Chapter 9

1.7K 57 5
                                    


Nagising ako na sobrang sakit nang aking ulo. Dahil siguro sa kakaisip sa maliit naming di pag uunawaan ni john.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na, 10:00 am

Lumabas ako nang aking kwarto upang kumain at laking pagtataka ko na hindi nakita si john sa sala kaya pumasok ako sa kanyang kwarto ngunit wala din siya.

Siguro may pinuntahan lang. sabi ko sa isip ko, at nang pumunta na ko sa kusina ay may nakahanda na palang pagkain para sakin at may note din sa ref.

"Sorry about yesterday, May exam ako today and Don't skip your breakfast :) " sabi sa note

Nagalak naman ang aking puso nang mabasa ko ito. Wala si john at ako lang mag isa sa condo, the thought na ako lang mag isa dito ay na bored na agad ako.

Kaya napag isipan ko na pumunta sa mall kaya kinain ko agad ang luto ni john at nag ayos na para sa aking gala.

Kailangan ko din libangin ang sarili ako and to buy something for myself as a reward dahil nakasurvive ako sa exam.

------

Nasa mall na ko at naglilibot libot. Nakakatuwa dahil ang daming pwedeng bilhin ngayon.

Habang naglalakad ako at nagmumuni muni ay may dalawang mag syota sa harapan ko na naglalakad din. Eto talaga yung ayaw ko eh yung ang bagal nila maglakad daig pa yung lakad sa patay nakakairita.

"Mag break din kayo" sabi ko sa isip ko sabay inunahan ko sila. It might sound bitter pero ganun talaga ako hate ko na nakakakita ako na sweet na couple.

Pumasok ako sa penshoppe upang tumingin nang damit para sa aking sarili. Buti na lang at di ako nahirapan mamili nang damit para sa akin. Fade blue yung color nang shirt simple pero maganda at agad ko na itong binayaran sa counter.

At nung papaalis na ko sa store ay di ko namalayan na may nakabanga pala akong tao at muntikan na ko madapa buti na lang at naalalayan nya ko agad. Nakahawak sya sa aking braso.

Nung inangat ko na ang aking ulo upang makita kung sino ito ay laking gulat ko na si Drake pala ang aking nabungo nakangiti itong nakatingin sa akin.

"Ah- e-eh kuya drake kaw pala yan sorry di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko" sabi ko

"Next time tumingin ka na, buti na lang at nasalo kita kung hindi baka masaktan ka" tugon nya

"Sorry talaga kuya drake..... u-una na po ako" sabi ko na nanginginig ang aking boses

"Samahan na kita, saan ba punta mo?" Tanong nya

"Dito lang po kuya mag iikot lilibangin lang yung sarili ko" sabi ko

"Wala ka bang kasama?" Tanong nya

"Wala kuya may pasok si john ngayon" sabi ko at nagulat na lang ako nang biglang ngumiti ulit si drake nang malaman nya na wala akong kasama.

"Iwan nyo na kami kaya ko na ang sarili ko" sabi ni drake sa mga guards nya na nasa gilid lang at tumango naman sila sabay alis na parang bula.

Wala kaming imikan habang kami ay naglalakad. Nakaka ilang si drake, tumitingin ako sa gawing naroon sya kunwaring may tinitignang iba ngunit gusto lang talaga sya titigang gray long sleeve, black pants and shoes ang kanyang suot. Napaka presentable nya

At nahalata ata ni drake na tinitignan ko sya kaya tumitig sya sa akin at ngumiti. iniwas ko agad ang aking tingin sa kanya pero maganda ang ngiti ni drake, ngayon ko lang napansin na may dimple pa sya, at mas lalo siyang gumwapo dahil doon.

"Kumain ka na ba?" Tanong nya habang nakatitig sya sa akin

"Hindi pa po kuya drake kayo po ba?" Tugon ko

"Let's eat and by the way wag mo na ko tawaging kuya. Drake na lang at wag ka na mag po dahil ilang taon lang naman ang tanda ko sayo" sabi nya na seryoso ang kanyang mukha

Tumango na lang ako sa kanyang sinabi. "Good" sabi nya sabay ngiti sa akin. Mas gwapo talaga sya pag nakangiti. Ngunit madalas siyang seryoso at minsan lang tumawa at ngumiti.

Sinundan ko si drake at I found myself sa isang mamahaling restaurant sa mall.

"Good afternoon sir do you have any reservation?" Tanong nang babae sa amin habang siya ay nakangiti.

"No,. Table for two. VIP table" sabi ni drake

"Okay this way sir" sabi nang babae sa amin and she assisted us sa VIP table.
Kami lang ni drake sa place na yun para siyang kwarto pero vacant ang ibang table

-----

"It's so nice to eat with you ken" sabi ni drake pagaktapos namin kumain. Kasalukuyan pa din kami naglilibot din sa mall.

"Salamat drake boring din kasi kumain pag mag isa ka lang" sabi ko nang may kasamang malaking ngiti. Totoo naman na di ako sanay kumain mag isa

Habang naglalakad kami ay may nadaanan kaming cake shop at may nakita akong strawberry cake kaya dali-dali akong tumakbo sa shop. Favortite ko kasi ang strawberry ever since

Di ko namalayan na naiwan ko pala si drake. Kaya sinenyasan ko sya na lumapit at Agad din naman syang naglakad patungo sa akin nang nakangiti.

"Para ka talagang bata that's why I like you" sabi ni drake nang nakangiti. Nagulat ako sa huling niyang sinabi kaya nagkunwari na lang ako na di ko ito narinig.

"Favorite ko kasi ang straberry" tugon ko at nandun pa din ang malaki kong ngiti.

"I see" sabi ni drake nang nakangiti

-----

5:01 pm na nang makarating ako sa tapat ng pinto ng condo. Hinatid ako ni drake dahil nagmamakulit siya na ihatid ako.

"Salamat drake, salamat dahil sinamahan mo ko" sabi ko na parang nahihiya ako

"Ako ang dapat magpasalamat, Thanks for completing my day ken" sabi ni drake sabay halik sa aking pisngi

Di ko mapigilang mamula sa ginawa nya. At laking gulat ko na bigla na lang bumukas ang pinto at gulat na gulat si john sa kanyang nakita.

"John?!" Sabi ko na nanginginig ang aking boses

Almost is never enough (Bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon