(A/N: Sorry for the late update guys I'm very very sorry.)
THIRD PERSON'S POV
HINDI nila halos maisip na may gagawa nang ganong krimen dito sa loob ng eskwelahan. Halos magkasunod lang ang nangyari kay Zeign at sa lalaking natagpuang walang buhay. At ang nagpapagulo pa sa kanila ay ang sulat na nasa bangkay ng lalaki. Isang malaking palatandaan pa din sa kanila kung sino ang utak ng mga kaganapan dito.
"Sa atin sinisisi ng ibang estudyante ang barilan dito sa school since tayo lang ang may kumpletong kagamitan ng mga yun."- saad ni Clark sa lahat. Lahat lahat sila ngayon at napaka-busy sapagkat sisimulan na nila ang paghahanap sa suspek para sa kapakanan ng lahat.
" Ahhhh... Ganon? Eh kung sila kaya dito sa pwesto natin? Sapakin ko sila jan e."- sabi ni Diana sa lahat. Yung iba tahimik lang at yung iba, nakain. Stress sila sa mga nangyayari. Sino naman nga kasing tao ang gagawa nito? At anong dahilan?
"Easihan mo nga lang, Diana. Wala tayong malulutas nito kung magrereklamo lang tayo. Imbis na magreklamo, sana gumawa nalang. Nakakarindi kasi."- sabi ni Cyan kay Diana na naiirita. Kanina pa kasi nagrereklamo si Diana pero nakain lang ang dalaga kasama ang iba oa nilang kasama.
Nang dahil sa sagot ni Cyan, nagkaroon ng tensyon sa pagitan nila.
" So sinasabi mong bawal magsabi ng opinyon dito? So, ano pang silbi ng pagkakaroon ng freedom of speech diba?"- sagot ni Diana at tiningnan sya ng masama ni Cyan na hindi at a susuko sa pakikipagsagutan kay Diana.
"Ang sinasabi ko, wag ka nang dumaldak."- sabi pa ni Cyan at akala nang dalawa na walang nakakarinig sa kanila sa lakas ng sigawan.
"Aba at bastos ka ah!"-Diana
" Manahimik ka nala---"- Cyan
Naputol ang sasabihin sana ni Cyan dahil biglang may pumutok na baril at tumama ang bala sa inumin ng dalawang nag-aaway. Lahat ay napatigil sa ginagawa at lahat ay nakatuon sa taong kayang gumawa nun.
"Tatahimik kayo o ipuputok ko na talaga ito sa mga bibig nyo?"- sabi ni Faine habang may dala na riffle sa kamay at isang bomba na handa nya na atang dukutin ang pin nito.
"Tahimik naman kami ah, ikaw nga Cyan, diba? Tahimik tayo?"- napasabi nalang ni Diana kay Cyan na syang ikinatawa ng ibang tao na nasa dorm nila dahil sa pamumutla ni Diana na senyales ng takot.
"Siya nga pala, training tayo bukas. Ipagpapatuloy natin yung nakaraang training."- sabi ni Dale sa isang tabi habang hawak yung picture nung lalaking natagpuang patay. Pinag-aaralan nya pa din into dahil sa karumal-dumal na krimen.
" Matanong, may idea na ba kayo kung sino ang gumawa nito?"- sabi ni Simon, yung isang lalaki sa kabilang grupo. Nagtataka naman ang kilay ni Faine dahil hindi nya alam kung bakit nasa kwarto nila ang ibang tao sa kabilang grupo.
"Faine, sabi kasi ni Mr. Rutherford, magsama-sama daw tayo para madali lang nating masosolusyunan ito."- sabi ni Norris, ang ex-bestfriend ni Faine.
" Medyo ang kapal ng mukha nya ah, sambunutan ko yan"- pabulong na sabi ni Maine kay Faine at ikinatawa lang ng dalaga. Lahat ng atensyon ay napunta kay Faine dahil minsan lang kung tumawa ang dalaga.
"Anong tinitingin-tingin nyo Jan?"- sabi ni Faine sa lahat. Nagtataka ang iba niyang ka-grupo dahil sa napaka lamig ng aura ni Faine ngayon.
"Trabaho na tayo, Faine."- sabi ni Simon kay Faine. Lahat ng ka-grupo ni Faine ay tiningnan si Dale na napakasama ng tingin sa dalawa at pasulyap-sulyap ito. Ang iba ay humahagikgik at ang iba ay nagpupustahan sa gagawin ni Dale.
" 50 pesos oh. Susuntukin talaga yan ni Dale."- sabi ni Alex kina Reina, Tristan, Iris, at Blaize.
"100 para sa amin ni Ize. Sabi kasi ni Ize, babarahin---" naputol ang pagsasalita ni Iris dahil biglang nagsalita si Dale.
"Magtrabaho lang kasi wala na nalang kayo, remember pre?"- sabi ni Dale na ikinapikon ni Simon pero tumahimik nalang sya dahil nasa teritoryo siya ng mga ito. Gusto nyang sapakin si Dale pero nirerespeto niya si Faine kaya tumahimik nalang sya.
"Nakapagtataka kasi bakit may 'I love you' dito sa sulat na nasa bangkay"- sabi ni Maine na inaanalize yung sulat at kung kaninong sulat.
"Atsaka may 'You will pay for everything' pero may 'I love you no matter what'. Ang talino ng killer."- sabi naman ni Shirley.
Kung itatanong nyo kung anong ginagawa ng mga head teachers, well, wala silang ginagawa kasi trabaho daw yun ng mga itinakda.
"Punta lang ako sa locker ko. Huyy ate Faine! Samahan mo ako,please?"- paalam ni Reina kay Faine at tumango nalang ang dalaga sapagkat nararamdaman nya pa din ang tensyon sa dalawang binata na nasa harapan
"PUNYETA naman kasi eh. Sino ba kasing loko-loko yung gagawa ng ganitong kagaguhan diba? Alam ko namang maramking gago dito pero f*ck! Is this the school na 5 stars ang rate? This is one of the shits."- sabi ni Norris habang nagtitingin ng mga cctv. Kahit alam nyang burado na ang mga ito dahil kahit anong halukay nya sa mga cctv ay wala talaga syang mahanap. Masyadong eksperto at may kakayahan talaga ang killer para magawa ang ganitong bagay. May nabubuo na isip nya na htitig nyi estudyante ang may gawa nito pero paano kung estudyante nga diba?
"Kaya nga eh. Nakakairita kaya. Una nabaril ako, pangalawa may nabaril at napatay pa. Saan ka pa diba? Ipapa-advertisement ko tong school na ito eh."- sabi ni Zeign na naiirita na.
Sa kabilang dako naman, tinitingnan ni Faine si Simon. Parang may kung anong meron sa utak ng dalaga at sobrang titig nya na di nya naman ginagawa sa iba.
Nag-aalangan ako sayo. Mahal mo ba talaga ako? Pero bakit? Bakit ako ang paparusahan mo kaisa ikaw ang maparusahan ko? anong kagaguhan 'to?
---------
My accounts to keep you guys updated kung kelan ako mag-pupublish. Hindi na kasi ako masyadong busy this days and I hope, naintindiohan nyo Darkies na ngayon lang ako nakapag-update. but, I love you guys! Keep reading, keep voting and keep commenting and KEEP LOVING THIS STORY AND SUPPORT UNTIL THE END.
twt: @DQOF_wp
Facebook: https://www.facebook.com/Darkest-Queen-Of-All-199591457315693/?modal=admin_todo_tour
LOVE,
YOUR DARKEST QUEEN AUTHOR
BINABASA MO ANG
Mafia Organization [EDITING]
ActionPatay kung patay. Buhay kung buhay. Traidor kung traidor. Kaaway kung kaaway. Saan nga ba papatungo ang lahat?