arthur si Katarina mula sa pagkakaluhod.

"No, Katarina... Everything will be fine..." Niyakap siya ng kaniyang ama.

"Pa, I will never hope for mom's forgiveness... Ito ang pinili ko... Ako ang nag-umpisa nito... I'll face the consequences" Patuloy sa pag-iyak ang dalaga.

"Shh... Tama na."

"Pa, I know hindi mo rin tanggap kung ano ang nangyayari sa pamilya natin ngayon... Its fine for me if you're blaming me for all of these. I understand..."

"Tama na, Katarina. Maybe you're right, hindi ko tanggap ang mga ito. But I'll support you in everything..."

"Thank you, Pa"

"Here. Take this. Go to our house in Bicol, live in there. Wala pang kahit sino man na nakakapunta doon mula nang bilhin ko 'yon, even your mother, because she don't like it." Inabot ni Mr. Arthur ang ilang libong pera kay Katarina.

"Pa, I don't deserve this..."

"Kunin mo na 'yan. Bring your pick-up, doon ka muna sa Tita Pia mo, malapit sa titirhan mong bahay. Ipapa-ayos ko muna iyon"

"Pa, thank you... This is too much..." Lalong naka-dama ng sakit si Katarina sa kanyang puso. Alam niyang hindi niya ito dapat natatanggap ngayon. Pero dahil mahal siya ng kanyang ama ay binibigyan pa siya ng mga ito.

"Its fine, anak. Now, go. Bring your things, go to Bicol. Take care." Hinalikan siya ng kanyang ama sa kanyang ulo.

"Pa, thank you. I love you po, kayo ni mama." Ngumiti pa sa kanya ang kayang ama bago siya nito pinakawalan.

Umalis si Katarina bitbit ang dalawa niyang maleta. Patuloy ang pag-iyak niya habang siya ay nagmamaneho.

Ang kanyang paghikbi ay mas lumalakas tuwing naiisip niya ang lahat ng nangyari. Sobrang sakit...

Lumaki siya nang hindi man lang nakadama ng yakap mula sa kanyang ina. Ni hindi sila nakakapag-usap nito dahil laging abala sa trabaho, at kung makauwi man ay lagi namang mainit ang ulo.

Tuwing mayroong Family Day sa kanilang paaralan ay katulong ang kanyang kasama, kaya mula noong tumuntong siya ng highschool ay hindi na siya dumadalo sa mga ganito.

Sobrang sakit kay Katarina ito dahil kahit siya ay Honor Student ay katulong lamang ang dumadalo para sa kanya. Isang malaking regalo sa kanya noong siya ay magtapos ng elementarya, dahil ang kanyang ama ay dumalo para sa kanya'y magsabit ng medalya.

Akala niya noon ay ayos na ngunit ganoon ulit ang nangyari. Kaya kahit siya ay may mga awards palagi, ay hindi na siya dumadalo sa mga ito.

Isang araw, sa ikaapat na taon niya sa Highschool ay nahuli siya ng uwi dahil may ginawang proyekto. Inabot siya ng ala-una. Pumasok siya ng bahay ng walang paga-alinlangan dahil alam niyang tulog na ang kaniyang mga magulang. Ngunit siya ay mali. Hinihintay siya ng kanyang mga magulang.
Natuwa siya sa kanyang nakita, dahil sa wakas, napansin na din siya ng mga ito, ngunit nagulat siya nang sumugod ang kanyang ina at siya'y binigyan nito ng isang malakas na sampal.

"DISGRASYADA!" Nagulat at namilog ang kanyang mga mata dahil sa pinaratang ng kanyang ina. Napatingin din siya sa kanyang ama na nagulat din sa nangyari.

Tumulo nang tuluyan ang kanyang pinipigilan na luha at nabitawan lahat ng libro at papel na kanyang hawak at agad na tumakbo patungo sa kanyang kwarto.

Dito niya naisip ang lahat. Na kahit anong pagbabalewala niya sa pakikitungo sa kanya ng kanyang ina ay hindi niya talaga ito magagawang ipagbalewala.

Napaiyak muli si Katarina sa kanyang mga naalala. Nag-park siya sa gilid ng isang Grill & Bar. Tiningnan niya ang kanyang orasan at 7:08pm na. Mula umaga ay hindi pa siya kumakain at limang oras na siyang nagmamaneho.

Inayos niya ang kanyang sarili at saka pumasok sa loob ng kainan.

Umupo siya sa gilid na bahagi ng kainan, walang masyadong tao sa napili niyang pwesto.

"Order, ma'am?" Dumalo sa kanya ang isang waiter habang siya ay pumipili sa hawak na Menu.

"Grilled Pork, water, and two cans of San Mig."

"Ten Minutes, ma'am" tumango lamang siya dito.

Habang naghihintay ay saka niya lamang naalala ang kanyang cellphone. 78% pa ito, may 12 missed calls at limang messages.

Ang 7 missed calls at 3messages ay galing sa kanyang ama at ang iba ay galing sa kanyang mga kaibigan.

Puro paalala ang laman ng mensahe ng kanyang ama at puro naman katanungan kung bakit di siya nakadalo sa nightparty nila ngayong gabi na 5pm ang start. Hindi na siya nagreply sa mga ito.

"Here's your order, ma'am. Good evening!" Binigay niya lamang ang kanyang card rito. Wala siya sa mood para ngumiti. Tuluyan na nga talaga siyang nawalan ng gana...

Tahimik siyang kumain at saglit na nag pahinga. Dumaan muna siya sa convenience store para bumili ng ilan pang San Mig at snacks pagtapos niyang uminom ng inorder niyang alcohol.

Nagpatuloy siya sa kanyang pagmamaneho saka muling naalala ang lahat dahil sa katahimikang bumabalot sa kanyang paligid nang lumampas na siya sa Laguna.

KatarinaWhere stories live. Discover now