Pagbabalik Tanaw 4

41 7 1
                                    

     Nung nakauwi na ako sa amin. This is for sure, may baon akong dala na mga good memories sa kaikliang pagbabakasyon kina Mira. And these good memories will serve as my focal point to always look forward in the future. I don't know but there is really that excitement running through my spine. Naeexcite ako sa mga mangyayari especially sa aming dalawa ni Amuriy.

Kalaunan, naging busy ako sa school. Wala akong ibang inaatupag kundi ang pag-aaral. Noong mga panahon na iyon, puro projects, assignments at curricular activities ang hinaharap. Ngunit hindi ito naging hindrance sa relasyon namin ni Amuriy. Maunawain naman siya. And besides, dahil na rin sa wala pang unlimited text and call noon, madalang lang yung pakikipag-communicate namin sa isa't isa.

Patience is a virtue ika nga nila..

Hindi mo mapapagtagumpayan ang isang bagay kung wala kang pasensiya. But if you have patience, no matter how difficult the situation may get. You will indeed succeed with flying colors.

Iyong unang pagkikita namin ni Amuriy ay minsan na rin nasundan nang bigyan ako ng pagkakataon magbakasyon saglit kina Mira.

Nakakapag-usap kami ni Amuriy pero parang barkada lang kung umakto. Walang halong malisya.

Masaya siyang kasama..

Masarap siyang kausap..

Tuksuhan dito.. Harutan doon pati nga mga kapatid at si Mira ay nakikisali na rin. Ganoon lang kasimple ang relasyon namin. Walang SPG pero masayang masaya na dahil sa totoo iyong mga nararamdaman namin para sa bawat isa.

Those were the old days indeed. Such a treasured moment.

Gaya nung una, it's time to face the truth and bade farewell to him. Naging busy na naman ako sa buhay ko and ganoon din siya. Back to our routine. That was life and that was reality.

August 24, 2007

  Kung hindi ako nagkakamali. In commemoration of the foundation week of our school. Nagkaroon ng field demonstration competition. We were representing our sophomore curriculum and thank God we were able to bag the first place. We were the champion. I was really glad that Mira was also there to support me and little did I know na susunduin niya rin pala ako at the same time para pumunta sa bahay nila. So ibig sabihin, makikita ko rin si Amuriy. Wow! such a blessing.

After the competition, hindi na kami nanood ng ibang patimpalak dahil pumunta na kami sa bahay ni Mira. Dahil sa kung anong naging mayroon kami dalawa ni Amuriy, naging close rin silang dalawa and it was really a good thing because somehow mas mapapadali sa aming dalawa lahat. Mira can be a bridge for us.

Everyday is a surprise ayon sa kanila..

Wala akong kaalam alam na planado na pala ang mga mangyayari. They actually planned it. Nakiusap pala si Amuriy kay Mira if he can talk to me. Dahil likas ang kabaitan nitong pinsan ko which I must say, I'm proud of her and very lucky to have her as my cousin. So ayun, sinundo nga niya ako sa school at dinala sa kanila to have a moment with Amuriy. Dahil na rin sa kagustuhan ni Mira mag-internet noon. We had to go with her and Yes, nagkaroon kami ng time upang makapag-usap ng mga random things. Nag-internet din kami. We both shared the same computer. Hindi naman sa nagtitipid. It was just during that time, hindi ako marunong mag-surf sa internet. Hanggang microsoft word lang ako noon. Kahiya noh? pero totoo iyon. So nagpaturo na rin ako sa kanya but then, I have to admit na slow learner ako sa mga gadgets eh.. It takes time for me to learn. So that was it, nag-enjoy naman ako. And I was given the chance to get closer to him. Really close.. hmm.. I can smell his manly smell and its so fragrant. I got addicted to him. Plus the fact, he is really so sweet. Everytime he touch my hand, nininerbyos ako. Pero hindi dahil sa takot.. rather dahil sa iilang boltahe ng koryente na dumadaloy sa mga veins ko at kinikilig at the same time. Iyong mga titig niya na nakakapangilabot sa pagmamahal. Ewan ko ba parang may something na hindi ko ma-explain explain. To sum up it all, he brought bliss in my life noong mga panahon na iyon.

Ngunit may mga bagay sa mundo na kahit gustong gusto mo na mapapasaiyo for the rest of your life ay kailangan mong isakripisyo..

Kahit gaano niyo kagusto labanan ang pagmamahal niyo para sa isa't isa ay hindi pwede dahil nakatakda na noon pa na hanggang doon na lang talaga kayo..

I hate to say goodbye and see what we have come to its end ( especially naging maayos at masaya naman ) when all I want to do is be with him forever pero kung ito lang ang magiging sagot para matahimik iyong mga taong nasa paligid namin. We had no choice but to deal with it.

Hindi lahat ng mga nagmamahal ay mga mala-fairytale na ending.. Iyong happily ever after kumbaga!

Iyong iba kailangan magsakripisyo at masaktan para sa kapakanan at kaligayahan ng iba.

Kung nagmamahal ka, dapat matutunan mo ang magparaya.. Masakit man.. pero kalaunan marerealize mo rin that it was all worth it.

Tears in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon