Nicolaijah's POV
May mga bagay na akala natin para sa atin na. Yun bang akala mo para sayo na pero hindi pa pala? Yung pinagtagpo lang kayo para bigyan ng lesson ang isa't isa. Pero hindi kayo yung tinadhana. Si tadhana talaga kahit kailan mapaglaro. Yung ayaw mo naman siyang kalaro pero lalaruin ka pa din. Pabibo si tadhana! Hays!
Apat na taon..... Apat na taon na walang Jasper sa buhay ko. Kaya ko pala? Kaya ko pa lang wala siya? Pero yung puso ko, araw araw na nagluluksa dahil sa kagustuhang maibalik siya... Mahal pa kita... Mahal ko pa siya... kahit alam kong may mahal ka ng iba... hindi naman nating pwedeng ipilit dahil lang sa kung anong gusto natin. Pero nakakapanghinayang! Hindi dun sa taon na pagsasama natin kundi yung pagmamahal na sabay nating binuo. Yung mga panahon na walang araw na hindi tayo masaya. Pero siguro nga tayo yung napag tripan ng pabibong tadhana kaya naging ganito tayo ngayon. I want to come back all those memories that we had. I want to hug you! I want to kiss you! I want to make everything with you! But the destiny want to play with us! We broked up. We ended our relationship. I think i really have to learn to let go. Because not everyone in your life is meant to stay. But What happened? WHAT HAPPENED TO US?
Dito ako nanirahan sa Korea matapos lahat ng nangyari sakin sa Pilipinas! Kinwento ko na kina Mommy ang lahat. Nung una ay hindi din sila makapaniwala pero sabi niya ay hayaan ko munang palipasin ang taon at hayaang pagtagpuin kami ng tadhana. Si pabibong tadhana!
Walang araw na hindi ko siya naiisip, araw araw. Gabi gabi iniisip ko kung paano kayong kinasal ni Paula. Iniisip ko kung pano kayo naging masaya habang kinakasal at ako heto. Umiiyak, Bitter.
May nagsabi saakin na may nakita daw sila sa facebook na kinasal na si Paula at kasama si Jasper. Pinakita nila ang picture pero hinde! Tumanggi ako, hindi ko tinignan. Ayoko! Hindi ko kaya! Kaya naman nagpunta na lang ako sa kwarto at nag iiyak
Masaya na sila Lai, guguluhin mo pa ba? Naging mapait ang ngiti ko.
Sa apat na taon ay naging abala din naman ako, Exercise dito, Libot doon. Pero hindi ko nagawang maging masaya. Kulang pa din.. Wasak pa din ang puso ko...
Bukas na ang flight ko patungong Pilipinas. May apartment sila Mommy'ng binili doon. Hindi ko alam kung handa na ba ako. Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin ang lugar kung saan nag iwan sakin ng masasakit na alaala. Pero gaya nga ng sabi ko. Alaala na lang ito. Isang mapait na nakaraan na hindi na pwedeng balikan... Dahil yung taong mahal mo kasal na sa iba..
Nagayos na ako ng gamit ko para bukas. Ako nanaman mag isa. Mag isa nanaman ako sa pilipinas. Pero anong magagawa ko? Andun ang trabaho ko. Nagpatayo ako ng coffee shop malapit sa apartment ko. I have to be independent. I am 26 already. Hindi na ako kargo nila mom. I live my own life.
Natulog naman agad ako dahil bukas haharapin ko nanaman ang mag isa. Mag isa kung saan wala si Mom at Dad.
Sana ay pagtagpuin tayo ng tadhana....kahit ngayon lang....
YOU ARE READING
What happened to us? (ShortStory)
Short StoryKung para talaga kayo sa isa't isa, magkikita at magkikita pa din kayo kahit pa....tadhana na ang sumusubok sa relasyon niyo.