Chapter 5

3K 126 14
                                    

Please do follow me if gusto nyo yung story at vote nyo na din po then leave a comment Thank you!

××××××

Nagising na naman ako sa ingay ng bunganga ni Mama gusto ko na talaga lumipat sa condo ni john para malagay naman sa tahimik ang buhay ko...kaya bumangon na ko at ginawa na ang morning routine ko

Umupo na ko sa hapagkainan at habang nandun si mama ay sinamantala ko na ito para sabihin na may nahanap na ko lilipatan malapit sa school

"Ma may nahanap na po akong pwede ko lipatan mura lang at malapit pa sa school" sabi ko

Tumango na lang si mama at alam ko na pumapayag na sya Grabe supportive! Hahaha

Dali dali akong umakyat sa kwarto at tinawagan si john

"John pumayag na si mama!" Sabi ko tila kakagising lang ni john halata sa boses nya...masarap pakinggan ang boses nya malamig ito na parang nangaakit

"Talaga Kailan ka lilipat!?" Sigaw nya natawa na lang ako dahil mas excited pa sya sakin

"Siguro mga bukas aayusin ko na lang muna yung gamit ko na dadalhin dyan" tugon ko

"Tulungan na kita hihiramin ko yung kotse ni kuya para dun mo ilagay gamit mo" sabi nya at nagtaka ako na may kuya pala sya pero di nya ito kinekwento sa akin

------

Naayos ko na lahat ng gamit ko at iniliagay na ito sa kahon at biglang may kumatok sa aming bahay nagulat ako at si John pala iyon! Buti na lang at wala si mama sa bahay dahil namalengke sya ngunit nagpaalam naman na ko sa kanya na dadalhin ko na yung gamit ko sa condo

Pinapasok ko si John sa aming bahay nahihiya ako dahil di naman ganun kaganda ang aming bahay simple lang ito...Kinuha ko na ang mga kahon para dalhin ito sa kotse nang biglang kinuha naman ni john ang kahot at sabing "Ako na dito" sabi nya sakin ng nakangiti sabay kindat alam kong namumula na ko Hahaha kaya tumalikod ako at kinuha ko na lang ang aking bag at pumunta na sa kotse

Nakaupo na kami sa kotse at bago paandarin ni john ako sasakyan ay lumapit ito sa akin kahit nahihirapan sya...lumapit ang maamong mukha nya sa akin ang kanyang manipis na labi ang matangos na ilong at na amoy ko ang kanyang pabango na tila nakakalalaki

"John anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya  ngunit nginitian lang nya ko di ko maiwasang tumibok ng mabilis ang aking puso dahil papalapit na ang kanyang mukha sa akin napapikit na lamang ako

Inayos lang naman pala nya yung seat belt ko -__- Haysss umasa ka na naman ken medyo napahiya ako nun kotse kainin mo ko!! Hahaha kaya di na lang ako umimik dahil pinagtatawanan din ako ni john sabay sabing "akala mo hahalikan kita no di ko muna gagawin yun sayo" nakangiti sya at nakatitig sakin nung sinabi nya ito...pinaandar nya na ang kotse at napaisip ako Anong di muna!? So may balak sya!? Habang bumabyahe kami ay di pa din maalis sa mukha nya ang tuwa

"Bat ka ba natutuwa?" Tanong ko sa kanya

"Namumula ka kasi kanina ang cute mo pag namumula ka" sabi nya sabay pisil sa aking pisngi

Naramdaman ko ulit ang kuryenteng dumaloy sa aking katawan at biglang bumilis ang tibok ng aking puso di ko alam kung bakit pero nahuhulog na ba ko kay john? Tanong ko sa aking sarili

Nakarating na kami sa condo at sobrang ganda at laki ng condo ni john! Mas malaki pa ata sa bahay namin....kinuha ni john ang bitibit kong kahon at pumunta sya sa kwarto na uupahan ko Grabee ang gamda ng kwarto parang room sa mga 5 star hotel malaki ang kama may closet at bath tub

Tinulungan ako ni john na ayusin lahat ng gamit ko at nung natapos na kami ay nararamdaman ko na gutom na ko at biglang tumunog ang aking tiyan hahaha nakakahiya dahil narinig ito ni john

"Gutom ka na pala eh dito ka na muna kumain ipagluluto kita" sabi nya sa akin...di naman ako nakatanggi kaya pumayag na lang ako dahil sobrang gutom ko na

Pumunta na kami sa kusina at hinahanda nya na ang mga lulutuin nya at ako naman ay nanunuod lang sa kanya nakita ko na pasta pala ang kanyang lulutuin...nagulat na lang ako ng biglang hinubad ni john ang kanyang shirt!

"Ba-at ka nag hubad?" Tanong ko sa kanya na nauutal

"Mainit kasi pag magluluto na ko kaya hinubad ko na damit ko para di ako pag pawisan" sabi nya sakin nang nakangiti at sinuot nya na ang apron

Grabeeeee bes ang ganda ng katawan ni John! Napalunok ako dahil Halatang nag gym sya dahil may abs sya 6 pack! Batakan ata to Hayss sana araw araw na lang sya magluto para sa akin Hahahaha! Kanin na lang ang kulang

Natapos na sya mag luto at grabe sobrang sarap ng luto nya gwapo na nga magaling pa magluto swerte talaga liligawan ni john...Ideal boyfriend!

"Masarap ba?" Tanong nya sa akin di ako makaimik dahil may nginunguya pa ako

"Oo grabe sarap mo pala magluto" sabi ko sa kanya ng may galak

Napangiti na lamang ito at tinuloy ang pagkain...natapos na kami kumain kaya ako na ang nag represinta na mag hugas dahil nakakahiya naman kay john hahaha di naman ako maghuhubad gaya nya eh mababasa lang naman ako

Natapos na lahat ng aming gagawin kaya uuwi na muna ako para sa huli g araw ko sa aming bahay dahil lilipat na ko dito bukas...nagpaalam na ako kay john na uuwi na ko nang bigla nyang hinawakan ang aking kamay at sabing "Dito ka na lang matulog" nagkatitigan kami ng 5 segundo seryoso ang mga mata nya

Hayss kung di ka lang singkit john!
"Cge na i txt ko na si mama" sabi ko
At dali dali akong niyakap ni john sa sobrang pagkatuwa nya bumitiw din sya sa pagka akap at kita ko sa mukha nya na bigla syang nahiya....pumasok na kami sa aming kwart ngunit bago man ako makapasok sinabi ni john sakin "Goodnight sana mapaginipan mo ko" na may halong ngiti ginantihan ko naman ito ng ngiti at nag Goodnight sa kanya

Humiga ako sa kwarto at tinitignan si bulbasaur....nalilito ako sa nararamdaman ko para kay john dahil ayoko nang masaktan sobrang sakit ng nangyari sa akin at ayoko na itong maulit muli

××××××

Sana po na enjoy nyo

Follow me and please vote

Almost is never enough (Bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon