Heart Of The Vampire

1.5K 36 3
                                    

Babala:

Hindi akma para sa mga bata.

±±±±±±± ±±±±±± ±±±±±±± ±±±±±± ±±±±±±± ±±±±±± ±±±±±±± ±±±±±±

[ LERIX JAE PARK ]

"Uhh.. Y-Yohann.."

Hindi ko talaga kayang itanggi na mahal na mahal ko 'tong lalaking 'to. He's my everything and I want nothing but him.

"Uhmm.."

Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa gilid ng leeg ko. Marahan niya iyong minamasahe na para bang pinapakalma ako.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Kilalang kilala niya talaga ako. Hindi naman kasi ako ganitong babae na halos nababaliw na pala sa bawat halik niya.

Boyish ako. Aminado ako roon. Marami akong pinagkaiba sa mga karaniwang babae na maaaring kahumalingan ng kalalakihan. Mahilig din ako sa suntukan at away, talong talo ko pa nga 'to si Yohann eh. Pero tumitiklop lang ako sa mga paraan niyang ganito.

Yung masuyo niyang haplos.. yung marahan at mainit niyang halik. Doon ako nababaliw. At alam niyang doon din ako nawawala kung minsan sa huwisyo, na para akong nalalasing kaya ako na ang mag-iinitiate pa ng iba.

Kaya hayan.. dinadaan niya na naman ako sa pagpapakalma. Nirerespeto niya daw kasi ang iniingatan ko. Magiging siya ang pinakamasayang lalaki sa mundo kung ireregalo ko yun sa kanya ng may pagmamahal pagkatapos naming ikasal.

Kung ako nga lang ay gusto ko nang ibigay sa kanya ang buong buong ako para may panghawakan siya sakin. Para maiparamdam ko sa kanya ang kaibahan ko sa lahat.

Dahil isang beses lang ako pwedeng magmahal. At siya lang ang pinili kong mahalin.

Pero sa twing maalala ko yung sinabi niya, hindi ko maiwasang kiligin. Kahit na padaskol ako kumilos, minamahal parin niya ko.

"Baby.. breathe.." Pagpapaalala niya sakin sa gitna ng masarap niyang halik. Muntik na akong umiling dahil nadadala na naman ako.  Pero bigla siyang ngumiti at bahagyang inilayo ang labi niya sakin.

"Kahit kelan talaga pilya ka Lerix... Baby, Mahal na mahal kita kaya wag kang magmadali. Wag kang mangamba na baka ipagpalit kita dahil lang sa di mo ibibigay yan sakin. Alam mo namang presensya mo palang kinikilig na ko, diba? *tsup* Sadyang adik lang ako sa halik mo kaya lagi tayong ganito, lumalakas ako eh."

Parehas lang kaming natawa sa sinabi niya. Ang korni. Pero huminto ako agad at saka siya tinitigan ng mabuti habang napapapikit sa pagtawa.

Mukha siyang anime. May papikit pikit pa ng nalalaman kahit mahina lang naman ang tawa. Tsk.

Napangisi ako sa iniisip ko at saka ako umupo sa lap niya para humilig sa katawan niya. Naramdaman ko yung mainit niya na namang bisig. Ang sarap sa pakiramdam... Gustong gusto ko talaga yung init niya sa katawan dahil isa siyang tao...

Napangiti ako saglit pero agad na napawi iyon nang maalala kong tatlong taon ko na itong inililihim sa kanya. Na hindi ako normal na tao gaya niya.

Napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Hindi ko kayang sabihin... baka iwan niya ko.

Nababagabag na naman ako ulit.

Ano kaya kung kagatin ko nalang siya? Para maging bampira narin siya at di niya ko kakatakutan dahil magiging iisang lahi nalang kami?

Your EXO One-Shot Story ♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon