Minseok vs. Xiumin

1.4K 38 1
                                    


====================================================

[ MINSEOK's POV ]

I am busy covering my face with a book. Gusto ko na kasing matulog pero since sobrang liwanag ng araw ay magtyatyaga nalang ako ng ganito.

Nakapikit na ko at unti-unti nang kumakalma ang pakiramdam ko nang biglang makarinig ako ng kumakanta.

  # Minsan..
    Hindi ko maiwasang isipin ka
    Lalo na sa twing nag-iisa.. #

Napangiti ako sa lambing ng boses niya. Her voice is plainly ordinary but I have to accept the fact that she sings so sweet and free.

  #  Ano na kayang balita.. sa iyo
    Iniisip mo rin kaya ako?

   Simula nang, ikaw ay mawala.
   Wala nang dahilan para lumuha #

Umupo ako ng maayos at saka isinandal ang likod ko sa puno. Saka ko siya sinabayan pagdating sa chorus.

  # At hihiling sa mga bituin
    Na minsan pa sana, ako'y iyong
    mahalin..

     Hihiling kahit dumilim ang aking
     daan na tatahakin..
     Patungo sa iyo ..

     Patungo sa..  iyo..  #

Huminto siya sa pagkanta. So was I.

Dumungaw ako sa baba at nakita ko siya dun sa ibaba ng sanga na kinauupuan ko.

I waved a hand at her, smiling. Pero tinignan niya lang ako na parang nakakita ng di kilalang tao.

Ilang segundo niya pa kong tiningnan at saka malayang naglakad paalis.

I sighed. Hindi niya parin ako pinapansin :( Waaaaahhhh!!! Klaire naman eh!!!!

Mabilis pa sa alas kwatrong tinalon ko ang sanga ng puno yun at saka hinabol ko siya kaso aabutin ko palang ang kamay niya ay bigla na siya pumihit paharap sakin.

"Bakit po?"

Ah sht! Parang diwata yung kumakausap sakin! Pwedeng matulala ng sampung oras? Huu! Yung dibdib ko kumakalabog na naman!

"H-Hi Klaire!" Ngumiti ako sa kanya pero taka niya lang akong tiningnan. Ugh! Ang ganda ganda niya talaga.

Inayos niya ang eyeglass niya saka ako tinitigan ulit na parang inoobserbahan ang kaloob-looban ko.

I diverted my gaze on the ground saka umayos ng tayo. Pati necktie ko, pinagdiskitahan ko ring ayusin.

Hindi parin siya nagsasalita. Woo! What now, Minseok?

"Bakit po Prince?"

Napalunok ako ng laway nung bigla niya kong tawaging prince. Ang ganda sa pandinig!

Oo. Marami ngang tumatawag sakin nun. Pero siya.. parang may kakaibang tunog yung pagtawag niya sakin nun.

"Ano pong kailangan mo po? Kasi po papasok na po ako." Mayumi niya na namang sabi. Ah.. ang sarap niyang pakinggan all day.

"Ihahatid na kita Klaire. Pwede naman diba?" Hopeful na tanong ko. Taka na naman siyang napatingin sakin. Sabagay ngayon ko lang siya nilapitan para yayain. Aish! Klaire ko naman eh! Binabaliw mo ko!

Hinawakan ko nalang yung dala niyang libro saka kinuha. "Samahan na kita. Magkatabi lang naman building natin eh."

"Pero sa fourth floor ang room niyo. Ako rin sa fourth floor. Mapapagod ka Prince."

Your EXO One-Shot Story ♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon