Chapter 4

39 13 0
                                    

Jasper's POV

4 years later.....

"Cheers!" At sabay sabay kaming nagtaasan ng mga baso at pinagdikit ang mga ito. Nandito ako ngayon sa bahay nila Paula. Celebration ng Kasal

"Hon i want 4 kids"

"4 kids lang?"

"Bakit ilan ba ang gusto mo?"

"Madami. Madaming madami"

"Tara gawa na tayo hahaha"

"Baliw ka talaga mamaya na madami pang bisita"

Napangiwi na lang ako sa usapan ng mag asawa. Yes! Katatapos lang ng Kasal ni Paula at Jerald at andito kami sa bahay nila at nagiinuman para icelebrate ito

"Congrats Pau!" i said

"Ohh my Jasper thankyou! Sana makasal ka na din. Your 27 already for pete's sake! Pero mas bet ko kung si Nicole ang ihaharap mo sa altar." I smiled.

"Im sorry about what happened 4 years ago. Siguro kung hindi ako umeksena that time kayo pa hanggang ngayon" She looked so sad

"It's okay. Ako nga dapat ang mag sorry sayo."

Hindi totoong minahal ko si Paula! Everything was just a mendacity. I was so depressed that time. Nalugi ang kumpanya namin. Ako ang sinisisi ni Dad sa lahat. We argued all the time. Twing uuwi ako sa bahay ay walang araw na hindi niya ako sinigawan, walang araw na hindi niya ko ininsulto. Minsan naiisip ko kung talaga bang tatay ko siya eh.

Everytime when that asshole hurt me lagi silang nag aaway ni Mommy. Hanggang sa pati si mommy sinasaktan na niya. Hindi ko na natiis yun kaya pinatulan ko na siya.

"Dad ano bang nangyayari sayo?! Tangina hindi ka ganyan!"

Then after that, May balita kaming natanggap mula sa kung saan. My father was using a drug that time! Kumuha siya ng pera sa bangko. Sakin niya sinisisi ang lahat!

Nawala na sa katinuan si Dad, Muntik na nga niyang gahasain ang katulong namin kaya simula nun wala ng katulong na naglakas loob mag apply samin kahit pa doblihin namin ang sweldo nila.

Awang awa ako kay Mom. Hindi na niya alam ang gagawin niya.

Simula nun lahat kayang gawin ni Dad kahit pa pumatay. Wala na siyang kinikilala. Iba ang epekto ng drugs na yon sakaniya. At pinagbantaan niya ako ng papatayin daw niya si Nicolaijah kung hindi ko daw ito hihiwalayan.

Natakot ako! Binalot ako ng takot at kaba dahil alam ko mismo na lahat kaya niyang gawin. Kahit nga ako mismo ay kaya niyang kitilin ang buhay kung kailan lang niya gusto. Sobrang laki ng pinagbago ni Dad. I miss the old him. I miss my old father!

Si Paula. Si paula na ginamit ko para siya ang gawing dahilan. Hindi totoong naging kami ni Pau. At mas lalong walang nangyari samin! Kaibigan ko si Paula since high school pa lang kami. Siya ang ginawa kong dahilan para hindi matakot si Lai kay Dad!

No one can understand my situation. Hindi nga ako makapaniwala na kaya niyang magpagamit para sa kapakanan ng girlfriend ko. At ngayon na may asawa na siya i am so happy for her. Hope that guy treasure her forever.

Nung araw na nakita ni Lai na may condom sa pants ko. Pinabili ko lang yun sakanya. At pina lagyan ko ng lipstick ang polo ko.

Sobrang bigat para sakin kada bigkas na masasakit na salita kay Nicole. Nung huling yakap niya sakin parang ayoko ng bumitaw. Yun din yung araw na akala niya ay naghahalikan kami ni Paula pero hinde!

May nagsabi agad samin na papunta sa office si Nicole kaya naman nagpanggap kami na naghahalikan. Si paula ang gumawa ng paraan kaya naman nagtiwala na lang ako sakanya.

Ginulo gulo niya ang buhok at damit namin tapos ay naupo siya sa lap ko. Sakto namang nakatalikod siya sa pintuan kaya hindi kita kung talaga bang dikit ang mga labi namin.

Nakadikit lang ang mga noo namin while we are moving our head. Para magmukang katotohanan At nung andun na si Lai sinadya niyang lagyan ng lipstick ang gilid ng labi ko at kinalat yon

Nakita ko paanong naging palaban si Nicole nung araw na yon. At yun din yung araw na umalis siya. Na wala akong nagawa kundi hayaan siya.

Nagsabay sabay ang problema ko noon. Nadamay pa siya. Sinira ko lang ang buhay niya! Kaya mas mainam na sigurong pinakawalan ko na siya. Para wala na siyang iniintindi. Para sarili na lang niya yung iisipin niya.

Mahal na mahal kita Lai. Kung bibigyan pa tayo ng pagkakataon para maayos ang lahat gagawin ko. Imissyou my pretty Lai

Sa loob ng apat na taon ay wala akong ibang ginawa kundi isubsob ang sarili ko sa trabaho ko. Naibalik ko sa dati ang kumpanya. Naging maayos na din si daddy. 2 years namin siyang hindi nakita para sa mga therapy niya. Sobrang hingi niya ng tawad sakin, samin.

Sa twing namimiss ko si Lai ay dun ako natutulog sa Unit na dati naming tinitirhan. Pinalinis ko ito. Pinalagyan ko na din ng gamit para kung sakaling babalik man si Nicole dito maayos namang tignan.

Mahal pa din kita Lai. Ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan. Ikaw lang ang babaeng gusto kong maging ina ng mga anak ko. Iloveyou and i always will.

I hope that we will see each other again...and we will continue the relationship that we kept, please my girl. Come back to my life.....

What happened to us? (ShortStory)Where stories live. Discover now