"Makalipas ang 10 (sampung) taon"
Sa ilang taong nakalipas sila Anna, Rona, at Alvin ay malalaki na. Na kung saan nakagraduate na silang tatlo at ang inang si Rosa ay tinutulungan nila ito sa kanilang negosyo. May boyfriend na si Anna at ito'y magpapakasal na sila ng kasintahang si James. Napansin ni Rosa na si Anna ay nagdasal sa kanilang Altar (may mga santo na nakalagay at krus na kung saan nakakrus si Jesus). At ito ang kanyang narinig;
"Panginoon, Maraming Salamat po sa lahat lahat sa ibinigay niyong kasaganaan sa pamilya ko. Panginoon, isa nalang po ang aking kahilingan natupad ko na po lahat ng pinapangarap ko sa buhay, pero meron pa pong isa sanang hihilingin ko. Panginoon ikakasal na po ako sa taong pinakamamahal ko, at gusto ko po ihatid ako sa dambana ng aking magulang ngunit hiwalay po si mama at papa at tiyak po ako na tututol si mama pag pinapunta ko si papa. At sa tingin ko po ang tanging paraan nalang ay ang magkabalikan po sila para maihatid ako ni papa sa dambana."
Nang marinig ito ni Rosa ay napaiyak na lamang siya. Nakita ito ni Anna ng bigla siyang lumingon.
"Ma kanina pa po ba kayo diyan? Bat po kayo umiiyak? sambit ni Anna
"Anak narinig ko sinabi mo, kaya ako naiiyak (habang patuloy ang pagiyak). Alam mo anak mahal ko kayo, ang papa mo din naman triny kong patawarin siya at napatawad ko na rin naman siya. Pero iba kasi anak ang magpatawad sa makakasama mo, ayoko na kasi na maulit ulit ang nangyari at alam niyo naman kung ano ginawa ng papa niyo sa pamilya natin. Mahirap anak na 'di tayo kumpleto, kaso anak may mga bagay talaga na kung kinakailangan mong bitawan at 'wag ng balikan kahit masakit kung para naman sa ikabubuti ng lahat. Bakit Hindi? Kaya pasensiya anak, ang iyong kahilingan ay 'di ko kayang gawin 'di ko magagawang tuparin. Pasensiya na anak ha? Sorry. (sabay iyakan ng magina)
BINABASA MO ANG
BROKEN FAMILY
Short StoryAng kuwento ay tungkol sa pamilya na kung saan " broken family " sila. At ang kaabang abang sa kuwento ay kung magkakabalikan ba ang mag asawa.