Winter Fantasy

1.5K 43 3
                                    

∞∞∞∞∞∞∞ ∞∞∞∞∞∞∞ ∞∞∞∞∞∞∞ ∞∞∞∞∞∞∞ ∞∞∞∞∞∞∞ ∞∞∞∞∞∞∞

[ ALEX CHEON ]

"Hoy Alex! Kunin mo nga yung ballpen ko dun! Nahulog eh!" Nakarinig ako ng tawanan ng mga babae at nangunguna dun ang boses ng kapatid kong si Elza.

Nakatungo akong lumapit sa kanya kahit na nasa likod niya lang ako.

"N-Nasan Elza?"

Nangunot ang noo niya at saka itinulak ako dun sa may bandang maputik. Hindi na ako umimik at hinayaan na siya sa gusto niya. Alam ko naman kasing mainitin ang ulo niya at iniiwisan ko yun dahil siguradong ako ang malalagot.

"Puta! Hayan na nga sa harap mo di mo pa kunin!" Galit na sabi niya at saka ako dinuro sa sintido. Napakislot lang ako dahil natusok ako nung kuko niya puno ng snowflake designs.

Hayy.. gusto ko rin nun. Isip isip ko pero agad yung nabura ng inis na sumigaw si Elza.

"Ang tagal naman Alex! Yung ballpen ko! Yung ballpen ko! Peste! Kunin mong hayop kang sampid ka!"

Napalunok ako at saka dahandahang yumuko para abutin yung ballpen niya. Nakarinig ako ng hagikgikan at halos manginig ako sa sumunod na ginawa nila sakin.

*BLAAAG!*

"Ayan! Dyan ka nababagay eh!  Dyan ka napulot ng mga magulang ko diba?! AYAN! BUMALIK KA DYAN AT LUMAYAS NA SA BAHAY NAMIN!!"

Hindi ko na naiwasang mapahikbi dahil sa nangyari. Mabilis akong tumayo at gayun nalang ang panlulumo ko nang makita ang uniform kong puro bahid ng putik. May tumutulo pang putik sa buhok pababa hanggang sa bewang ko.

Pano na 'to?

--

Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob sa kapatid kong si Elza kahit na siya ang naging pasimuno ng pagkakabully sakin ng karamihan ng mga estudyante sa school. Iniintindi ko nalang dahil pakiramdam ko ay talagang naiinggit siya sakin.

Kumbaga kasi sa pamilya, siya ang blacksheep. Pero ang totoo ay mahina siya at gusto ng atensyon. Kaya ipinagsasawalang bahala ko nalang.

Narito nga pala ako sa kwarto at kakatapos lang linisin ang sarili ko. Namoblema pa nga ako sa maruming uniform ko.

Habang gumagawa ng assignment sa study table ay naagaw ng pansin ko ang tunog ng busina ng sasakyan sa labas. Akala ko tuloy may bisita kami, o kaya dumating na ang pinsan naming galing Canada. Pero nagkamali ako dahil iyong sasakyan pala ay sa katabi ng  bahay namin.

Napatulala pa nga ako sa bahay eh. Iyan yung nirenovate at mukha nang mansion.

Napatingin ako sa pinto ng kotse dahil nagbukas iyon. Parang tanga akomg sumilip doon at naghihintay sa kung sino ang lalabas.

Napangiti ako ng makita ang isang lalaki. Una kong napansin ang mga mata niyang bilugan ngubit singkit sa dulo. Tapos yung mapulang labi niya na nakangiti ngayon. Maputi siya at di maipagkakailang cute siya para sa isang lalaki. Nagagandahan ako sa kanya dahil kahawig niya si Sohee ng Wonder Girls! ^__^

Nakita ko siyang sumenyas sa may kotseng nilabasan niya. May inabot sa kanyang box at mabilis niya itong kinuha at pinasok sa mansion.

Napapangiti ako sa twing maaalala ko ang senaryong yun. Dalawang araw na ang nakakaraan at halos araw araw akong sumisilip dito sa bintana. Malay mo makita ko siya ulit.

Your EXO One-Shot Story ♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon