III

6 3 2
                                    

Alas tres nang makapasok siya ng Bicol. Mabilis ang kayang pagmamaneho kung kaya't mabilis siyang nakapasok sa Bicol. Maluwag ang daan dahil alanganing oras na ngunit may mga tao na rin sa paligid na nagu-umpisa nang magbukas ng kanya-kayang tindahan. Mas binilisan niya pa ang pagmamaneho upang makarating na sa bahay ng kanyang Tita Pia.

Nang sa wakas ay nakarating na siya rito ay Alas cuatro y media na at unti-unti nang nagliliwanag.

Ang mga katulong at guards ay tinulungan siyang ipasok ang kanyang mga gamit sa kanyang kwarto. Agad siyang nakatulog sa malambot na kama dahil sa labis na pagod. 14 hours nga ba naman siyang nagmaneho.

Napamulat si Katarina sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Tiningnan niya ang hindi natanggal na orasan sa kanyang palapulsuhan at napapikit nang nalamang ala-cinco palang ng umaga.

Hirap siyang bumangon at inayos ang pagkakasara ng kurtina bago tumalon at natulog muli sa malambot na kama.

"Ma'am Katarina?" Nagising si Katarina sa marahan na pagkatok at pagtawag ng nasa labas.

"Come in!" Dahan-dahan na pumasok ang Dalawang katulong na ang isa ay may dalang tray ng pagkain.

"Pasensya na po kung naabala namin ang pag tulog niyo, Ma'am Katarina. Alas onse na po kasi at kailangan niyo nang magtanghalian..." Sabi ng isang katulong habang ang isa ay nilalagay ang tray sa maliit na table sa gilid ng kama.

"Hmm.. Ayos lang. Salamat" ngiting sabi ni Katarina sa dalawang katulong.

"Sige po, ma'am. Lalabas na po kami" tumango si Katarina at lumabas na ang dalawa.

"Ah! Shit. Ang sakit ng katawan ko!!" Inis na sabi ni Katarina matapos niyang pabagsak na humigang muli.

Ilang sandali pa siyang natulala bago naalala ang cellphone niya. Agad niya itong hinanap sa ilalim ng kanyang unan.

"Hello?" Sagot niya sa tumawag saktong nakita niya ito.

"Hey... Trina..." Napapaos na sagot ng lalaki sa kabilang linya.

"Ian??!!?" Pasigaw na banggit ni Katrina

"Trina, I miss you..."

"Miss your face! Matapos mo akong lokohin ng ilang beses?!"

"Look, Trina, hindi ko sinasadya--"

"Anong hindi mo sinasadya? It was already six times! You already cheated six times! Why? Because you can't f*ck me!" Nanginginig na sigaw ni Katarina habang pinipigilan ang nagbabadyang luha.

"Katarina, please... One last chance..."

"One last chance your freak*ng face! No way!"

"I love you, Trina! I really damn love you! Please..."

"Oh. What kind of f*cking love you have for me?!!" Tuluyan nang tumulo ang kanyang luha dahil sa naalalang sakit. "F*cking love!"

"I love you, Katarina! That's true!"

"No, that wasn't true! Mahal mo lang ako dahil hindi ka pa nakaka-isa sa akin!"

"Shit." Ramdam niya ang inis ng nasa kabilang linya. Napapikit siya sa nararamdaman. She was hopeless...

"Oh, yeah! Shit! Shit because you can't get me back now, right?" Napatakip siya ng kamay sa kanyang bibig upang pigilan ang hikbi.

"No. Hindi ganon, Trina!"

"No, Ian. I'm done now! I've been very stupid because of you! Dahil patuloy kong tiniis lahat ng panloloko mo sa akin! Now, go find other girl and you two go f*ck every night!!" Binaba niya ang tawag at saka tuluyan nang umiyak.

She's been stupid since the day she was born. She lived as stupid. Her role in the world was to be stupid.
She's now tired.
Tired of everything.
Tired of understanding.
Tired of trying.
Tired of carrying all the shits.
Tired of being her.
Tired of loving.

Matagal din bago niya napatahan ang kanyang sarili. Tiningnan niya ang kanyang mga mata sa salamin at nagpasalamat na hindi ito namamaga.

Kahit walang gana ay kinain pa rin niya ang dinalang pagkain para sa kanya.

Matapos kumain ay naligo at nag-ayos na siya saka lumabas sa kwarto at nagtungo sa sala.

Saglit siyang natigilan nang makita ang kanyang Tito at Tita sa sala dahil nakaramdam ng pagkahiya. Umiling na lamang siya bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Oh, Katarina hija..." Ngiting bati sa kanya ng Tita Pia.

"Good afternoon po, Tito, Tita..." Nag-mano siya sa mga ito.

"Maayos ba ang pagtulog mo? Ayos lang kung matulog ka ngayon buong araw..." Tanong ng kanyang Tita Pia.

"Alam naming pagod ka saka... Alam namin ang nangyari..." Naga-alalang sabi ng kanyang Tito Larry. Napayuko si Katarina nang makaupo.

"Katarina, pagpasensyahan mo na ang ate Lara ha..." Malungkot na sabi ng Tita Pia.

"A-ayos lang po..." Eto nanaman, ang sabi niya sa kanyang isipan.

"Hindi ko nga alam kung bakit ganoon siya... Simula noong..."

"Pia, tama na..." Mahinahon na pigil ng Tito Larry.

"Larry, she needs to know something..." Malungkot na talaga ang kanyang Tita Pia.

"Ayos lang po, Tito... Gusto ko pong malaman..." Ngumiti siya ng malungkot. Tumango na lamang ang kanyang Tito at umupo sa tabi ng kanyang Tita.

"Simula noong ipinanganak ka... Naging cold na si Ate Lara... Nawala ang masayahing Lara." Tumikhim si Pia bago nag patuloy. "Ate Lara was a jolly person, 'yon ang dahilan kung bakit marami ang may gusto sa kanya... I don't know... We all don't know how and why she turns like this... No one knows... Pero tingin ko'y alam iyon ng Daddy Arthur mo..."

"Tita..." Tumikhim muna siya upang mapigilan ang pagbasag ng kanyang boses. "Tingin ko'y hindi ako tanggap ni Mama bilang anak niya..."

"No, Katarina.... Don't say that..."

"Sorry, Tita, Tito..." Pinunasan niya ang nakatakas na luha sa kanyang mata.

"You should go and just rest today, hija. Bukas nalang natin puntahan ang bahay mo" mahinahon na sabi ng kanyang Tito Larry.

"Pasensya na po... Sige po, magpapahinga lang po ako.." Tuluyan na siyang nagpunta sa kanyang silid. Pinilit na ibaling sa social media ang kanyang kailan.

Imagination was my best artwork.

Nakita niya iyong post ng isang writer na kanyang iniidolo at dahil sakto ito sa kanyang katangian ay shinare niya rin ito. Agad itong nakahakot ng likes at may mga nag-comment na kadalasan ay "Where are you, Katarina? It's already a month since your last fb update!".

Oo nga pala at hindi rin siya nag-bukas ng kanyang social media accounts ng higit isang buwan. Hindi siya nagreply sa kahit na alin sa mga ito.
Hindi siya nag-bukas dahil gusto niya muna makapag-isip ng sarilinan, at eto, nasa probinsya na siya at malayo sa lahat.

KatarinaWhere stories live. Discover now