Ang buhay ng tao ay napaka-ikli ika nga. Sa isang iglap, pwede itong maglaho nang hindi mo namamalayan. Walang permanente rito, lahat ay hiram lamang. At sa takdang panahon, dumadating rin ang hukom sa bawat nilalang dito sa sanlibutan.
Iyon ay bawiin na ng Maykapal ang buhay na hiniram lamang.
At sa mga naiwan, sa puntong iyon mo mapapatunayan ang halaga ng taong iyon sa iyo.
Saka aabot sa realisasyon mo kung gaano siya kahalaga sa iyo. Sobrang mahalaga!
Ngunit huli na ang lahat..
Huling huli na ang lahat..
Dahil nga, hanggang doon na lang iyon. Hindi mo man lang naipadama sa taong iyon kung gaano siya kahalaga. Sapagkat tuluyan na niyang nilisan ang mundong ibabaw.
Ito ay hindi isang tipikal na nobela..
Ito ay isang pagbabalik tanaw sa buhay ng isang tao na namayapa na at naging bahagi ng buhay ko.
Hindi ko ipagkakaila na minsan sa buhay ko ay pinangiti niya ako.
Pinasaya at pinakilig ng sobra..
Naging isang mabuting taga-pakinig..
Naging isang mabait na kaibigan..
At higit sa lahat, nag-ukit ng isang magandang ala-ala rito sa puso ko.. Ala-alang kailanman ay hindi ko makakalimutan..
Ala-alang gugunitain ko habang ako'y nabubuhay pa.
Hanggang ngayon ay pilit ko pa rin idinidiin sa isip ko na wala na siya. Na nasa mabuti na siyang kinaroroonan ngayon. At hanggang ngayon, hindi ko talaga alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko. Sunud-sunod rin kasi kaming namatayan. Ang pamangkin ko at ang Tita ko tapos ngayon nabalitaan ko, wala na siya.
Masisiyahan ba ako? Dahil sa natapos na rin ang paghihirap na dinanas niya? O di kaya ay malulungkot ba ako? Sapagkat tuluyan na siyang umalis at hindi na muling babalik pa?
Hindi ko man lang alam ang gagawin ko. Simula noong nalaman ko namayapa na siya, hindi ko man lang magawa ang umiyak.
Ngunit maniwala kayo o sa hindi, taus-puso akong nagdadalamhati.
At ang totoo? Napakasakit! Hindi kayang ilarawan ng salitang sakit kung gaano ako nasasaktan sa puntong ito.
Pero sa mga sandaling ito, gusto ko lang na isipin na buhay siya, at makikita ko pa siya ulit. Alam ko naman na wala na talaga siya. May mga panghihinayang din akong nadarama ngayon. Ang daming "sana" at kesyo ganito at ganyan..
Pero gaya ng sinabi ko, huli na ang lahat.. Kung mayroon man na animnapung segundo na para makasama ko siya, I will grab it. I will definitely grab it. At sa loob ng segundong iyon ay ipadama ko kung gaano siya kahalaga sa akin. Sa librong ito, Samahan niyo po ako sa pagbabalik tanaw sa buhay ng taong ito sa buhay ko. Kung sino siya? Abangan..
BINABASA MO ANG
Tears in Heaven
Non-FictionMissing someone special to you bring tears to your eyes, but remembering all the good times, that someone had brings a smile to your face..