Pagbabalik Tanaw 2

57 7 0
                                    

Viola! Naging kami na nga ni Amuriy sa napakaikling sandali.

Walang pakyeme kyeme.. Walang pakipot.. At higit sa lahat, walang ligawang naganap.

Pareho kasi kaming nagmamadali at takot maiwanan ng tren eh.

Naging maayos naman relasyon namin. Masaya naman..

Dahil na rin sa murang edad namin at talagang mapusok pang maituturing ang stage na iyan. Madalas akong napapakilig. Sa una, inaamin kong nahihiya pa ako sa kanya ngunit nang kalaunan, Naging kumportable na.

Siya ang aking unang pag-ibig.. Oo, kahit hindi man ako nagseseryoso noong una. Hindi rin nagtagal tinamaan din ako ng sibat ni Kupido. Unting unti ko na siyang minamahal. Hindi siyang mahirap mahalin and besides, crush ko na siya bago pa kami nagkita. And the feeling was mutual.

Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Kapag tumibok ang puso. Lagot ka na siguradong huli ka..

Naku, talagang huling huli nga ako eh. Tiba tiba nga si Kupido sa huli niya. Masyadong magaling pumana. Sagad  hanggang buto.

Nang dahil kay Amuriy, natuto akong huwag paglaruan ang pag-ibig at seryosohin dapat ang nararamdaman at huwag na huwag manakit ng nararamdaman ng iba.. At kung nababasa niya man ito ngayon, kung may wattpad pa rin ba sa langit. Sobra akong nagpapasalamat sa kanya.

Ang dami niyang tinuro.. Madami akong natutunan sa kanya. Siya ang nagmulat sa akin sa mga bagay-bagay na ni minsan hindi ko man lang pinapahalagahan..

Noong bata pa ako, maniwala kayo o sa hindi. Uso sa akin ang paghingi ng sign kay God.

Ito iyong pinaka-ultimate sign na hiningi ko noon:

Kapag may isang kauna-unahang lalaki na yayayain akong magsimba. Ibig sabihin seryoso siya sa akin at malinis ang kanyang intention kapag halimbawa ay magiging kami..

Noong una, kahit humingi ako sa kaitaasan ng sign. Hindi naman akong umaasa na mangyayari nga iyon. Eh inisip ko kasi para akong humihingi na sana maging lupa ang dagat.. o di kaya magkakayelo dito sa Pilipinas.

Pero ika nga nila: EXPECT THE UNEXPECTED-- The least you expect it, the greater the chance for it to come true. Well, dreams do come true and so as signs do..

April 8, 2006

     gabi ng Sabado De Gloria noon nang yayain niya akong masimba sa malapit na chapel ng kanilang barangay. Honestly, I was stunned..

Signs do really come true especially if you are not expecting it at all.

Masarap sa pakiramdam at noong mga panahon na iyon, walang pagsidlan ang galak na nararamdaman ko.

Kabago bago pa namin. It was like a blessing.

During that time, pinasama ko si Mira nang payagan talaga ako. Naalala ko pa kung saan kami umupo. Right row and second to the last.

Hmm.. Ang bango niya talaga..

Hindi sa pag-aalsa ng sariling bangko dahil naging bahagi siya ng buhay ko pero ang totoo niyan eh, ang gwapo niya talaga

Aaminin kong hindi ko talaga naalala kung ano iyong mga pangaral ng Pari noon. Eh kasi naman napunta lahat sa kanya ang attention ko. Nakakahiya mang sabihin ay date lang ang inatupag ko. Pero worth it naman dahil sa simbahan naman tumuloy. Kalandian to the max!

Nakakatuwa lang isipin dahil kahit kapatid niya na nasa unahan sa amin umupo ay pinandidilatan na kami dahil nga raw ang ingay namin. Hindi ko naman napansin na maingay nga talaga kami. O sadya nga bang nakakabingi ang pag-ibig? At kami ay naging bingi na dahil rito?

Tears in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon