Faine's POV
"AYAN ANG ISA SA MGA PARUSA KAPAG HINDI KAYO SUMUNOD SA UTOS"
Well, isa sa mga parusa? The heck? Grabe naman tong parusa na to. Halos Makita na yung laman nila e.
"Dapak?! Isa sa mga parusa? E halos mapatay na nila yang mga ugok na yan e."-sabi ni Diana tapos napailing pa. Grabehan na to ha. First day pa Lang e ganito na?!
"Mommy, ayoko na"-halos mapaiyak na sabi ni Shirley.
"Kahit ganito ang sitwasyon, Hindi ko iiwan mag isa dito si Kuya"-determinadong sabi ni Reina. Sino ba yang Kuya nya? Kung iniisip nya Lang pangalan ng Kuya nya edi sana kilala ko na.
"We are here para magbago. Siguro isa yang parusa na yan para matino tayo."-sabi ko naman sa kanilang tatlo. Minsan ako yung nag aadvice tapos Hirap pakong sundin yung advise ko. Angaling ko diba? Tsh.
"Maghanda kayo para bukas. Kikilalanin natin bukas ang mga nakatakda"-sabi ni Mrs. Gray. Nakatakda? Encantadia ba to? La Luna Sanggre? Anong kahibangan nanaman ba to?!
"Pagtatakda? Okay."-sabi ni Shirley. Hindi nya ba narinig? Paulit ulit
"Tara na nga sa classroom"-sabi ni Reina. Mukhang hindi na nya kinakaya yung mga pangyayari ngayon. I feel her.
"Sana sa pagtulog ko, unawa ko na tong mga to"-sabi naman ni Diana. Mukha tong pagtulog. Ang sarap nya ipakasal kay Hypnos.(Hypnos is the God of Sleep. Son of Zeus na pinatapon sa isang bundok kasi napangitan sa kanya si Zeus)
Habang naglalakad kami, naririnig namin kung gaano kagrabe yung parusa kanina. Hindi pa ko nakakita ng ganong parusa. Parusa nga namin sa Fraternity, pagpalo lang ng troso at tubo tsaka pagpaso ng sigarilyo. Tapos eto? Kakayanin ko.
So ayun. Tapos na yung Learning the Weapons. Recess na namin kaya napagdesisyunan naming apat na sa canteen na dumiretso. Well, gusto ko ulit bumili sa Fire kasi dun mamasarap ang mga pagkain. E dito? Poor. Di ko gusto yung lasa.
Nakakita Kami ng salad, spagetti, carbonara, pansit, may hotdog pa atsaka yung iba pa. Kung makikita nyo si Diana. Mukhang first taym kumain kasi parang bata. Andami nyang binili kesa sakin.
"Lah? Grabe ka Diana"-sabi ni Shirley. Well, di nya ito pinansin. Busy e.
"Ate Diana, Hindi ka naman gutom noh?"-medyo sarcastic na sabi ni Reina. Himala, nag 'ate' ang gaga. Hahahahahaha
"Ikaw, dhi kepa kekeern?"-sabi ni Diana. Nagtaas naman ng kilay yung dalawa tapos nag-nod lang ako. Syempre kapag kalahi mong matakaw, intindi mo sya kasi ganyan din ako magsalita kapag may pagkain sa bibig.Nuba.
"Look at her, kababae nyang tao, anlakas kumain. Yuck!"-sabi nung isang babae. Kasama sya dun sa grupo ng babae. Aba! Wag na wag nyang subukan si Diana. Tumayo bigla si Diana tapos hinila yung buhok nung babae. Round 1!
"Kahit malakas akong kumain, mas sexy pa din ako sayo"-sabi nya tapos binitawan nya na yung buhok nung babae dahilan para mapaupo ito sa sahig. Paktay tayo Kay Diana. WHAHAHAHAHAHA
"Mas sexy ak--"-hindi na natapos nung babae yung sasabihin nya kasi sinampal na sya ni Diana ng kaliwa't kanan.
"Oopss, sorry. Ayon kasi sa pake ko, bawal magmalaki ang isang bitch sa mas nakaka sexy at nakakaganda sa kanya."-sabi ni Diana tapos nag-smirk sya dun sa babae. Tumawa nalang kami kay Diana. Iba tong isang to. Hahahahahhaha! Nag-flip hair pa sya.
Akmang sasambunutan nya si Diana pero nasuntok ko sya. Ayun, tumba. Sumugod naman yung mga babae sa aming apat tapos itoooo na!
Si Shirley, may dalawang babae. Sinipa nya yung isa tapos sinuntok naman yung isang babae.
Si Reina, Hindi ko inaakala na upper punch yung pinakawalan nya sa kamao. Ayun, hilo.
Si Diana, may isa din, nagulat ako kasi ginupit nya yung buhok nung nakasagutan nya tapos headbang. Tulog.
Ako naman, meron akong dalawa. Maiikli yung buhok ng isa kaya sinuntok ko nalang. Yung isa naman, sinipa ko sa pusod nya. Bigla namang sumugod sakin yung nagsuntukan kong lalaki kanina. Aba! Hihirit pa ang gago. Akmang tutulungan ako ng tatlo pero Hindi ko sila pinayagan. Away ko to at ayaw ko ng may madamay.
Hindi ko na sya inintay na lumapit sakin at ako ang lumapit sa kanya, napahawak sya sa ari nya ng sipain ko iyon at tuhudin. Don't mess with me asshole.
Pagtuloy pa din yung klase at sa bawat daan namin ay nagtatabihan sila. Ewan ko ba sa kanila. Magkakalahi lang naman Kami dito tapos takot sila sa amin. Hayss.
______________________________________
Mga beach?Bitch?Ahhh, beach. HAHAHAHA. Ayan na mga Petmalu kong lodi. Dont forget to vote and comment. Labidab.
~DarkestQueen
BINABASA MO ANG
Mafia Organization [EDITING]
ActionPatay kung patay. Buhay kung buhay. Traidor kung traidor. Kaaway kung kaaway. Saan nga ba papatungo ang lahat?