Dumating na ang araw nang final exam namin. Buti na lang at nakapag aral ako kahit paano.Pagkagising ko ay tinignan ko agad kung anong oras na. 6:00 am pa lang pala nang umaga at 8:00 am pa ang pasok ko. Kaya bumangon na ko naligo at ginawa ang morning routines ko.
Pagkatapos maligo't magbihis nang black pants, shoes at white t-shirt ay lumabas na ko nang kwarto upang kumain nang umagahan. Laging gulat ko na gising na pala si john. Tumingin ako sa relo, 6:45 am pa lang at ang pagkakaalam ko ay wala siyang pasok.
"Morning" bati nya sa akin na may kasamang malaking ngiti.
"Bat ang aga mo magising eh wala ka naman pasok?" Tanong ko
"Gusto lang kita ipagluto nang breakfast at ihatid sa school" sabi nya
Nakaramdam ako nang galak sa aking puso nang sinabi nya iyon.
"Di mo naman kailangan gawin yun kaya ko naman magluto at pumasok naabala pa kita nagising ka tuloy nang maaga" pangangatwiran ko.
"Wag ka mag alala basta ikaw kaya ko gawin lahat" sabi nya sabay kindat sa akin.
Bigla ko namang iniwas ang aking tingin sa kanya dahil ramdam ko na namumula na ang aking mukha.
"Bacon, pancake or me?" Pagbibirong sabi nya na may kasamang ngiti
"Ikaw" bigla kong sagot
"Ako? Di ka magsasawa sakin" sabi nya habang nakatitig siya sa akin at nandun pa din ang kanyang mapaglarong ngiti.
"Ah eh ikaw ba ano gusto mo kainin?" Pangangatwiran ko
"Lahat" matipid niyang sagot
Di na lang ako nagsalita at nagsimula nang kumain dahil ayokong ma late at mawala ang concentration ko for the exam.
Pagkatapos namin kumain ay kinuha ko na ang aking uniform upang suotin. Sabay sabi niyang.
"Ako na" sabi nya at lumapit siya sakin upang i-butones ang aking uniform. Nakatitig siya sa akin at naka ngiti, ako naman ay di makatitig sa kaniya at di mapakali, eto na naman namumula ulit ang aking mukha.
"Alam mo naman na kaya kong gawin yan di ba?" Sabi ko
"Gusto ko lang gawin to" pangangatwiran nya.
"Tara na at baka ma-late ka pa" sabi nya pagkatapos nya i-butones ang aking uniform at kinuha nya na ang susi nang kanyang motor.
------
Nakapunta na kami sa school at nang papasok na ko ay bigla yang hinawakan ang aking kamay.
"Text mo ko pag tapos na exams mo" sabi nya at seryoso ang kanyang mukha
"Sige na mamaya na baka malate pa ko" pagsusungit ko.
At biglang nalungkot ang mukha ni john. Nakaramdam ako nang awa dahil sinungitan ko sya. Ginagawa ko lang to para protektahan ang puso ko sabi ko sa isip ko.
"I'll text you kaya wag ka mag alala" sabi ko. At biglang sumigla ang kanyang mukha.
"Sge papasok na ko" sabi ko
Nang biglang....
.....
.....
.....
Hinalikan nya ko sa pisngi. Di ako makagalaw sa pangyayaring yun, at ramdam ko na namumula ulit ako.
Lahat nang schoolmates at prof na pumapasok ay nakatingin at nagbubulungan dahil sa pangyayaring iyon."Goodluck kiss" sabi nya sabay kindat
Tumalikod ako agad at nag umpisa nang maglakad habang di lumilingon sa kanya dahil nahihiya ako at namumula na nang sobra.
-----
Chemistry, Physics at Geometry ang exams ko.
Natapos na ang buong maghapon and luckily naka survive ako. Napaisip ako na siguro totoo yung goodluck kiss sa akin ni john. Kaya bigla na lang ako napahawak sa aking pisngi nang maalala ko iyon.
Nagulat na lang ako nang may biglang humawak sa balikat ko. Si jaq lang pala
"Ken! Musta exam?" Tanong nya sakin
"Yun naka survive naman medyo mahirap lang sa physics pero nakaya naman" sabi ko na may kasamang ngiti
"Tara uwi na tayo napagod lahat nang brain cells ko" sabi nya
"Kala mo talaga gumana yung brain cells mo" pagbibiro ko sa kanya habang tumatawa
"Oo na kaw na matalino halika na pagod na ko uwi na tayo" pag aaya nya
At ayun naglalakad na kami papuntang exit sa school namin at bigla kong naalala na i text ko pala si john na pauwi na ko ngunit lowbat na pala ang phone ko.
Nang makalabas na kami ay may nakita akong itim na motorcycle mukha itong pamilyar sakin. Kay john pala ito! At nakaupo siya doon at nag aantay.
Nang makita niya ko ay bigla siyang lumapit.
"Bat hindi ka nag text? I'm trying to call you pero nakapatay ang phone mo!?" Sabi nya na medyo pasigaw. Halatang nainis si john
Nagulat na lamang kami ni jaq sa inasta ni john. Walang paki si john kahit kasama ko si jaq.
Ngunit eto namang kaibigan ko imbis na magtaka ay kinikilig ang tanga.
Pumihit patagilid si jaq at sabing "ken di mo pala sinabi na strict boyfriend pala si john" habang nakangiti sya
"Ah eh sorry john lowbat kasi phone ko" sabi ko sabay pinakita ko ito sa kanya para siya ay maniwala
"Tara na" sabi nya sabay hatak nya sa akin at sinuot ang helmet sa aking ulo.
Ang bilis nang pangyayari at hindi man lang ako nakapagpaalam kay jaq.
Nagtataka talaga ako kung bakit ganto ang inaasta ni john simula nung nag open up siya sakin. Madalas sya magsungit gusto nya updated sya sa lahat nang ginagawa ko.
Nagising na lang ako sa aking pag iisip nang itigil ni john ang motor. Nakarating na pala kami sa condo, nang makaakyat at makapasok na kami ay kinompronta ko sya.
"Ano ba nangyayari sayo john bat this past few days ang weird nang mga kinikilos mo!? " tanong ko nang medyo pasigaw
"Wala" matipid niyang sagot habang naglalakad papuntang kwarto
Sumunod naman ako sa kanya. "Anong wala ramdam ko na ma problema ka nandito lang ako john" sabi ko
Ngunit wala pa din siyang kibo, ilang minuto din akong nakatayo at siya naman ay nakaupo sa kanyang kama.
Napagpasiyahan ko na pumasok na lang sa aking kwarto upang makapag isip si john. Pero bago ako pumasok
"Nandito lang ako john" sabi ko
BINABASA MO ANG
Almost is never enough (Bxb)
RomanceIto ay Bxb o Bi love kaya kung di kayo nag babasa ng gantong story ok lang po. Just read and hope you like it. Ganun si crush sa Picture Hahaha! Sapat na ba lahat ng ginawa at binigay mo? Binigay mo naman ang lahat pero bakit parang kulang pa din...