Kabanata 2

6 1 0
                                    

                 Filipinas 1889

Teka lang, gulong gulo na ko. Isang linggo akong walang malay? What the fuck? Bakit ba ako andito?

"Uh, Lucila." Tawag ko sakanya habang nag wawalis siya sa gilid ko.

"May kailangan po ba kayo binibini?" Agad naman niyang tugon.

"Anong petsa at taon na ba?" Tanong ko.

"Ho? Ah eh. Disyembre 15, 1889 na po. Bakit niyo ho natanong, binibini?" Balik naman niya.

Disyembre 15, 1889?!?!??!!??!!? WHAT!!! NASA PANAHON AKO NG ESPANYOL?!?!?!?! AT BAKIT NAMAN AKO NANDIDITO?!?!?! ANONG GINAGAWA KO DITO?!?!?! BAKIT AKO?!?!?! WAAAH!!!!

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako nagsalita. Mahirap na baka mamaya bigla akong mapasigaw sa sobrang pagkagulat.

"Ahh. Salamat. Nakalimutan ko kasi. Nawalan ako ng malay diba? Hehe." Sagot ko baka kasi mag mukha akong weirdo.

Hinayaan naman niya ito atsaka pinagpatuloy ang ginagawa.

"Jusko! Anak ko!" Bungad na sigaw ng isang lalakeng kumakaripas ng lakad patungo sakin. Siguro mga nasa 60's na siya.

Nang matungtong niya ako, agad niya ako niyakap.

"Kumusta ang iyong karamdaman, mahal kong anak?" Tanong ng matandang lalake.

"Uh, okay lang po." Tipid kong sabi.

"Ama, mag hunos dili ho kayo. Ayos lang ho si Soledad. Ang mabuti pa ay  mas alalahanin niyo ang inyong karamdaman." Singit naman ni Esperanza.

"Esperanza, ang kalusugan ng inyong bunsong kapatid ay mas mahalaga kaysa sa kalusugan ko." Sabi pa nung matandang katabi ko atsaka bumaling saakin. "Mahal kong anak, magpahinga ka pa. Ipatawag mo lamang ako kung may kailangan ka. Ako'y labis na nag alala saiyo. Kaya't nung makarating saakin ang balitang ito. Agad ako sumakay ng barko at tumungong Sta. Istena." Dagdag pa niya atsaka hinaplos ang aking buhok.

Maya maya pa'y umalis na siya kasama si Ate Esperanza.

"Binibini, bilin po saakin ni Binibining Esperanza na ipabatid sainyo ang pag dating ni Ginoong Antonio mula Espanya." Agad na sinabi saakin ni Lucila.

"Ah sige, salamat." Tanging naging sagot ko.

Huh? Sino si Antonio? Boyfriend ko ba iyon?! What the fuck?! May boyfriend ako ng di ko alam?!?!?!?! At ang shocking is legal pa kami!!!! Omg!!!! Di ko kinakaya ang mga pangyayari.

Andito ako nakaupo sa sala, suot suot ang napaka init na baro't saya at pinagmamasdan ang oras. Antigong orasan ito kaya naman labis akong namangha. Pinagmamasdan ko ang bawat takbo ng orasan dahil ilang saglit na lang paparating na ang aking nobyo na di ko naman kilala.

Agad akong napalingon sa pintuan ng marinig ko ang yabag. Nangmabuksan non ang pinto agad akong nilamon ng labis labis na kaba. Bawat lakad nung lalake papalapit sakin, bumibilis ang pintig ng aking puso.

Waaaahhhh!!!! Bakit kamukha ko yung sinasabi nilang boyfriend ko?! Hala! Ganito diba pag meant to be? Magkamukha!!! Shoookt to the level 9999999!!!! Hala! Ayoko pang magsettle at magpakasal sa gantong edad! No! No! No! Makikipagbreak ako dito pag nakapagpahinga na siya. Heneral pa naman ang isang ito. Malamang sumabak ito sa matinding training at gera bago marating ang posisyon niya ngayon.

Isang malawak na ngiti ang ginawad niya saakin ng makita niya ako.

"Mahal kong Soledad. Hindi ko akalain na aantayin mo ang aking pagdating." Bungad niya atsaka ako niyakap.

Usted Solo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon