Chapter 6

36 13 0
                                    

Someone's Pov

Pupunta si Jasper ngayon sa Condo na dati nilang tinitirhan ni Lai.

Ilang minuto ang biyahe bago niya narating ang lugar. Ng buksan niya iyon ay para bang napaka bilis ng tibok ng puso ni Jasper

Ang lugar na iyon na kung saan madami silang nakaraan na alaala na lang ngayon.

Kusang naglakad ang mga paa niya patungo sa kwarto nila ni Nicole. Bigla namang nag flashback sakaniya ang lahat ng mapasok niya iyon.

"Hahahahahaha babe tama na... nakikiliti ako.. hahahahaha...isa ah hahahahaha..." Tugon ni Lai habang kinikiliti ni Jasper ang babae

Nang makawala si Lai ay nagtatakbo dito at agad dumampot ng malambot na unan at hinampas ito kay Jasper. Masaya silang naghahampasan hanggang sa lumabas ang mga feather nito at nagkalat sa sahig ng kwarto

Masaya silang nagtatalon sa malambot nilang kama na animo'y walang iniisip kundi silang dalawa lang.

Nagtungo naman si Jasper sa kusina. Habang may luhang unti unting pumapatak sa mga pisngi nito.

Tumambad sakaniya si Lai na masayang umiindak habang nagluluto, lumapit naman si Jasper para sabayan ang nobya sa sayaw. Nang matapos ay nag Bake naman silang dalawa, enjoy na enjoy at halatang halata na sobrang saya nilang dalawa na kitang kita sa kanilang mga mata.

Nagpahidan naman silang dalawa ng icing ng cake na binake nila. Parang mga bata na masayang naglalaro na animoy walang problema ang mga ito

Punong puno ng tumpang ang mga mukha nina Lai at Jas pero hindi alintana ito dahil masaya sila.

Biglang naglaho ang eksena'ng iyon at bumalik ang bahay sa tahimik at kaunting gamit dito

Napaupo si Jasper at humagulgol ito, Ramdam niya ang sakit at panghihinayang sa mga oras na ito. Ang daming tanong sakaniyang isipan. Kagaya ni Nicole ay Mahal pa din nga nila ang isa't isa.

Lai's POV

Maaga akong gumising para makaabot ako sa flight. Madami pa muna akong ginawa bago umalis kagaya ng pamamaalam sakanila

Nakasakay na ako ngayon sa Eroplano at hinihintay na lang lumapag sa Naia ang sinasakyan ko ngayon.

Hindi ko maiwasang mapaisip, Haharapin ko nanaman ang mag isa sa Pilipinas. Mag isa nanaman ako sa bahay, Tinanong ko sila mom at dad kung gusto nilang sa pilipinas na lang tumira kasama ako. Pero alanganin dahil dun ang trabaho nila, Naiintindihan ko naman kaya heto at hindi ko maiwasang malungkot

Jasper.....Mas lalong nadagdagan ang lungkot ko ng isipin kong ang lalaking mahal ko ay kasal na sa iba... Natatandaan ko pa nung sinabi niya sa akin na hindi siya magpapakasal sa ibang babae dahil ako lang daw ang papakasalan niya..... E'anong nangyari? Bakit naging ganito tayo?

Nagbadya naman ang mga luha ko kaya agad ko itong pinahid, Iniisip ko pa lang na may mga anak na sila at masaya at buong pamilya hindi ko na maiwasang masaktan. Kingina!

Ayoko namang maging mistress, At ayoko din namang sirain ang buhay ng anak nila. Kakalimutan ko na lang... Kakalimutan na lang kita jasper...

Baka kaya ko pa....

Pauwi na ako ngayon sa Apartment ko, Pasalamat na nga lang ako at binigyan ako ni Mom ng Toyota Vios blackish red mica. Ayos na yun kesa naman sa mag commute lang ako.

Ng makarating ay agad kong ginarahe ang sasakyan ko. Sakto lang ang space ng garahe ko para sa sasakyan.

Binuksan ko ang pinto at dumiretcho na sa loob. Maganda ang nabiling apartment sakin nila Mommy, Masyado pa nga itong malaki para sakin dahil ako lang naman mag isa ang titira eh.

May tatlong kwarto ito. Malaki ang salas. Kumpletong kumpleto ang gamit. Wala na akong kailangang bilhin pa. Meron na ding mga stocks na pagkain at gamit ko sa katawan. Napangiti ako dahil sa dami ng mga ito. Sigurado akong si Daddy ang bumili ng mga ito.

Nagtungo naman ako sa kwarto at nanlaki ang mata ko sa sobrang ganda at linis nito, ang aliwalas. May Tv na ding flatscreen, may aircon at malaking cabinet, binuksan ko ito at halos nanlaki ang mata ko sa magagandang mga damit na nasa loob nito. Puro mga orig at talagang ginastusan ng malaki. Napangiti naman ako at agad na pumunta sa bathroom.

Maganda din ito, Naka seperate ang bathtub sa mismong paliguan nito. May basin at malaking salamin sa harap nito.

Nang matapos kong ikutin ay tumalon ako sa kama. Nanggilid ang luha ko ng narealized ko na mag isa na lang ako. Pero kahit ganun ay hindi pa din ako pinabayaan nila Mommy at Daddy. Binigay pa din nila ang pangangailangan ko.

Pinahid ko ang luha ko at agad din namang naka tulog dahil sa pagod.

Nang magising ako ay agad din naman akong naligo. Hinayaan kong umagos ang tubig sa katawan ko, at ng matapos ay Nakaramdam naman ako ng gutom kaya nagtungo ako sa kusina.

Nag crave ako sa cake kaya naman nagbake ako, Talent ko naman tong pagbe bake eh, Minsan nga gawin kong pagkakitaan to. May naalala naman ako habang ginagawa ito.

Napangiti ako na parang tanga habang may luhang tumutulo sa aking pisngi.

Inilagay ko na ito sa Oven at hinintay na tumunog ito.

Nang matapos ay nilagyan ko ng designs at nilagyan ko ng pa heart na icing sa ibabaw nito. Napangiti ako pero agad ding lumungkot ng maalalang ako lang ang kakain nito.

Dati twing nagbe bake ako laging magulo dahil sa kakulitan ni Jasper. Tapos nakakailang subo lang ako pero mauubos na niya. Ang Bake ko daw kasi ang pinaka masarap niyang natikman.

Kapag ba pinag bake kita at pinadala ko sa office mo tatanggapin mo kaya? Pero wag na. Sigurado naman akong andiyan na ang asawa mo para gawin yon.

What happened to us? (ShortStory)Where stories live. Discover now