Kabanata 3

4 1 0
                                    

               Filipinas 1889

"Binibini?" Napalingon ako sa tumawag saakin. Si kuya Antonio pala.

"Bakit umiiyak ang mahal kong binibini?" Malambing na tanong ni kuya Antonio atsaka niya ako nilapitan at umupo saaking tabi.

Suminghot ako at inayos ang aking sarili. "Ah, wala po. Naalala ko lang po si Ina." Pagpapalusot ko.

Niyakap niya ako atsaka niya hinalikan ang aking buhok. "Tsk, nangungulila ka ba kay Ina?" Tanong niya.

Humiwalay ako sa yakap niya atsaka ngumiti ng tipid. "Ayos lang ako, kuya." Sagot ko.

"Alam mo naman na ang ayaw ko sa lahat ay ang makita kang umiiyak. Bukas makalawa, pupuntahan natin ang puntod ni Ina. Ayos ba iyon?" Suggest niya siguro para macheer-up ako. Kung ako talaga si Soledad, matutuwa ako na pupunta kami sa puntod ng nanay nila.

Pineke ko ang reaksyon ko. Para hindi na siya mag-alala. "Gusto ko iyan, kuya!" Masigla kong sabi.

Ngumiti naman siya. "Kung andito lang si Ina. Tiyak akong ipagbuburda ka niya ng iyong pang ibaba. Sino na ba ang nagbuburda ng iyong mga pang ibaba?" Tanong niya.

"Uh, hindi ko alam eh. Hindi naman ako gaanong matandain." Agad kong sagot.

"Nga pala, binilhan kita ng balabal sa Espanya." Sabi niya atsaka inabot saakin. "Hindi ba't paborito mo ang kulay luntian?" Paniniguradong tanong niya.

Inabot ko naman ito atsaka niladlad. Wow! Ang ganda. Favorite din pala ni Soledad ang green. Omg! Tingin ko, mamahalin ang telang ito. May diamonds at gawa sa satin pa ang tela. Napakadulas at lambot.

"Napakaganda nito kuya! Maraming salamat." Masigla kong sinabi atsaka siya niyakap.

Actually, first time ko pa lang makahawak at makagamit ng ganitong kamahal na tela.

"Mag-ayos ka na mahal kong binibini. Bibisitahin natin ang aking matatalik na kaibigan. Ang isa ay galing Europa. Iintayin kita sa baba." Sabi naman ni kuya atsaka siya umalis.

Susuot ko itong binigay niya. Mag-all white ako para itong balabal lang ang highlight sa suot ko. Tsaka ko niladlad ang aking buhok na hanggang shoulders. Nagpulbo din ako ng konti. Infairness, ang ganda ng lalagyanan ng pulbo nila.

------------------------***------------------------

Sumakay kami ng kalesa papunta sa bahay ng kaibigan niya. Malugod naman kaming tinanggap ng mga kasamabahay nila.

"Magandang umaga, Donya Consolascion." Bati ni kuya atsaka yumuko. Kinabig niya ang braso ko. Marahil, pinapayuko din ako. Kaya iyon ang aking ginawa.

"Magandang umaga, Ginoong Antonio maligayang pagbabalik at saiyo din Binibining Soledad." Bati niyang pabalik. Ngumiti na lamang ako. Dahil hindi ko naman siya kilala.

"Si Joaquin ba at si Emeralda ang inyong pakay?" Tanong naman nung matandang babae na siguro mga nasa 50's.

"Opo, Donya Consolascion." Sagot naman ni kuya atsaka ngumiti.

"Mabuti pa at umupo kayo rito." Tinuro niya ang sofa. "Tatawagin ko lamang sila." Dagdag pa niya atsaka umakyat sa hagdan.

"Gusto niyo ho ba ng inumin?" Alok nung kasambahay nila.

"Ayos lamang ako, salamat na lang. Ikaw, mahal kong binibini. May gusto ka ba?" Tanong ni kuya.

Ngumiti ako at umiling. "Salamat na lang din." Tumango yung babae atsaka umalis.

"Sila ang pamilyang Vicente. Noon pa man, magkakilala na ang mga ninuno natin pati mga ninuno nila." Paliwanag ni kuya.

Tumango na lamang ako. Kahit anong intindi ko sa sinabi niya, walang pumapasok. Dahil wala naman talaga akong alaala patungkol rito.

Ilang sandali pa at may kasama ng isang dalaga at dalawang binata si Donya Consolascion.

"Maligayang pagdating, aking matalik na kaibigan!" Bungad nung lalaki kay kuya atsaka siya nag bro hug.

"Ilang taon tayong nawalay sa isa't isa? Dalawa? Lima? Ah! Anim na taon din pala." Sagot ni kuya.

"Maligayang pagdating, Ginoong Antonio. Kinagagalak kong makita ka ulit." Sabi naman nung dalaga.

"Kasama mo pala ang iyong mahal na binibini." Bulalas nung kaibigan ni kuya. "Kinagagalak kong makita kang muli, Binibining Soledad. Kumusta nga pala ang iyong karamdaman?" Tanong nung binata.

"Kinagagalak ko din na makilala ka, Ginoo. Ayos na ako. Salamat sa pag tanong." Sabi ko atsaka ngumiti.

"Tila hindi ata ako kilala ng iyong mahal na binibinin, Antonio." Sabi nung kaibigan ni kuya atsaka niya siniko si kuya.

Bakit ba kung tratuhin ako ng mga ito parang girlfriend ako ng kuya ko?!?!?! Hindi kaya pumatol sa incest yung totoong Soledad?! Ewy.

"Hayaan mo, Joaquin. Pormal ko kayong ipapakilala. Kay tagal na din mula nung huli siyang tumungtong sa bahay na ito." Sabi ni kuya. "Mahal kong binibini, ito nga pala si Joaquin ang matalik kong kaibigan. Ang kanyang ina ay si Donya Consulascion." Sabi ni kuya at isa isa ko silang nginitian.

"Ang bunso nilang kapatid na si Emeralda. Ang iyong kaibigan." Pahabol pa ni kuya.

"Choleng, mabuti na ba talaga ang iyong karamdaman?" Alalang tanong ni Emeralda.

"Oo naman. Salamat sa pag alala." Sagot ko atsaka ngumiti. Agad naman niya akong niyakap.

"Teka, sino ang isang iyon?" Tanong ko atsaka tinuro ang isang lalaking tahimik na nagbabasa.

Humalakhak naman si Joaquin sa aking tanong. "Nako, Antonio. Mukhang interesado ang binibini sa aking kapatid." Asar niya pa kay kuya.

"Joaquin, nagtanong lamang ang binibini. Wag mong bigyan ng malisya." Si Donya Consolascion ang sumagot. "Binibini, siya ang aking pangalawang anak. Si Samuel Isagani. Kagagaling lang niyang Europa. Nag ensayo siya roon, gusto niya din kasing maging heneral." Dagdag pa niya.

"Magandang umaga saiyo, Ginoong Samuel." Bati ko na may ngiti sa labi.

Saglit niya akong tinignan atsaka tinuon na niya uli ang kanyang atensyon sa pag babasa.

"Isagani." Ang tanging binalik niya saakin.

Agad naman akong nilapitan ni Emeralda. "Ayaw ni kuya Isagani na natatawag siya sa una niyang pangalan." Pabulong niyang sabi.

"Ah, ganon ba? Hindi ko naman alam." Tugon ko na pabulong.

Ang sungit naman ng isang ito. Guwapo sana, kaso di una pa lang dito ko na agad gusto ugali.

"Alam niyo magtungo na lamang kayo sa plaza. Pista ng ating bayan ngayon. Tiyak akong maraming kaganap roon. Joaquin at Emeralda, ipasyal ninyo ang Ginoo at Binibini." Basag sa katahimikin ni Donya Consolascion. 

"Magandang ideya iyan, Ina. Mabuti pa at umalis na tayo ngayon pa lang." Sang-ayon ni Joaquin.

"Kuya Isagani, nais mo bang sumama?" Alok ni Emeralda.

"Hindi na kailangan." Tipid na sabi naman nito.

Napakabastos! Hindi man lang nagawang tumingin sa kapatid. Sasagot na lamang eh.

"Hayaan mo na, Emeralda. Hindi pa ba tayo masasanay sa iyong kuya?" Si kuya Antonio naman ang nagsalita.

Siguro'y tahimik lang talaga ito. Hindi katulad nila kuya Antonio at ni Joaquin na playful. I wonder kung bakit ganon siya? Hmm.

Usted Solo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon