It all started when I was in my first year in high school. Samakatuwid, walong taon na ang nakakalipas nang mangyari ito. Labing tatlong taong gulang ako noon at siya naman ay labing apat na taong gulang. Oo, bata pa lang ako noon ay marunong na akong kumerengkeng. Lumaki kasi ako sa gabay ng mga pinsan ko na ang lalaki ng agwat ng kani-kanilang edad sa akin. Sa murang edad, namulat ako sa salitang " pag-ibig pag-ibig " na iyan. Dahil na rin sa kuryosidad ko, hindi na rin akong nagpatumpik-tumpik pa. Gusto ko rin na maranasan ito. Nagtataka kasi ako kung bakit halos lahat nang nakakaranas nito ay mabaliw-baliw. Ika nga, hindi mo mauunawaan ang isang bagay kung hindi ikaw mismo ang nasa sitwasyon. Madali mong husgahan ngunit pag ikaw na mismo ang nakakaranas ay malalaman mo na ibang iba pala talaga.
Isa si Mira sa mga pinsan ko na malapit sa akin. Apat na taon ang agwat ng edad namin. Itong si Mira ay nagkaroon ng kasintahan na nagngangalang Louie.
Madalas itong si Mira natutulog sa amin noon. Kahit medyo kalayuan ang lugar na kung saan sila nakatira ay dumadayo talaga siya amin kapag walang klase. Siya ang isa sa tinuturing kong bestfriend ko bukod sa kanyang kapatid na si Ate Twinkle na kasalukuyang nasa ibang bansa at nagtatrabaho bilang nurse. Mas kapalagayan ko ng loob si Ate Twinkle ngunit dahil nasa malayo siya. I have no choice but to dealt with Mira. Biro lang. Actually the three of us are the closest among the rest in my Father side. Walang lihiman sa amin. Bulgaran talaga ang peg namin.
Dahil nga sa kuryosidad at excitement na rin ay sinabihan ko itong si Mira kung pwede ba ay irekomenda niya ako sa kakilala niyang lalaki na kaparehong edad ko. Walang paliguy ligoy ang drama eh! Hindi uso sa amin iyan. At oo na, kalandian na ang tawag doon. Iyan ang uso. Trending na trending sa kapanahunan ko mapa-hanggang ngayon.
Ngunit ang totoo niyan, hindi naman talaga ako ganoon kaseryosong magka-boyfriend. Atat? Oo! Pero seryoso? Hindi pa.. Gusto ko lang naman maranasan iyong mga kilig-kilig at saya na nararanasan nila. Para maintindihan ko rin kahit papaano.
Hindi ko mawari noon kung bakit sila kinikilig sa isang text lang na galing sa mga kasintahan nila. Ganoon pala talaga kung matamaan noh? Ang tindi! Kaya nga gustong gusto kong maranasan nang ako rin ang tamaan at magkaroon ng saltik sa utak.
Pero dumarating din sila sa puntong, iiyak iyak kunwari dahil sa nagkakaroon sila ng bangayan sa relasyon nila. Pag-iinarte kumbaga at talagang nakokornihan ako noon sa konseptong iyan. Sino ba kasi ang pasimuno niyan? Dahil corny talaga siya! Kung kaya'y hindi ko na lang pinapansin masyado. Pero gusto ko talagang maranasan dahil nga para maintindihan ko iyong mga taong naging bihag kay Pag-ibig na may saltik.
Sa request ko kay Mira, hindi ko akalain na seseryosohin niya ng ganoon. Pulos kasi ako kalokohan. Kumekerengkeng ako sa paraang.. alam niyo iyon.. iyon bang.. iyon na iyon..
Ang sabi niya ay may ipapakilala raw siya sa akin, pinsan ni Louie. 14 years old!
Aba, tamang tama!
Mukhang magkakaroon na rin yata ako ng sariling kong fairytale.. sarili kong Prince Charming!
Tinanong ko siya kung gwapo ba? kasi kapag hindi, ayaw ko nang ituloy ang pakikipagkita.
Oo, alam kong hindi ako kagandahan ( maganda sa mata ni Mama at Papa )
Kaya nga, nangangarap ako noon kung magkakaboyfriend man ay dapat iyong gwapo rin. Para naman ma-compensate iyong kapangitan ko. Oyy, kung mangarap na lang man din, Aba'y lubus-lubusin na. Di ba?
Sabi ni Mira ay gwapo raw at makikilala ko rin isang araw. Nagtiwala na man ako. Pinsan ko ang ngsasabi eh!
Hanggang dumating na nga iyong araw na iyon..
April 4, 2006..
Nakilala ko si Amuriy ( A-mu-ri )
Papaano ko siya nakilala?
Dahil sa malandi ako, at summer vacation noon. Nagbakasyon ako kina Mira. Magkapitbahay lang sina Mira, Louie at Amuriy.
Noong una pa lang, alam na alam na namin ang mangyayari dahil ginamitan na ng google. Ay! nakaplanado na pala.
Puro tukso at kantiyaw ang natatanggap namin ni Amuriy sa bawat epal naming pinsan na walang iba kundi si Mira at Louie. Dahil na rin sa murang edad namin ay nadadala rin kami. Bugso ba ng damdamin ang tawag dun? Malay ko! Ayaw kong alamin.
Noong hindi pa namin nakikita ang isa't isa, crush na namin ang isa't isa. Wagas di ba? Ikaw ba naman kung hindi ka pa ba matatangay sa bawat kwento ng bawat pinsan namin ukol sa amin.
Ang kinalalabasan ay parang may nagsasabungan, At kami itong dalawa na naging manok. Sa Pula? Sa Puti?
Iyong araw na iyon ay hindi kami lumabas ni Mira sa tindi ng sikat ng araw. Gabi na kami lumabas. Hindi para tumambay. Strikto pa rin naman mga magulang namin at hindi nila alam ang mga kabulastugang ginagawa namin dalawa. At kung malaman, malilintikan kami. Kaya doble ingat hangga't maaari. Kung papaano kami lumabas? edi dumiskarte kami. Kunwari may bibilhin lang sa tindahan para payagan o di kaya ay magpapa-utos kami sa kanila na kung may ipapabili sila.
O kay gandang pagkakataon!
Inutusan nga talaga kami..
Walang pakyeme kyeme! Ako itong tinuturingang Juanita Tamad ay magpapautos. Sa ngalan ng Lintik na Pag-ibig kuno ay magiging masipag ako.
Aba, siyampre naman gustong gusto ko siyang makilala para pabulahanan na hindi totoo ang mga sinasabi ng pinsan ko na sobrang gwapo raw. Hmmp!
Atat na kung atat! Pumupururot na kasi..
Sa isang eskinita..
Oo, sa isang madilim na eskinita kami nagkakilala..
Wow, gaya ng pagdedescribe ni Mira, gwapo nga talaga kaso hindi ako sigurado dahil malabo mga mata ko. Tantiya ko lang. Madilim kasi. Sana may flashlight..
Noong nagkita na nga kami.. ayun, pumu-pucho pucho na ako. Kinikilig pwet ko sobra.
Ang bango niya..
Ang bait..
" Hi! " sabi niya..
" Hi rin! " shy effect ako ng mga sandaling iyon
" Pwede tayo na? " shit! ayan na nga ba sinasabi ko eh. Nakaplanado na lahat. Ang bilis parang nangangarera lang.
Edi! siyempre kunwari ay hindi ko nagustuhan tanong niya kaya nagwalk-out ako.
Nagtaka naman si Mira at sinundan ako. Oo, alam ko, nagdadrama lang.
Tinanong niya ako kung bakit ako nagwalk-out? Aba, siyempre. Dalagang Pilipina ako noh! Hindi kaya ako basta-basta. Itaas ang bandera ng pagiging Maria Clara at hayaan na si Damaso maging kalbo..
Ngunit sa sobrang bait ko, nakonsensiya ako. Tinext ko siya kung pwede bang bumalik siya sa eskinita. May importante lang akong sasabihin. During those times, Nokia 3315 pa ang brand ng cp namin iyong skeleton type--walang casing! In na in kasi iyon noon. Take note, wala pang unlimited text dati ahh!
Such a puppy love..
Prince charming ko nga siya..
Nang bumalik kami ni Mira roon ay andoon na rin pala siya nakaabang sa amin.
Ito na nga talaga..
" Papayag na ako. Sige na.. Tayo na. " deklara ko kay Andres Bonifacio .. Ay! kay Amuriy pala.
Ayun, naglulupasay siya sa saya. Halata pa talaga na wala pa kaming kamuwang muwang sa mundo..
Bye Maria Clara! See you when I see you..

BINABASA MO ANG
Tears in Heaven
Non-FictionMissing someone special to you bring tears to your eyes, but remembering all the good times, that someone had brings a smile to your face..