Kabanata 4

6 0 0
                                    

              Filipinas 1889

Mabilis na lumipas ang mga araw at sa bawat araw na nagdaan mas marami akong natutunan sa pamamalagi ko sa panahong ito. Ngunit, hanggang kailan kaya ako mamamalagi rito? Unti-unti din mas nagugustuhan ko na sa panahong ito. Pero, hindi padin mawala sa isip ko kung ano na ang kalagayan ni Lola. Haaay.

Alam ko na din pala ang patungo sa plaza mula dito sa bahay at ang daan sa puntod ng nanay nila.

Sa katunayan, papunta nga ako roon mag-isa.

"Ama at kuya Antonio. Alis na po ako." Paalam ko sakanila habang nakaupo sila sa lamesa at abala sa pag-uusap.

"San ka pupunta, anak?" Tanong ni Ama.

"Dadalawin ko lamang po ang puntod ni Ina." Sagot ko.

"Ng mag-isa?" Si kuya Antonio naman ang nagtanong.

"Opo. Busy-- este abala pa po kasi kayo sa ibang bagay eh. Ayaw ko naman pong istorbohin kayo." Paliwanag ko.

Hay nako! Buti na lang talaga may preno tong bibig ko! Muntik na naman ako madulas. Hay.

"Tignan mo nga naman, Eduardo. Napalaki ng tamang asal at napakaganda ng ating binibini." Sabi ni Ama atsaka humalakhak.

"Humayo ka na, mahal kong binibini. Wag kang magpapagabi. Delikado masyado sa daan." Paalala ni kuya Antonio.

Tumango ako at nagpaalam uli. "Paalam po, Ama at Kuya."

"Ah, sandali. Lucila, samahan mo ang binibini. Upang mapanatag ang aking loob." Pahabol ni Ama.

"Masusunod po, Don Virgilio." Agad naman sagot ni Lucila atsaka sumunod saakin.

Sumakay kami ng kalesa patungo sa puntod ng Ina nila. Agad naman kami nakarating doon. Actually, walking-distance nga lang mula sa bahay eh. Kaso ang pangit raw tignan sa babaeng katulad ko na maglakad patungo doon. Kaya pinagbawal ito ni kuya. Hindi naman ako umangal pa roon.

"Andito na po tayo, Binibining Soledad." Paalala ni Lucila.

Bumaba siya mula sa kalesa atsaka tinaas niya ang kanyang kamay, siguro gusto niyang abutin ko ito para makababa ako ng basic. Ibang iba ang estado ng mayaman at mahirap sa panahong ito. Kahit babae ka, dapat ayos lang sayong alilain ka para lang mabuhay.

"Wag na, Lucila. Ayos lang ako." Kusa akong bumaba atsaka ngumiti sakanya. Agad naman niya inayos ang aking saya.

"Lucila, Choleng na lang ang itawag mo saakin." Sabi ko.

"Po? Magagalit po si Don Virgilio at kapag ang palayaw mo po ang aking tinawag sa iyo. Lalabas po akong walang galang." Aniya.

"Oh sige, ganito na lang. Kapag tayong dalawa lang ang magkasama. Tatawagin mo kong Choleng. Ayos ba?" Tanong ko.

Ang awkward naman kasi kung tatawagin lang niya akong Binibini. Same age lang naman kami. Kahit magkaiba ang estado, I promote equality. Vote Serenity for President! HAHAHAHAHA. Charot!

Tumango naman siya sa idea ko at ngumiti. Nagtungo naman kami sa puntod ni Ina.

"Magandang umaga, mahal kong Ina. Kumusta ka diyan sa langit? Nga pala, ito nga pala si Lucila. Ang ganda niya diba? Alam mo, Ina. Kung andito ka lang, matutuwa ka sakanya. Napakabait din niya. Hindi nga siya bagay manilbihan eh."Sunod sunod kong sabi.

Bahagya naman natawa si Lucila saaking sinabi.

"Miss ka na nila kuya. Lalo na siguro ni Ama. Labis labis na ang pangungulila namin saiyo." Dagdag ko pa.

Sa pamamalagi ko dito, nasanay na din ako na maging si Soledad. Natutunan ko na din mahalin ang pamilyang mayroon siya. Lalo na ang yumao nilang Ina.

"Lucila, doon tayo oh!" Turo ko sa may malaking puno.

"Binibi--" pinutol niya ang dapat niyang sasabihin ngunit umiling siya atsaka ngumiti saakin. "Choleng, hintayin mo ako." Sabi niya. Napangiti ako sa tawag niya saakin.

"Lucila, naniniwala ka bang magiging pambansang puno ang Narra?" Tanong ko ng makarating ako sa puno na kanina kong tinuturo.

"Po? Ah eh. Siguro po. Dahil kadalasan ang mga puno ng Narra ay malalaki kumpara sa ibang puno." Sagot naman niya.

Napangiti ako. Kahit papano pala may knowledge din si Lucila. Tuturuan ko pa siya para mas madami siyang matutunan at kahit ganyan ang estado niya sa buhay mapagtanggol man lang niya ang sarili niya kahit papano.

"Sang-ayon ako diyan. Tingin ko din, possibleng maging pambansang puno ang Narra sa kasalukuyan." Sabi ko ng may 'something' na nais ipaalam pero alam kong hindi niya ito maiintindihan agad.

"Ang ingay niyo." Sabi ng lalaking nakaupo at nakasandal sa puno ng Narra.

Hala! Si Isagani!

"Ipagpaumanhin niyo po, Ginoo. Hindi po namin sinasadya na gambalain kayo." Dispensa ni Lucila.

Bakit naman siya hihingi ng sorry sa isang bagay na hindi naman ganon kabigat?!

"Lucila, wag kang hihingi ng tawad sa isang bagay na wala ka namang ginagawang masama." Ani ko habang nakatingin pa din kay Isagani.

Nasa may lawa padin ang atensyon niya at nakita kong nagform ng smirk ang labi niya.

Natawa ito ng sarcastic bago magsalita. "Binibini, hindi mo ata alam ang salitang pag-galang?" Nanunuya nitong tanong.

Sinamaan ko siya ng tingin. Uupo na sana ako sa tabi niya ngunit binulungan ako ni Lucila.

"Binibini, umuwi na lang po tayo." Pabulong niyang sabi.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pinagpatuloy ko padin ang balak ko. Umupo ako sa tabi ni Isagani atsaka siya binulungan.

"Eh ikaw alam mo ba ang salitang iyon?" Balik ko sakanya.

Unti-unti siyang lumingon at hinarap ako. AT ISANG TULGADA NA LANG ANG SPACE NG MGA MUKHA NAMIN!!!! WAAAAAAH!!! WRONG MOVE. OH MY GOSHES!!!!

Nakita ko na naman siyang nag-smirk. "Kung hindi ko alam, wala ka na sanang saplot ngayon." Pabulong niyang sinabi habang nakatingin sa aking mga mata.

Napaurong naman ako agad at nanlaki ang mata!!!

"BASTOS!!!" Tangi kong sinabi.

"Anong bastos? Wala pa nga akong ginagawa! Atsaka, hindi ka ba marunong tumanggap ng pabiro?!?!" Balik naman nito.

"Antipatiko!" Ang tangi ko lang nasabi atsaka tumayo.

Hinila ko naman si Lucila para umalis na sa lugar na iyon. Sa bawat yapak ng mga paa ko palayo sakanya, naririnig ko ang halakhak niya.

Argh, buwisit na lalaking iyon. Ang ayos-ayos ng pakikitungo ko tapos mag didirty-talk sakin! Argh! Napaka-bastos! Uso na pala ganito sa panahong ito!

Usted Solo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon