KABANATA 16

487 5 2
                                    

Tuluyan ng iniwan ni Arnold si Rosa sa kanilang bahay na kung saan si Rosa ay patuloy ang pag iyak sa ginawa ng asawa niyang si Arnold sa kanilang pamilya. 

" Si Arnold ay nakituloy sa bahay ng kanyang kabit, at sila'y nagsama.

Kinaumagahan, pumunta ang mga anak sa bahay nila na kung saan may kalapitan ito sa bahay ng Lolo't Lola nila (ang mga magulang ni Arnold)

"Good Morning Mama" sambit ng tatlong anak sina Anna, Rona at Alvin.

"Good Morning din mga anak" Kamusta pag tulog niyo kela Lolo at Lola niyo? Kumain na ba kayo? sambit ng inang si Rosa.

"Opo mama pinakain na po kami nila tatay at nanay (tawag sa kanilang lolo't lola). Sa totoo lang po 'ma ako po ay 'di po makatulog kagabi ngunit si Rona at Alvin ay mahimbing po ang tulog, sagot ni Anna.

"Oh! Bakit naman 'di ka makatulog anak? 

"Ewan po 'ma 'di ko po alam, parang may bumabagabag sa puso ko po kagabi. Naisip ko nga po agad kayo ni papa. Bakit kaya 'ma, ano po sa tingin niyo? Di ko po talaga maintindihan. Hmm teka 'ma asan po pala si papa? sambit ni Anna 

"Nak ang totoo umalis papa niyo kagabi, iniwan na niya tayo (sabay tumulo ang luha ni Rosa)

Pasensiya na mga anak. Huwag kayo mag alala lahat gagawin ni mama para sa inyo. Kaya natin 'to. Diba matatag tayo. 

"Ha? Bakit po tayo iniwan ni papa 'ma? sambit ng tatlong anak

"Mga anak tsaka ko na ipapaliwanag sa inyo paglaki niyo, dahil mga bata pa kayo. Hindi niyo pa maiintindihan, okay? I Love You mga anak (nagyakapan ang mag - ina at anak na kung saan umiiyak ito)

BROKEN FAMILYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon