| Saving Our Hearts |

1.9K 55 7
                                    

==================================================

Hi Miss  @michaella_xoxo ~ Salamat sa pagbabasa ng paulit-ulit ng EXO one shots na ginawa ko. Salamat din dahil kahit di ka maka-relate sa ibang story eh dama mo parin. Ngayon... makakarelate ka na, dahil ikaw na ang bida dito HAHHAHHAHA! XD

Masaya ang aura ko ngayon at mejo kabaliktaran ng mood ko ang flow ng story mo. Pero gusto ko nang gawin e XD HHAHAHAHA~! 

Sige, here's Your EXO One Shot Story. I'll be waiting for your commentssss about this. Thank you. :">

|  Saving Our Hearts  |

=================================================

[  MICHAELLA CHOI's POV ]

Hating gabi na pero wala parin si Chanyeol. Dadating pa ba siya?

Napabuntong hininga ako. Pabagsak narin ang mata ko dahil sa sobrang antok. Gusto ko kasing hintaying dumating siya. Gusto kong pagbuksan siya ng pinto at asikasuhin siya galing sa pinuntahan niya. B-Baka kasi.... n-napagod siya. O kaya masama ang naging araw niya...

Pero alam ko naman eh... masayang masaya siya ngayon.

Kahit nanlalabo na ang mata ko sa antok, tiningnan ko parin yung cellphone ko. Baka kasi nagtext siya. Baka kailangan ko siyang sunduin. O kaya baka may ibibilin siya sakin.

Pero asa naman ako.

Kelan niya ba ko tinext?

Ni isang beses... wala pang na-send siyang message sa number ko. Nakakainis pero nakakalungkot. Nakakalungkot kasi masakit pero... mas okay na yun.

Okay na ko sa ganito...

Basta ba..

Hindi kami magdi-divorce.

*DING!*DONG!*

*DING!*DONG!*DING!*DONG!*

Pagkarinig ko ng sunod-sunod na doorbell na yun ay nagmamadali akong pumunta sa pinto at pinagbuksan siya. Nakangiti pa nga ako eh. Ready ko nang sabihin yung kanina ko pang pinagpapraktisan na linya... yung--- HAPPY WEDDING ANNIVERSARY!-----

Pero hindi natuloy yun. Hinding hindi talaga matutuloy lalo na kung ganitong eksena ang makikita ko.

"Ahhhh..."

Sht! Kelangan sa tapat ko pa mismo mag-make out?!!

Napaiwas ako ng tingin saka nag-give way sa mala-hunger games na labanan ng labi nila. Mainit masyado yung pagmi-make out nila. Tingin ko nga ni hindi nila ako napansin. Hayun.. tuloy tuloy lang sila sa paglalakad habang kulang nalang mag-strip yung babae dahil wagas kung itaas ni Chanyeol yung damit niya.

Oo. Si Chanyeol. Yung lalakeng hinihintay ko. Yung babatiin ko dapat. Yung asawa kong mahal na mahal ko pero ni minsan walang nararamdaman para sakin. Si Chanyeol na hanggang ngayon ay mahal na mahal yung girlfriend nya. Yang babaeng ka-make out niya.

Nakayuko akong bumaling sa pinto. Ni-lock yun saka nagtuloy tuloy sa kusina

Isa-isa ko nang niligpit yung mga niluto ko. Yung mga hinanda ko. Pati yung regalo ko. 

Nang matapos ako.. nadatnan ko sila sa sofa. Nadatnan ko sila sa isang karaniwan nang senaryo sa buhay ko. Yung mismong akto ng pagtatalik nila. Gusto ko man silang sigawan at saktan pero hindi ko kaya.

Hindi ko talaga kaya. Lalo na't ang alam ng babaeng yan ay katulong lang ako dito. Isang hamak na taga-laba ng damit ni Chanyeol.

Mapait akong napaiwas ng tingin at nagmamadaling umakyat sa taas. Dumiretso ako sa kwarto ko. At pag sinabi kong kwarto ko... ibig sabihin, dito lang ako... mag-isa.

Your EXO One-Shot Story ♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon