Napamulat at halos mapasigaw si Katarina nang magising.
Dinalaw siya ng masamang panaginip. Siya raw ay mag-isa sa dilim na walang hanggan, walang makita, walang kasama. Patuloy siya sa pagtawag kung may tao ba roon, naglakad-lakad siya kahit hindi niya alam kung saan pupunta.
"Dito" May narinig siyang mahinang sigaw mula sa malayo.
"Sino ka?" Tanong ni Katarina habang naglakad patungo sa pinanggalingan ng lugar. "Sino ka?" Ulit niya pa.
Huminto siya nang maisip niyang narito na siya sa pinanggalingan ng boses. Lumingon-lingon siya hanggang sa may makitang liwanag. Nagtungo siya roon.
"Katarina..." Halos bulong sa kaya na kinabigla niya.
"Sino ka??!!" Tanong niya ng may takot.
"Katarina, magtungo ka at magsimula muli sa lahat"
"Anong--" Napatigil si Katarina nang may maramdamang malagkit sa kanyang mga paa at yumuko siya para tingnan ito.
"KATARINA!!" Nagulat siya sa pagtingin niya sa harap kasabay ng sigaw. Nasa harap niya mismo ang babaeng itim ang labi, magulo ang buhok, itim ang gilid ng mga mata at may mga ugat sa buong katawan.
Napaatras siya sa takot ay bigla na lamang siyang nahulog sa balon.
"Katarina, hija? Are you okay?" Naga-alalang tanong ng Tita Pia niya nang mapagtanto nitong hindi siya nakikinig.
"Uh... Yes, Tita. I'm just thinking about something... Sorry po"
"It's okay. Let's go?" Ngiti nitong pag-aya.
Dalawampung minuto lang ang kanilang byahe ng kanyang Tito at Tita patungo sa isang gubat.
Pagkababa niya sa sasakyan ng kanyang Tito ay namangha siya sa nakita.
May katamtamang taas na bakod na kita ang loob dahil pinagsama na bakal at kahoy ito at may mga bobwire. Sa gitna ay may malaking gate na may naka-ukit na 'Katarina' at sa loob ay may simpleng bahay na kasalukuyan pang ginagawa.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong sa kaya ng Tita Pia.
"O-opo!"
"Sabi ko nga sa Daddy mo, masyadong simple ang bahay..." Komento ng Tito Larry.
"Ayos lang po ang ganyan! Gusto ko naman po!" Ngiti niya sa mga ito.
"Bukas, pwede ka nang lumipat dyan... Mga hapon" sabi ng kanyang Tito Larry at binuksan ang gate. "Mamaya ay matatapos na iyan at bukas ng umaga ay lilinisin at ipapa-bless. Hindi na tayo dadalo sa pagb-bless dahil medyo maalikabok pa no'n..." Tumango si Katarina.
"Hindi na muna tayo papasok ha? Baka makaabala lang tayo sa mga construction workers" Ani Tita Pia.
"Opo" ngiting sagot ni Katarina.
Kinausap ng kanyang Tito at Tita ang ilang construction worker kung kaya'y tumingin-tingin muna siya sa paligid. May mga bahay sa hindi kalayuan, ang iba ay kubo at ang iba ay sementado na.
May nakita siyang matandang babae na naka-upo sa upuang kahoy sa pasilyo ng kanyang tahanan. Nakatingin ito sa kanya.
Maglalakad na sana si Katarina patungo sa matanda ngunit tinawag siya ng kanyang Tita Pia.
"Katarina, come here!" Pagtawag sa kanya ng kanyang Tita Pia.
"May gusto ka bang ipadagdag sa furniture at itsura ng bahay mo?" Tanong ng kanyang Tito Larry.