Dahil sa mga ginagawa ni Arnold halos madaling araw na siya kung umuwi, at dahil dito bumalik na naman ang paghihinala ni Rosa sa kaniyang asawang si Arnold. Halos sila'y nag aaway na dahil sa sunod sunod na madaling araw na uwi ni Arnold, at nagtataka na rin si Rosa kung bakit paliit ng paliit ang kanilang kita sa palayan.
Kinaumagahan si Arnold ay tanghali na gumising, dahil dito sila Anna at Rona na ang naghanda sa almusal pa lamang ng kanilang ama, habang si Rosa ay nagbibilang ng kita nila sa palayan. Si Alvin ay lumapit sa kaniyang ama ang bunsong anak nila Rosa at Arnold, na kung saan ay gustong mamasyal ngunit ayaw ni Arnold dahil sa kadahilanang busy daw siya sambit niya sa kaniyang anak na si Alvin.
BINABASA MO ANG
BROKEN FAMILY
Short StoryAng kuwento ay tungkol sa pamilya na kung saan " broken family " sila. At ang kaabang abang sa kuwento ay kung magkakabalikan ba ang mag asawa.