"Ma, Pa... I don't want to be a doctor..."
"WHAT DID YOU SAY?!" Padabog na tumayo ang kanyang ina sa narinig. Malaking karangalan sa kay Katarina na pinagbigyan siya nitong sila'y makapag-usap isang araw pagtapos niyang mag-Grade 12
"Ayaw ko po 'yon, noon pa." Kinakabahan na siya ngunit kinakalma niya ang kayang sarili.
"It was your dream!!" Galit na sabi sa kanya ng kanyang ina.
"No, Ma. Its YOUR dream."
"How dare you to answer me like that!" Umambang lalapit na sa kanya ang kanyang ina ngunit pinigilan na ito ng kanyang ama.
"Why, Ma? Totoo naman, hindi ba. It was your dream! Ni hindi mo ako tinanong kahit na kailan kung ano ba talaga ang pangarap ko!" Nanuot na sa kanya ang galit na naipon para sa kanyang ina.
"You're a brat!" Sinampal siya ng kanyang ina. Napaluha na siya ng tuluyan dahil dito.
"No, Ma. Don't tell me that 'cause you don't even know anything about me! Kasi wala kang pakialam!" Tumayo na rin siya at hinarap ang ina. Alam niyang mali ang ginagawa niyang ito pero kung ito lang ang paraan para mailabas niya ang kanyang boses para sa kanyang ina ay gagawin niya.
"Don't you point that to me!" Nanginginig na sabi sa kanya ng kanyang ina.
"Why, Ma? Because it's true?" Sarkastiko siyang natawa. Agad siyang sinampal ng kanyang ina.
"Ganyan ba ang itinuturo sa'yo ng mga kaibigan mo?! Talaga nga't dapat ay hindi kita pinagbigyan sa pagpili ng papasukang eskwelahan noon!"
"Lara, tama na!" Pigil ni Arthur.
"Oh, Ma? Huwag mong madamay-damay ang mga kaibigan ko! Dahil sila lang ang laging nariyan kapag kailangan ko! At oh? Pati pala pagpili ng eskwelahan kokontrahin mo ako?!"
"Kaibigan? Kaibigan ang tawag mo sa mga taong nagturo sayong magrebelde?!"
"Yes, Ma! But you're wrong! Its my decision! I chose that because I know, whatever could happen to me, you will never even care!"
"Nakakahiya ka!"
"No I wasn't, Ma! Actually, my friends and their parents are always proud of me! Because I can handle everything! Because I'm still here! Keep going! I was not nakakahiya because I didn't did anything that could cause you to attend in the Guidance Office or even in any Police Station! I have no records!"
"Huwag kang pilosopo, Katarina!" Nagulat siya sa sinabi ng kanyang ina. Ito ang unang pagkakataon na tinawag siya ng kanyang ina sa pangalan niya. Mula noong magka-isip siya ay hindi niya kailanman narinig ang kanyang ina na banggitin ang kanyang pangalan.
"Wow! Alam mo pa pala ang pangalan ko?"
"Katarina, stop" pagpigil ng kanyang ama sa kanya.
"Why, Pa? Nagulat lang ako" sarkastikong muling napatawa si Katarina.
"Go to your room, Katarina. Stop it in here" Malalim at may awtoridad na utos ng kanyang ama. Tila nalilito siya sa biglang pananahimik ng kanyang ina at sa inaasal ng kanyang ama.
Sumunod si Katarina sa utos ng kanyang ama at nag-umpisa nang mag-ayos para makadalo sa Night Party nila ng kanyang mga kaibigan.
Patuloy ang pagtulo ng luha niya sa mga naalala. Kahit kailan pala ay hindi talaga siya inintindi ng kanyang ina.
Alas nueve na nang makapasok siya sa Quezon Province. Medyo may kabagalan ang kanyang pagmamaneho tuwing siya ay napapaluha kung kaya'y mukhang matatagalan nga ang kanyang biyahe.
Nang mag-alas dose at malapit na siyang makalabas ng Quezon ay nagpasiya siyang magpahinga. Huminto siya sa isang parking area at nagpasiyang kainin ang mga biniling pagkain. Sinuot niya ang kanyang earphones at tahimik na pinapanood ang paligid mula sa loob ng sasakyan.
Nakikita niyang may mga carinderia na patuloy sa pagtanggap ng mga customer. Masaya ang mga ito, salungat sa kanya.
Nang matapos sa pagpapahinga ng kanyang mga braso ay nagsimula na siyang muling magmaneho.
"Ano ba ang pangarap mo, Katarina?" Tanong sa kanya ng kanyang Tita Pia nang dumalaw ito sa kanila isang linggo matapos nilang magtalo ng kanyang mga magulang tungkol sa gusto niyang kurso.
Ramdam ni Katarina ang masamang titig ng kanyang ina sa kanya ngunit binalewala niya ito.
"Basta po'y konektado sa Arts..." Napayuko siya sa sagot.
"Pwede ka ba sa engineering or architectural course?" Tanong sa kanya ng kayang Tito Larry.
"Opo"
"Maganda naman pala e! Kahit sa anong trabahong konektado sa pagd-drawing or designing!" Masayang sabi ng Tita Pia.
"Anong eskwelahan ang papasukan nito ni Katarina, Arthur?" Tanong ng Tito Larry.
"Hindi ko pa alam, Larry" ngiting sabi ni Mr. Arthur.
"Kung gayon, dapat ay mag-umpisa nang maghanap ng eskwelahan!" Ani Tito Larry.
Napa-iling si Katarina sa naalala. Noong panahon kasing 'yon ay kitang-kita niya ang pag-irap at masamang tingin ng kanyang ina sa kanya na hindi napapansin ng iba pa nilang kasama.
Napaiyak pa siya lalo nang maalala niya pang kaya siya narito ngayon nagmamaneho patungong Bicol ay dahil sinabi niya sa mga ito na gusto niya nang bumukod. Gusto niya nang bumukod dahil hindi niya na kayang manatili pa sa bahay na hindi kailanman matatawag na tahanan. A House That Will Never Be A Home ika nga ng isang Declamation Piece.
Patuloy sa pagmamaneho si Katarina sa tahimik na lugar. Pataas na siya ng bundok kung kaya't naisipan niyang magpatugtog para kahit paano ay hindi na niya maisip ang mga iyon.
Siguro nga'y nakikisama ang paligid sa kanya. Saktong nag-play sa kanyang playlist ay mga kantang sakto sa nararamdaman niya. Car Radio ng Twenty Øne Piløts. Kabisado niya ang lyrics nito kung kaya'y sinasabayan niya ito.
There are things we can do
And from the things we work from there are only two
And from the two that we choose to do
Peace will win and Fear will lose
And there's faith and there's sleep
We need to pick one please because
Faith is to be awake
And to be awake is for us to think
And for us to think is to be alive
And I will try with every rhyme
To come across like I am dying
To let you know you need to
Try to think!