@

1.1K 25 1
                                        

[ FLORESEL MACASAET ]

-

Ilang minuto nalang ay maglalanding na ang eroplanong sinasakyan ko sa NAIA. Kung sa ibang tao lagi nilang sinasabi na--- It's good to be back... ako naman, it's the worst thing that I've done.

Hindi ako makapaniwala na babalik ako sa lugar na ito kung saan ako nagsimulang makatamasa ng masaklap na mga alaala at nakaraan.

Naramdaman kong may tumapik ng balikat ko pagtingin ko ay isang magandang babae pala.

"Hi po! Bababa na tayo Miss." Nakangiti niyang sabi sakin. Maalon ang buhok niya na kulay pula.

Tiningnan ko lang siya at di na pinansin pa. Tumayo na ako at iniwan na siya doon.

Mabilis ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa labas ng airport. May tumigil na mamahaling sasakyan sa harap ko at lumabas dun ang limang lalaki.

"Miss Floresel, welcome back." Pormal na sabi nila. Hindi ako umimik at saka pumasok nalang bigla sa loob ng sasakyan.

Dinala nila ako sa isang magandang mansyon. Pahikab kong pinasadahan ng tingin ang laki nun at saka walang pakealam na pumasok.

"Welcome back, Young Mistress." Sabay saby na wika ng mga katulong pero ni hindi ko sila binalingan ng tingin, dire-diretso lang akong naglakad papuntang kwarto at saka nagpalit ng damit.

Black fitted and flexible suit. May dalawang baril ako sa kanang binti. Naka-improvised boots na may electric volts and heels once na na activate. Tinali ko ng pa-ponytail ang buhok ko at saka nagdala ng iba pang kakailanganing gadgets and devices.

Muli kong tiningnan ang papeles na naglalaman ng mga impormasyon sa taong tatrabahuin ko dito sa Pilipinas. Hindi ko tuloy maiwasang mag-ngitngit sa galit dahil sa kanya.

"Humanda ka.. ako naman ang wawasak sayo."

- - -

*Flashback--- three years ago*

Huling linggo ko nalang dito sa Pilipinas. Sa wakas ay matatapos narin ang paghihirap ko sa kamay nang mapangmaltrato kong mga tiyahin at tiyuhin.

Kasam ako nun sa mga naalila ng bagyong Yolanda sa Tacloban. Isa ako sa mga sinawing palad at nawalan din ng pamilya. Naghirap ako habang naghahanap ng ikabubuhay ko. Nakaranas din akong kutsain ng mga kaedad kong labing-limang taong gulang. Naranasan ko ring muntik gahasain ng mga matatanda. Mabuti na lamang ay nakakatakas ako sa kanila. Kung papaano ko yun nagagawa ay di ko na matandaan. Marahil ay sa sobrang takot at adrenaline rush kaya marami akong kilos na nagawa paramakatakas sa kanila.

Nagpalaboy-laboy ako sa daan habang hinahanap ang mga labi ng mga magulang ko sa tinambak na mga bangkay, sa mga nakahilera... pero wala parin.

Your EXO One-Shot Story ♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon