KABANATA 15

486 5 0
                                    

" Bat ka ba nagkakaganyan Hon? sambit ni Arnold. "

" HON!!!!, Pagkatapos mo ko lokohin, sino kasama 'mong babae sa palayan, sa dami dami ng lugar kung san kayo pwede mag usap, pwede naman dito sa bahay kung kaibigan mo man 'yon, sa Palayan pa talaga!. Ano ipaliwanag mo? Bat ka pumupunta sa Bar? Kaya pala gabi gabi ka na kung makauwi dahil marami kang pinupuntahan, ako na pala'y niloloko mo pagkatapos ng lahat ~ sambit ni Rosa (na kung saan tumutulo na ang luha) "

Hindi na nakaimik si Arnold at ito'y yumuko na lamang. Dahil sa kahihiyan siya'y pumunta na sa kwarto nilang mag asawa. 

" Ano? Kausapin mo ko. Ipaliwanag mo sa akin bakit nagawa mo kaming lokohin ng mga anak mo lalo na ako, Bakit? Huwag mo ko iwasan Arnold tinatanong kita, sambit ni Rosa na humahagulhol na sa iyak "

Si Rosa ay sumunod sa kwarto. At nakita niyang nag aayos ng gamit si Arnold.

" Oh! san ka pupunta? Aalis ka? Sige yan naman gusto mo, diba? Sige lumayas ka. Pumunta ka sa kabit 'mong malandi. Mga walang hiya kayo. Mga manloloko, sambit ni Rosa. "

" Oo aalis na ako dito sa bahay na 'to dahil puro ka na lang tama, palagi nalang ikaw ang Tama. ~ Arnold "

" Ah! ganon, Bakit sa tingin mo ba tama mga pinag gagagawa mo? Tama bang mambabae? Tama bang pumunta sa Bar ang isang lalaki na may asawa at anak na? Sige ipaliwanag mo ng maintindihan ko dahil 'di ko talaga maintindihan Arnold, sagot ni Rosa. "

At si Arnold ay umalis na ng bahay nila na parang walang pakialam sa asawa na umiiyak sa isang tabi.

BROKEN FAMILYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon