V

17 2 0
                                    

"Napakasarap nitong luto mo, hija!" Masayang papuri ng kanyang Tito Larry.

"S-salamat t-tito...." Nakayuko at di makatingin na sagot ni Katarina sa kanyang Tito Larry. Hindi naman ito napansin ng kanyang Tita Pia dahil masagana itong kumakain ngayon.

"Ang sarap nitong luto mo, Katarina, hija!" Nakangiting sabi ng kanyang Tita Pia sa kanya.

"Salamat p-po, Tita..."

"Bakit Katarina? May problema ba? Hindi mo pa ginagalaw 'yang pagkain mo?" Naga-alalang tanong sa kanya ng kanyang Tita Pia na huminto sa pag kain. Napahinto rin ang kanyang Tito Larry.

"A-ayos lang p-po ako..." Nakayukong sagot ni Katarina.

"Masama ba ang pakiramdam mo? Naku! Magpahinga ka nalang muna sa 'yong kwarto!" Naga-alala na talaga ang kanyang Tita.

"Love, tulungan mo 'ko dalhin si Katarina sa kwarto niya" sabi ng kanyang Tita nang nakalapit na ito sa kanya.

Nakatulala lang ang kanyang Tito at mukhang hindi narinig ang sinabi ng kanyang Tita.

"Love?!" Tawag muli ng Tita Pia kung kaya'y nabalik na sa ulirat ang kanyang Tito.

"T-tita... H-huwag na po... K-kaya k-ko naman p-po..." Sabi ni Katarina at biglang tumayo. Napatingin na lamang sa kanya ang kanyang Tita ng naga-alangan.

Tumingin si Katarina ng diretso sa kanyang Tito ng ilang segundo bago tuluyang umalis at nagtungo sa kanyang kwarto.

"Ma'am, kumain na po kayo..." Inilapag ng katulong ang dalang pagkain sa table na katabi ng kama. Hindi namalayan ni Katarina na nakapasok na ang katulong dahil sa kanyang pagkakatulala at pag-iisip ng malalim.

"Ma'am?" Dahil sa pagtawag ulit ng katulong ay napatingin na si Katarina sa kanya. "Uh... Ma'am, pinapasabi po nila Ma'am Pia na hindi ka na nila maihahatid sa bahay mo dahil may pinuntahan silang emergency..."

Tumango lamang si Katarina at nagpaalam na ang katulong lumabas ng kanyang kwarto.

Muling napatulala si Katarina sa kisame. Tila nawawalan ng pag-asa. Hindi niya man lang magawang bumangon sa pagkakahiga. Napa-singhot siya ng tuluyan nang kumawa at walang tigil na umagos ang kanyang luha. Ilang oras siyang nanatiling gano'n. Hanggang sa tiningnan niya ang orasan 3:33pm agad na siyang bumangon. Nagbihis, nag-ayos ng sarili at ng kanyang mga gamit.

"Ma'am, aalis na po kayo?" Tanong sa kanya ng katulong na nag dala rin ng pagkain niya kanina. Naabutan siya nito na palabas na ng front door.

"Ah, o-oo..." Sagot niya at tuluyan nang nagtungo sa kanyang pick-up habang hila-hila ang dalawa niyang maleta.

Nang makasakay na siya sa kanyang sasakyan ay napatulala pa siyang saglit bago agad-agad itong pinaandar. Medyo nag-alinlangan pa ang guwardya ng gate ng bahay ng kanyang Tito at Tita dahil sa agaran niyang pag-alis.

Alam niya ang daan patungo sa bago niyang tirahan dahil madali siyang maka-kabisado ng mga bagay-bagay.

Patuloy siya sa pagmamaneho habang pinupunasan ang walang tigil na pagbuhos ng mga luha.

"Tangina!" Biglaan niyang hininto ang pagmamaneho sa isang tahimik na lugar at hinampas ang manibela sa labis na galit at lungkot na nararamdaman.

"ANO BA! ANO BA, KATARINA MANUEL?! BAKIT ANG MALAS MO? BAKIT KA GANYAN? BAKIT ANG TANGA-TANGA MO?!" Sigaw niya sa kanyang sarili at hinayaan niyang tumulo na nang tuluyan ang mga luha.

Tuloy-tuloy ang kanyang pagtangis. Paminsan-minsang hinahampas ang manibela at sinasabunutan ang sarili.

"Ang bobo bobo ko..." Bulong niya habang patuloy sa paghikbi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KatarinaWhere stories live. Discover now