Kumakain si ken ng kanyang oh-so-yummy na mga strawberries at ako naman ay nakatingin lang sa kanya."Gusto mo?" Tanong ni ken
"Bakit ka ba binigyan ni kuya ng sandamakmak na strawberries?" Tanong ko
"Kahapon kasi habang nasa mall kami may nakita akong strawberry cake kaya binili ko yun and favorite ko ang strawberries" sabi nya sabay subo ng strawberry
"Hayy para talaga bata pero mahal ko siya" sabi ko sa aking isip. Napasimangot ako dahil ngayon ko lang nalaman na strawberry pala ang favorite ni ken.
"So nag date pala kayo ni kuya?" Tanong ko
"Uhmm hindi? Di naman kasi matatawag na date yun kasi nagkita lang naman kami accidentally" sabi ni ken.
Ken's POV
"Good, Dapat ako lang ang mag date sayo" sabi ni john. Biglang nag ring ang door bell.
"Ako na" sabi nya
Nakatingin ako sa kanya habang papalakad siya sa pinto at nang binuksan niya ito ay mga kaibigan nya ang bumungad sa kanya.
Isang babae at isang lalaki, ngayon ko lamang sila nakita. Laging gulat ko nang biglang hinalikan sa pisngi at inakap nang babae si john. Nag kunwari na lang ako na di ko sila nakita at Nagsalubong ang aking kilay dahil sa actions ng babae kay john.
"Tara pasok kayo" sabi ni john
"Guys si ken nga pala, Ken si Ann at Chris classmate ko" dagdag ni john
"Hi" sabi ko at tumayo ako upang iabot ang aking kamay sa kanila ngunit si chris lang ang nakipag kamay sa akin. Biglang naging masungit ang mukha ni ann nang inabot ko ang aking kamay.
-----
Nandito ako ngayon sa kusina at nagluluto nang tanghalian namin. Habang ako ay nag hihiwa ng mga rekados ay nakatingin ako kay john at sa babae. Samantalang nakita ko sa aking peripheral view ko na nakatingin sa akin si chris ngunit di ko na lang ito binigyan ng pansin.
Magkatabi sila at daig pa nang ann ang linta sa pag dikit kay john. May matching hawak pa sa braso ni john at pinipisil pa niya ito. "Pag di ako nakapagtimpi ihahagis ko sa kanila itong kutsilyo" sabi ko sa aking sarili.
"Fuck" sigaw ko dahil di ko na lang namalayan na nahiwa ko na pala ang aking darili.
Dali-dali namang lumapit sa akin si john at kinuha ang aking kamay. "Hindi ka kasi nag iingat Moo" sabi ni john sabay sipsip sa aking daliri.
"Moo?" Tanong ko.
"My Only One" sagot nya sabay kindat sa akin.
Di ko naman mapigilang mapangiti sa kanyang sinabi. Natapos na nya linisin ang sugat ko at nalagyan na din ito ng benda, si john na din ang nagpatuloy nang aking niluto.
Habang si john ay nag luluto ako naman ay nasa sala at nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan ni john.
"Ken sa tingin mo ba may nililigawan si john" tanong ni ann.
Pero liligawan muna dapat kita
Naalala ko ang salitang iyan na sinabi sa akin ni john. Di ko mapigilang mag init ang aking mukha, siguro napapansin na nila ang aking pamumula.
"Ah eh wala naman siya nabangit sa akin na nililigawan niya" sagot ko
"May nililigawan ka ba?" Singit ni chris
BINABASA MO ANG
Almost is never enough (Bxb)
RomantizmIto ay Bxb o Bi love kaya kung di kayo nag babasa ng gantong story ok lang po. Just read and hope you like it. Ganun si crush sa Picture Hahaha! Sapat na ba lahat ng ginawa at binigay mo? Binigay mo naman ang lahat pero bakit parang kulang pa din...