Kabanata 5

6 0 0
                                    

                Filipinas 1889

"Oh? Bakit nakabusangot ang mukha mo, Choleng?" Bungad saakin ni ate Esperanza ng makita niya akong papasok sa bahay.

"Wala po, ate. Nairita lang sa init kanina." Pagsisinungaling ko.

Nakita ko naman na napatingin saakin si Lucila pero agad ko siyang tinignan din. Para bang nagcocommunicate kami through our eyes. So, kailangan ko siyang mapagsabihan mamaya na wag na wag siyang magbabanggit kayna Ama tungkol sa nangyare kanina.

"Choleng, tinatanong kita. Saan ba kayo nanggaling ni Lucila?" Pag-uulit ni ate Esperanza.

"Ah, ate. Sa puntod lang po ni Ina." Sagot ko.

"Sa puntod ni Ina? Bakit naman nakabusangot ang mukha mo nung pagpasok mo?" Tanong pa uli niya.


"Wala nga po. Mainit lang sa labas." Pag uulit ko sa sinabi ko kanina.

Nako, pag di ako nagstick sa sagot ko baka tuluyan na akong mahuli. Nako, Serenity! Be careful!

Magsasalita pa sana si Ate ngunit agad naman dumating si kuya Antonio.

"Mahal kong binibini, narito ka na pala. Bakit hindi mo man lamang pinaalam?" Pagbati niya saakin.

"Kararating ko lamang po, kuya. Iyon din naman po ang aking balak este-- pakay. Mag-aayos lang po sana ako bago kayo puntahan sainyong ku-- I mean-- este silid." Sagot ko ng nakangiti.

OMG! SABI KO NAMAN SERENITY DIBA?! BE CAREFUL.

Humalakhak naman ng malakas si Kuya. "Mahal kong binibini, tila yata nahihirapan ka na magsalita ng wikang tagalog. Hayaan mo, tuturuan kita ng wikang Ingles sa ibang araw. Baka mas magustuhan mo iyon." Aniya.

My mouth will be the death of me. I swear!

-----------------------***-------------------------

Kinagabihan, pagkatapos ng hapunan. Agad naman akong nagpunta sa kuwarto ko. Para pagmasdan ang mga stars. Yung room ko kasi, mas kitang kita mo talaga yung mga stars ang kailangan mo lang gawin ay tumingala.

Grabe, never in my life pa ako nakakakita ng ganto kagandang view. Kung uso nga yung telescope dito baka kanina ko pa nakita yung moon. Kasi swear, sobrang ganda!

"Pst"

Omg. Tinatawag ata ako nung moon.

"Pst."

Hala!!!!! Sabi ko nga di na kita titignan. Agad naman akong umiwas tumingin sa moon. Sa panahong bang ito nakakapagsalita ang moon?

"Pst."

Hala. Tinatawag na ako uli nung moon! Agad naman akong tumingin uli sa moon.

"Hi, moon! Di naman ako makikipag-away sayo eh." Wika ko dito.

"Hindi naman ako nagtungo dito para awayin ka, binibini." Sagot naman nito.

Hala! Naeengkanto ata ako! Jusko!

"Ah, moon. Ano kasi...uhm...I need to go. Sorry ano uhm...basta yon. Hehehehe." Wika ko at akmang isasara na sana ang bintana

Pero...

"Ay petchay ko!!!!" Bulalas ko ng may biglang bumulaga sa bintana.

"Choleng, tara. Libutin natin ang plaza at ibibili kita ng gusto mong salamin. Hindi ba't ganito ang gusto mong salamin?" Sabi nito atsaka pinakita ang nakadrawing na salamin sa papel na niladlad niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Usted Solo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon