Noong nagbabakasyon ako kina Mira. Masasabi kong it's all worth it. Bukod sa nakasama ko pa si Mira. Nakilala at naging kami rin ni Amuriy.
Boom! It was like Cloud Nine! It was like butterflies are everywhere.
Alam niyo iyong pakiramdam ng FIRST TIME niyong mararanasan ang mga bagay-bagay. Karamihan ng nakaranas ng unang karanasan sa anumang bagay ay nakakadama ng saya, kaba, takot at iba pang unmentionable emotions. Ang sarap kasi ng first time eh..
Iyon bang first time magkakaroon ng kasintahan..
First time makikipagholding hands..
First time makikipagdate..
First time pumunta ng simbahan at maglandian..
First time kumulangot.. umutot.. biro lang!
Nakilala ko rin a few of his family, pero masasabi ko it wasn't formal na pagpapakilala though.. Masaya ako at alam kong ganoon din siya.
AKO ang kanyang unang pag-ibig.. at SIYA naman ang aking unang pag-ibig. We are each other's first love..
Sa panandalian kong pagtira kina Mira. Hindi man lang ako nabagot. Sa halip, I really had a great time. Kung tutuusin naman, hindi talaga kami madalas na nagkikita ni Amuriy. Panay lang ang komunikasyon sa pamamagitan ng text. Wala pang unlimited texting noon. Maswerte nga ang mga magsing-irog sa panahon ngayon eh. May unlimited text and call na.. Sa internet naman na tinatawag natin ngayon na Social Networking--andyan ang skype, facebook, twitter, oovoo, plurk, instagram, tumbler at friendster. may friendster pa ba? hahaha. Anyway, name it. Andyan na ang lahat.
Alam niyo nakakatuwa yan si Amuriy eh. Naalala ko pa noon, iyong bintana ng kwarto ni Mira ay nakaharap sa boarding house na kung saan nangungupahan ang pinsan ni Amuriy. Not Louie actually!
Nakikita ko yan siya na pasulyap sulyap kunwari sa direksyon ng bintana ni Mira. Lingid sa kaalaman niya, nakikita pala namin siya mula sa loob. Eh kasi iyong bintana ay glass tinted.
Kapag natatanaw ko siya, masyado akong naaaliw sa mga mata niya. Ang ganda talaga tingnan. Parang nangungusap ang mga ito. Madalas ko siyang inihahambing kay Albert Martinez. Siya iyong younger version. Kung kaya kahit hanggan ngayon, natutuwa ko kapag nakikita ko si Albert sa TV dahil si Amuriy agad ang naalala ko kahit noong nabubuhay pa siya.
April 9, 2006
Linggo ng Pagkabuhay!
Masasabi ko lahat ay may hangganan. Panandaliang aliwan kung ikaw man ay nagsasayahan. Sa mga sandaling iyon. Kailangan ko ng magpaalam sa kanya. I need to go home.
Ang totoo niyan, wala akong kasiguraduhan kung magkikita pa ba kami ulit dahil na rin noon ako iyong tipo ng kabataan na bahay at paaralan ang siklo ng aking buhay. Bawal gumala lalo na kapag wala itong kinalaman tungkol sa pag-aaral..
I don't know what lies ahead in the future and I don't even have the power to foresee and foretell it but whatever it will be. Come what may. Que sera sera..
Paalam na aking Mahal!

BINABASA MO ANG
Tears in Heaven
Non-FictionMissing someone special to you bring tears to your eyes, but remembering all the good times, that someone had brings a smile to your face..